Day 40: Code

1.9K 52 0
                                        

Code
***

End of morning lectures, eksaktong dumating ang message ni Marcus na nasa library na raw 'yong books na ibibigay niya sa 'kin. Kinalabit ko si Bestie para magmadali sa pag-aayos ng gamit niya.

"Pupunta kayo sa library?" untag ni Carmi na lumitaw sa tagiliran ng inuupuan namin. Sa akin siya nakatingin.

"Hindi," sagot agad ni Helga. "Gutom na 'ko, eh. Magla-lunch na muna kami."

Napatingin ako kay Bestie. No'ng nakaraan lang, sabi niya sa 'kin, hindi na niya isasama si Carmi sa library. Friend naman namin si Carmi. Kaso, masyado na kasing naku-curious.

"Totoo, Jen?" tanong ni Carmi sa 'kin.

"Oo eh . . ." sabi ko at nag-iwas na ng tingin. Ayokong nagsisinungaling sa iilang kaibigan ko pero kailangan kong ingatan ang sekreto ni En.

Ngumiti lang siya at tumango. "Okay. Sa'n kayo magla-lunch?"

"Sa labas. Miss ko na kasi kumain ng sinabawan kay Manang Lupe," sabi ni Helga kahit na hindi naman kami ro'n kakain.

Alam kong iniiwasan lang ni Bestie na sumabay sa 'min si Carmi dahil nga pupunta kami sa library. Ayaw kasi ni Carmi sa mga luto sa kainan sa labas ng school. Mainit din ang dugo niya kay Manang Lupe.

"Ah, okay. See you later!" sabi niya at lumabas ng room kasama si Ria.

Tumingin ako kay Bestie.

"Mas kaunti ang nakakaalam, mas safe. 'Di ba?" sabi ni Bestie sa 'kin at kumabit sa braso ko. "Tara na."

***
Sumilip muna kami ni Helga sa loob ng library bago tuluyang pumasok.

"Confirmed. Wala si Archie," bulong ni Helga.

Ipinresenta namin sa librarian's assistant 'yong library ID namin at nag-fill out ng request form para sa Filipiniana section. Ibinalik ko 'yong isang libro ng compilation ng Filipino stories. 'Tapos, tumuloy na kami sa pinakamaalikabok at pinakadulong section ng library.

Creepy ang Filipiniana section. Madalas, walang tao. Luma na ang mga libro na bibihira din ang nanghihiram para basahin. Lima lang ang shelves doon. 'Yong panlima at pinakadulo, katabi na ng stacks ng mga luma at phased out na reference books. Do'n ko pinaiwan kay Marcus 'yong unang gift niya sa 'kin—'yong necklace.

"Hala. 'Yan ba kukunin natin?" bulong ni Helga sa 'kin. "Nakaka-eskandalo." Tumawa pa siya.

Napanganga rin ako.

Sa patong ng mga phased out na libro, may nakaupong Baymax. Medyo malaki. Mga 2.5 feet. Sa kandungan ni Baymax, may pumpon ng white roses. At sa tabi pa, may mga librong natatalian ng pulang ribbon. Used books ni Marcus.

"Ano ba naman 'yang boyfriend-to-be mo. 'Buti na lang, lunch ngayon at inaamag talaga 'tong Filipiniana kundi . . ." Ibinuka ni Helga ang malaking tote bag na bitbit niya. "Silipin mo nga sa pinto kung nakatingin dito 'yong librarian. Baka mapagkamalan tayong nagnanakaw ng libro."

"Oo nga," sang-ayon ko at sumilip. Nakikipagkuwentuhan si Ate Librarian's Assistant sa isang estudyante. "Clear."

'Buti na lang, malapit din sa depository ng gamit ang exit ng Filipiniana. Madaling ikatwiran na magdedeposito pa lang kami ng bags kaya may bitbit kami. Bawal kasi ang malalaking bag sa library. Kailangang ideposito sa bantay o sa librarian.

Isinilid ni Helga sa bag si Baymax. 'Buti na lang, kumasya. Maingat ko namang kinuha 'yong flowers at ipinatong uli sa kandungan ni Baymax. 'Tapos, binitbit ko na lang 'yong libro na naka-ribbon.

"Kasya pa 'yan sa bag mo?" tukoy ni Bestie sa libro.

Tumango ako. "Ilalabas ko na lang 'yong ibang books ko para bitbitin. Ito ang ilalagay ko sa loob."

[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon