First Reply
***
"This kit contains plasters, sterile gauze dressings, sterile eye dressings, bandages, safety pins, sterile gloves, cleansing wipes, sticky tape, rash cream, antiseptic cream, painkillers..."
Napabuntonghininga ako matapos basahin ang nasa maliit na papel na naka-display sa box ng first-aid kit. Lumingon ako sa labas ng drugstore. Madilim na rin pala. Mahihirapan na 'kong sumakay pauwi. Punuan kasi 'yong mga jeep na dumadaan sa highway sa tapat kapag ganitong oras na.
Puwede sana akong nakauwi nang maaga. Ang kaso, hindi ko mabibilhan ng medicine kit si Marcus kung ipagpapaliban ko 'yong pagdaan dito.
Nakakukunsumi kasi siya. Nakita ko siya kanina na parang hindi pa rin nilalagyan ng treatment 'yong pasa niya sa panga at cheekbone. Mukhang sariwa pa rin kasi at medyo maga pa. Ang balita sa 'kin ni bestie, nag-away raw si Marcus at 'yong Dad niya dahil sa kotse kaya siya injured.
No'ng nakaraan, nag-send na 'ko ng pangalawang message sa kanya para i-remind siyang gamutin 'yong injuries niya pero sineen lang ako—gaya no'ng unang message ko. Nahihiya na 'kong mag-send ng pangatlo kasi baka makulitan na siya. Saka, masakit din ma-seen.
Kabadong-kabado ako no'ng sinend ko 'yong first message ko noon, 'tapos, hintay ako nang hintay kung kailan niya makikita. No'ng na-seen na niya, hoping naman ako na baka mag-reply siya. Kahit hindi siya nag-reply, naglakas-loob naman akong mag-send ng ikalawa kasi pagala-gala siya sa school na may injury. Kawawa siya. Bongga 'yong kaba ko no'ng na-seen na naman niya uli. Pero wala uling reply.
Hay naku. Nakaho-hoping tumitig sa seen kahit na dapat, hindi naman ako nag-aambisyon na ma-reply. Pero sana, kahit sinunod man lang niya 'yong bilin ko sa message. Wala ba siyang balak i-treat ang injury niya?
Napabuntonghininga uli ako. Natuon ang mga mata ko sa lower shelves. May mga loose items do'n na pang-first aid.
Mukhang mahilig sa basag-ulo ngayon si Marcus. Pang-ilang ulit na kasi niyang may injury. No'ng una, sa laboratory activity yata nila na dahil sa asar niya kay Laurice, 'yong ex-girlfriend niya. 'Tapos, wala pang dalawang linggo, kaaway naman niya ang dad niya. Siguro, nadadala siya ng pagluluksa niya. Mahirap maiwan ng nanay. Saka, malamang, nakaha-highblood 'yong papansin niyang girlfriend na nakipag-break na nga, madalas ko pang makita sa freedom park o sa library na ipinaparada 'yong bagong boyfriend. Mas guwapo naman si Marcus do'n! Mas matalino pati.
Dahil nadadalas ang basag-ulo ngayon ni Marcus, dadagdagan ko na lang siguro 'yong pang-first aid niya para may spare pa.
Pero kung magiging close kami, pipigilan ko siyang makipag-away. Sayang 'yong mukha niya kung ipasusuntok niya lagi. Pa'no 'yong lips niya na maka-cut? 'Tapos, 'yong matangos na ilong na puwedeng ma-deform? 'Tapos, 'yong mga mata niya?
Dumampot ako ng ice pack. May print na Bugs Bunny. Umupo ako sa sakong ko at nagkalkal sa mga items sa lower shelves. Bakit walang loose items na hindi printed?!
Napatingin uli ako kay Bugs Bunny. Cute naman si Bugs Bunny. Hindi naman siguro masama kung may print 'yong spare ni Marcus. Hindi ko naman siya sisingilin. Libre ko lang ibibigay.
Dahil gumagabi na talaga at mag-aalala na si Nanay, kumuha na lang ako ng mga loose items kahit magkakaiba-iba ng print: ice pack na Bugs Bunny, band-aid na Hello Kitty, at cotton and swabs na Lilo and Stitch. Saka ko binitbit lahat sa counter para bayaran.
Manganganib 'yong ipon ko galing sa scholarship. Mahal kasi 'yong first-aid kit. Dahil siguro sa box.
