(Jenessy's notebook)
July 11, 2015
Hindi ko alam kung kanino ko sasabihin tong nararamdaman ko. Hindi ko pwedeng sabihin kay Helga kasi baka magalit siya kay Marcus. Susungitan niya yun pag pumunta sa kanila.
Pero ang sakit kasi ng mga sinabi niya. Sabi niya, annoying daw ako. Wag ko raw siyang pakialaman. Tapos yung message niya, puro exclamation points! Parang galit na galit siya sa kin dahil lang binigyan ko siya ng first-aid kit.
Alam ko naman na baka ang creepy ko, kasi, sabi nga ni Helga, ang creepy nung pangalan ko. Tapos, di naman niya kilala kung sino yung nagme-message sa kanya. Alam ko rin, para na kong stalker. Binigyan ko pa siya ng first-aid kit. Dun ko pa sa kotse niya iniwan.
Ngayong iniisip ko... nakakahiya. Bakit ko pa ginawa yun?
Simula pa lang, pinigilan ko naman yung sarili kong umasa na papansinin niya yung messages ko e. Malamang, marami namang nagmi-message sa kanya. Mr. Intrams siya. Tapos, varsity swimmer. Okay naman ako dati na nanonood lang sa kanya. Sanay naman akong hindi napapansin ng kahit na sino. Yung kaklase ko nga, Jenny nang Jenny sa kin. Hindi man lang matandaan yung full name ko. Siya pa kaya ang makapansin sa kin e ang daming nagbibigay ng atensyon sa kanya?
Kaso, lagi na kasi siyang malungkot. Tapos, hindi siya pumapasok. Tapos, may pasa siya nung nakaraan. Hindi naman ako makalapit para kausapin siya kasi ang awkward nun. Sino naman ako sa buhay niya? Hindi naman kami close.
Kaya lang, wala bang ibang nag-aalala sa kanya?
Gusto ko lang namang malaman niyang merong may concern sa kanya. May nagwo-worry. Napasama pa pala.
Ang sakit lang talaga. Hindi ko alam kung bakit ganito.
Hindi ko na siya kakausapin kahit kailan.
BINABASA MO ANG
[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl
RomanceChat MD Series 1: Invisible Girl An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. [Epistolary | Young Adult | Romance] NOTE: This is already published under Flutter Fic. I hope you can support the book!
![[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl](https://img.wattpad.com/cover/61809611-64-k982132.jpg)