Invisible Girl
***
I recorded my script. Wala pa 'kong idea kung pa'no ko ipaparinig kay Marcus. Mas concerned ako sa kung paano ako magkakalakas ng loob na magsalita para sabihin sa kanyang pakinggan 'yong ni-record ko. Una muna, kailangan kong makabati sa kanya at maiwasang mautal. Kailangan kong makontrol ang kaba ko at maipreno ang frustration.
Yes, frustrated ako dahil sa nangyari kahapon. Brokenhearted din. Confused din. Gusto kong makapagpakilala at makapagpaliwanag kay Marcus pero ang hirap magtiwala sa sarili ko. Laging naghihingalo ang lakas ng loob ko. Laging tumatakas ang salita. Laging nawawala ang boses.
Sa worst case scenario, siguro ipapakita ko na lang sa kanya ang profile ko as En. He would get it instantly, right?
Huminga ako nang malalim nang pumasok sa loob ng coffee shop kung saan kami magkikita. Naupo ako sa sulok na table na nakapaharap sa pinto. I was early.
Habang nagtatagal ang paghihintay, papabilis ang kalabog sa dibdib ko. Gayunpaman, nanatili akong nakaupo.
Darating siya, 'di ba?
Sabi niya, may sasabihin siya. Darating siya.
By 11:15, magse-send na sana ako ng message kay Marcus pero bumukas ang pinto ng shop at mabilis na lumapit si . . .
"Hi, Jen."
"J-Jeric . . ."
Maamo ang ngiti niya sa 'kin habang naumid ako sa pagdagsa ng mga tanong sa isipan ko: Bakit ka nandito? Bakit ikaw uli ang dumating? Nasaan si Marcus? Sabi niya may sasabihin siya sa 'kin . . . kaya hindi puwedeng ikaw uli ang kaharap ko. Hindi niya ba alam na may nararamdaman ka para sa 'kin para ikaw ang papuntahin niya rito? Bakit ka nandito?
"Gutom ka na? 'Di pa 'ko nagla-lunch. Lunch tayo," yaya niya sa 'kin.
"P-Pero . . ."
"Hindi makakarating si Honey, sorry." Matipid siyang ngumiti. "Sana okay lang na ako ang kasama mo ngayon."
Hindi okay. Hindi rin ako okay . . . dahil masyadong importante ang pakikipagkita na 'to sa 'kin. Importante ang mga sasabihin ko kay Marcus at hirap na hirap akong mag-ipon ng lakas ng loob para lang sumulpot dito.
Hindi ako okay.
"Let's go have lunch, Jen."
Nakagat ko ang labi ko. Nang igiya ako ni Jeric para tumayo sa kinauupuan ko at lumabas sa coffee shop, talunan akong nagpatianod.
***
"Okay na sa 'yo 'yang salad? Ayaw mo ng rice?" tanong ni Jeric. "Masarap chicken nila rito. Masasarap din ang soup."
"O-Okay na 'to. T-Thanks . . ." Pinilit kong sumubo kahit wala akong gana. Gusto ko lang na matapos siyang kumain at nang makapagpaalam na akong umuwi.
Masama ang loob ko. Nalilito ako kung bakit si Jeric ang nagpunta sa usapan namin ni Marcus pero natatakot din akong magtanong. Natatakot ako dahil sa posibleng mga sagot.
Makuwento si Jeric kaya kahit pa'no, nabawasan din naman ang pagkaasiwa ko sa kanya. Kaso pagkatapos ng lunch, nagyaya siyang manood ng sine at nakabili na siya ng ticket bago ako makasagot. Bumili siya ng popcorn at inumin para sa 'kin dahil parang hindi raw ako nabusog sa kinain ko. Hinayaan niya 'kong tahimik pero attentive din naman siya at laging nagche-check kung may kailangan ako.
Okay naman sana siyang kasama . . . pero hindi siya si Marcus. At dahil hindi siya si Marcus, bawat pag-aalala, pagngiti, at pagkukuwento niya sa 'kin, nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil parang ipinadala siya ni Marcus para makipag-date sa 'kin. At kasabay ng sakit na unti-unting kumakain sa maliit na pag-asa sa puso ko, nagagalit din ako.
"Jen, are you okay?" bulong ni Jeric sa loob ng sinehan.
Hindi ko na kayang magpatianod lang sa araw na 'to.
Hindi ako okay kaya ayokong sumagot. Nauna nang tumulo ang luha ko sa frustration. Nakita ko ang pagguhit ng pag-aalala sa mukha niya. Aabutin niya sana ang pisngi ko kung saan may landas ng luha, pero sinansala ko ang kamay niya.
"M-Masama ang pakiramdam ko . . ." masama ang loob na sabi ko sa kanya. Ayokong magtunog galit pero napu-frustrate ako. "T-This is a mistake . . . U-Uuwi na lang ako." Tumayo ako bago pa siya makasagot. At gamit ang lahat ng natitirang lakas ko, tumakbo ako palayo.
Humabol yata siya dahil narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na 'ko lumingon. #
BINABASA MO ANG
[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl
RomanceChat MD Series 1: Invisible Girl An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. [Epistolary | Young Adult | Romance] NOTE: This is already published under Flutter Fic. I hope you can support the book!
![[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl](https://img.wattpad.com/cover/61809611-64-k982132.jpg)