***
"Walang tao. Bilisan mo na..." bulong ni Helga sa 'kin. Naramdaman ko pa 'yong palad niya na tumutulak-tulak nang mahina sa likod ko.
Nakatago kami sa likod ng boxed plants sa parking. Bitbit ko 'yong kit ni Marcus. Ang goal, iiwan ko 'yong kit sa kotse niya. Ilang minuto na rin kami ni bestie do'n.
"Sandali... parang may naglalakad kasi palapit e..." sabi ko. Tinitibayan ko 'yong paa ko sa semento kasi baka biglang lumakas 'yong pagtulak niya. Si bestie pa naman, kapag naiinip, nagiging bayolente.
"'Sus, walang tao. Kanina ka pa nakakarinig ng kaluskos, hanggang ngayon naman, bakante ang parking."
Hindi pa rin ako kumbinsido kahit na gusto ko talagang maibigay 'tong kit kay Marcus.
"Ilagay mo na! Ilang hakbang lang 'yong kotse niya o!"
Tinulak-tulak na naman niya 'yong balikat ko. May kasama nang gigil kasi nayuyugyog na talaga ako. Bumagsak pa nang kaunti 'yong salamin sa ilong ko.
"Oo, wait..."
"Isa pang wait a..." banta niya sa kin.
Bumubulong-bulong na si Bestie. Gusto kong matawa kung hindi lang ako kabado.
"'Pag tayo, inabutan ng uwian nila a. Maya-maya, nandito na 'yon si Marcus. 'Tapos, hindi mo na maibibigay 'yan..."
"Hala... Eh 'di—"
"'Pag 'di mo 'yan nalagay ngayon sa kotse niya, hindi na kita sasamahan bukas!"
Tumingin ako sa mukha ni Helga. Nakasimangot na talaga siya. Hindi siguro uli ni-reply ni Ashton. O baka nag-away sila at tinawag na naman siyang bata. Super crush niya kasi si Ashton pero hindi siya pinapansin.
"Totoo? Hindi mo na 'ko sasamahan 'pag bukas pa?" paniniguro ko.
"Totoo talaga! Bahala ka d'yan!"
Naglayo siya ng tingin kaya sinilip ko 'yong mukha niya.
"Totoo na talaga?" kulit ko.
Umirap siya. "Si Ash kasi..."
Napatawa ako nang mahina.
"Bilisan mo na kasi! Baka hindi na natin masilip si Ash! Bilisan mo na!"
"Oo na!" Huminga ako nang malalim at naghahanda nang humakbang... pero nauna na 'kong maitulak ni Bestie. Muntik masalabid 'yong mga paa ko.
Napatakbo ako palapit sa kotse ni Marcus at basta na lang inilagay 'yong kit sa ibabaw ng trunk.
"Bestie!" pasigaw na tawag ni Helga sa likod ng mga halaman.
Nakarinig ako ng mga yabag at pag-uusap-usap sa opposite direction. Parang... boses ni Marcus at ng mga kaibigan niya!
"Bilis!" halos walang sound na sabi ni Helga. Kumakaway siya nang mabilis sa 'kin.
Hala! Malapit lang sila?!
Nauna na 'kong tumakbo pabalik kay Helga bago pa 'ko makapag-isip o makapag-check sa paligid. Napaupo ako agad sa tabi niya sa likod ng matatangkad na halaman. Sumilip kami.
Magkakasama 'yong apat na magkakaibigan. Sa school, kilala sila as Trolls dahil madalas silang mag-ingay at magkulitan sa social media status ng isa't isa. Si Kuya Harry, may bitbit na parang aquarium. Si Kuya Jeric, may bitbit na plastic bag. Si Ash, may hawak na makapal na binder. Si Marcus, bag lang ang sukbit. Nakakunot ang noo niya sa medicine kit na nasa trunk.
"O, ano 'yan?" tanong ni Kuya Harry.
Isinara ko 'yong bibig ko na nakabuka pala. Feeling ko kasi, ang lakas ng paghinga ko. Baka marinig niya.
"Medicine kit, Harry baby. May pagkabulag?" tudyo ni Ash at tumawa.
"Ay, siya nga, ano?" sabi ni Kuya Harry at sinamaan ng tingin si Ash. "Kanino galing, Marcus honey? May stalker ka na naman? O may doctor kang palaki?"
Nagtawanan 'yong tatlo. Nag-asaran tungkol sa mga stalker.
Kunot-noo pa rin si Marcus nang damputin ang kit at pag-aralan.
"Patingin nga," sabi ni Kuya Jeric at lumapit. Kinuha niya sa kamay ni Marcus 'yong kit. Itinaas niya. Inikot-ikot. "Wala namang nakalagay kung kanino galing."
"Yeah," sabi lang ni Marcus at kinuha pabalik ang kit. Binuksan niya 'yong pinto sa backseat at inilagay do'n 'yong hawak niya.
Inilagay rin ng Trolls 'yong dala nila sa backseat.
"Baka galing kay Laurice!" sabi ni Kuya Harry.
"'Sus. Kawawa si Honey kung gano'n. Baka akala natin, medicine kit, 'yon pala, puro pictures ni Laurice at no'ng ipinalit sa kanya! Prank," sabi ni Ash.
Tumawa uli silang tatlo. Pinag-usapan naman si Laurice. Nailing lang si Marcus.
"Hindi 'yan galing kay Laurice. It's impossible for her to care."
"Parang may feelings pa sa pagkakasabi ah!" sabi ni Jeric.
"Baliw. Na-da!" sabi ni Marcus at bumaling kay Ash. "Sabay ka sa 'kin? O kay Jeric?"
"Sa 'yo na lang. Para may mag-a-unload nito sa bahay mo. Kawawa ka naman eh," sabi ni Ash.
"Ikaw ang kawawa 'pag coding, dude. 'Di ka makapambabae!" asar ni Kuya Harry.
"Ikaw ang kawawa sa everyday basted ni Neah," ganti ni Ash.
"Aray ah! Mesheket!"
Nagtawanan silang apat. 'Tapos, nagpaalam na sila sa isa't isa. Bumalik sina Kuya Harry at Kuya Jeric kung sa'n sila galing. Sumakay naman sina Ash at Marcus sa kotse ni Marcus.
No'ng nakalabas na sa parking 'yong kotse ni Marcus, lumabas na kami ni bestie sa pinagtataguan namin at pumunta naman sa kotse nila. Tinatawagan na kasi siya ni Kuya Harry sa cellphone para umuwi. Makikisabay naman ako sa sasakyan nila hanggang highway.
***
You are annoying.
Nakatitig ako sa screen ng mobile phone ko. Nasa kotse pa ako ni Kuya Harry, katabi si Helga sa backseat no'ng dumating 'yong message ni Marcus.
'Yong talon ng puso ko kanina no'ng in-accept ni Marcus 'yong message ko at lumitaw 'yong una niyang message, napalitan ng sakit.
Parang pinupunit 'yong puso ko sa mga salita niya.
Sino ka ba?
Was it also you?
The one who left a first-aid kit on my trunk?
Reply!
Nanginginig ako sa pagbabasa ng messages. Nagpipigil na rin ng luha.
Nagtanong si Bestie kung okay lang ako. Nag-fake na lang ako ng ngiti bago mag-reply sa message ni Marcus.
Yes. Ako yun.
I'm sorry.
Nag-reply uli siya. Sunod-sunod.
What I do and what happens to me is none of your business!
Don't stalk me or tell me things!
Don't send me things!
Don't bother me, whoever you are!
STOP sending me messages!
Got it?!
May capslock talaga siya sa STOP. Puwede namang wala. Minsan na nga lang mag-reply, ang sungit pa.
Ganito ba siya kasungit? Gano'n ba 'ko ka-annoying?
Lumabo 'yong screen ng mobile phone ko. Dahil siguro sa luha sa mga mata ko. Kumurap-kurap ako para hindi lumaglag nang tuluyan 'yong luha ko.
Yan. Pakialamera ka kasi, naisip ko bago mag-type. Incovenient naman sa kanya 'yong mga pagme-message mo.
I'm really sorry.
Seen na lang uli galing sa kanya. Pasimple naman akong humihinga nang malalim para kumalma.
Tiniis kong 'wag munang maiyak sa kotse ni Kuya Harry at sa jeep na nilipatan ko pagbaba sa highway.
Pagdating sa bahay, umiyak ako habang paulit-ulit kong binabasa 'yong messages ni Marcus.
You are annoying.
Annoying.
I should stop with the messages. #
BINABASA MO ANG
[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl
RomanceChat MD Series 1: Invisible Girl An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. [Epistolary | Young Adult | Romance] NOTE: This is already published under Flutter Fic. I hope you can support the book!
![[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl](https://img.wattpad.com/cover/61809611-64-k982132.jpg)