Guardian Angel
***
"Bilis na! Habang nasa klase pa sila . . ." sabi ni Helga sa 'kin.
Nasa likod na naman kami ng matataas na halaman sa parking, nakatanaw sa kotse ni Marcus. This time, may bitbit akong paperbag na may lamang kulay blue na neck pillow at eye mask.
Para kay Marcus.
Kahapon kasi, isinugod 'yong dad niya sa ospital. Na-stroke daw. Magdamag siyang nagbantay. Hindi siya puwedeng mag-skip ng class kaya pumasok pa rin siya ngayong araw. At ang sabi niya, matutulog siya sa kotse sa break niya.
Eh baka mangalay siya sa pagtulog. Kaya no'ng nakita ko 'tong neck pillow kanina sa cabinet ko, dinala ko na lang. Medyo amoy cabinet lang kaya nilagyan ko ng pabango ko. 'Tapos, nagpadala ako kay Helga ng eye mask. Marami kasing stock si Tita Ludy.
Ten in the morning daw ang break ni Marcus kaya siguradong maya-maya lang, nandito na siya.
"Magte-ten na. Dali na, bestie. Ako magbabantay kung may parating," sabi uli ni Helga.
Huminga ako nang malalim. "Okay."
Bago pa 'ko makapag-isip uli ng mga eksena kung saan mahuhuli ako ni Marcus, tumakbo na 'ko papunta sa kotse niya at iniwan sa ibabaw ng trunk 'yong paperbag.
Ang sakit ng lagapak ng sapatos ko sa concrete dahil sa pagtakbo.
"Grabe, tensed na tensed!" sabi ni bestie at tumawa. Kumabit siya sa braso ko. "Good job!"
Noon lang ako nakahinga nang maluwag.
"Tara na. Kanina pa tayo wala sa klase. Lagot tayo kay Prof."
Napahikab ako habang naglalakad kami pabalik. "Oo nga. Tara."
"'Yan ang antok na gawa ng pag-ibig!"
Bumungisngis lang ako kay Helga. Pag-ibig talaga? Crush ko lang kaya si Marcus.
...
Nag-message agad si Marcus no'ng nakuha niya 'yong neck pillow at eye mask. Nag-thank you siya. Kaya nag-alala ako no'ng puro seen na lang 'yong messages ko no'ng nagpaalala naman ako ng lunch.
Pa'no kung 'di siya nakakain dahil sa sobrang antok? Baka na-oversleep siya sa kotse. Mauubusan siya ng matinong pagkain sa canteen. 'Tapos, pa'no kung hindi naka-open 'yong bintana niya o pinto? Maso-suffocate siya.
I decided to check on him just to make sure na hindi siya mangangalay, maso-suffocate, o magugutom.
Busy si Helga sa class activity namin na hindi pa niya tapos at ipapasa sa next class. Wala akong choice kundi mag-isang pumunta kay Marcus.
Dahil halos magwa-one o'clock na, dumaan muna ako sa canteen at bumili ng lunch na naka-box. Pininyahang manok na lang 'yong matinong natira kaya 'yon na lang ang binili ko. Next time, I should ask Marcus what he eats and what he doesn't para alam ko ang bibilhin. Sana naman kumakain siya ng pininyahan.
Bitbit ang lunch, I headed for the parking.
Malayo pa 'ko, tsinek ko na 'yong puwesto ng kotse ni Marcus. Na dapat pala, kanina ko pa pinuna. Nakahinga ako nang maluwag dahil may mayabong na puno naman na naglililim sa kotse niya. Mainit pa kasi kahit na July na. Bibihira pa umulan. Kung mali ang puwesto niya sa parking, matutusta siya sa init.
Kumakabog na naman nang malakas ang puso ko habang palapit. Para na talaga 'kong stalker na nagtatago muna sa boxed plants bago umabante. Baka kasi bigla siyang magising o lumabas ng kotse 'tapos makita ako.
Halimbawang magising siya, maybe I should just give him the boxed lunch as myself. Mag-iimbento na lang ako ng . . . dahilan?
Ano naman kaya ang puwede kong sabihin kung sakali man?
I could say . . . nakita ko siyang natutulog at naisip kong wala pa siyang kain?
Hala. Pero pa'no ko siya makikita sa parking, eh, out of the way 'yong parking sa building namin?
Maybe I could say na . . . alam kong natutulog siya sa parking at wala pang kain dahil narinig ko kay . . . Kanino? Oh my God, hindi ko pa alam kung naipaalam na niya sa Trolls 'yong nangyari sa dad niya!
Lalo akong kinakabahan 'pag ganito. Puwede akong mag-back out pero pa'no ang lunch niya? Magugutom siya. Puyat na nga, pagod na nga, ngalay na nga, gutom pa siya?
Hindi puwede. Kawawa si Marcus.
Pumikit na lang ako nang mariin at lumakad nang mas mabilis papunta sa kotse. Binilang ko ang mga hakbang ko. Una kong iminulat ang kanang mata ko no'ng malapit na 'ko. Wala pa ring tao. 'Buti na lang.
Iniwan ko ang boxed lunch sa trunk ng kotse. Tatalikod na sana 'ko, kaso napansin kong naiinitan ng araw do'n sa trunk 'yong pagkain. Baka mapanis.
Iniiwas ko sa init ang box. Tatalilis na sana 'ko, kaso naisip kong i-check na rin si Marcus.
I tiptoed. Pigil na pigil ko ang paghinga ko dahil sa kaba.
Medyo bukas ang pinto ng kotse niya. Nakababa rin ang bintana.
Naglakas-loob akong sumilip.
Nakababa ang passenger's seat kung saan natutulog si Marcus. Naka-crossed arms siya habang nakaunat. Nakabaling ang mukha sa driver's seat. May pawis na siya sa noo dahil sa init, pero pikit na pikit siya at mukhang hindi agad magigising.
Napalunok ako. Maingat akong humugot ng hininga. Baka kasi marinig niya 'tapos magising siya. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko, pumasok sa kotse, at tumukod sa upuan ng driver's seat para maabot siya. Maingat kong dinampian ng panyo ang pawis niya sa noo.
Kumibot lang ang labi niya pero hindi naman siya nagising.
Hindi ko napigilang mapangiti. Kinagat ko tuloy 'yong lower lip ko para hindi makagawa ng ingay.
'Tulog ka lang, Marcus,' sabi ko sa kanya sa isip ko. Sinamantala ko nang tulog siya para matitigan pa siya.
May eyebags siya sa puyat. Magulo ang buhok. Natuon ang pansin ko sa lips niya. His cut didn't look that terrible anymore. Medyo natutuyo na 'yong sugat. Nilalagyan niya siguro ng gamot.
'Good job.'
Nagtagal ang mga mata ko sa lips niya. Pink kasi. Mukhang malambot. Parang ano . . .
Napalunok ako habang nakatitig. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa tinitingnan ko. Naikuyom ko ang kamay ko sa pagkakatukod sa driver's seat.
What would it feel like to kiss him?
Para akong nahihipnotismo na hindi ko na namalayang nailapit ko ang mukha ko sa kanya. I stopped when I was in a range where I could feel his breath.
Kumibot uli ang labi niya sa mahimbing na pagtulog. Napangiti naman ako. Dinampian ko na lang uli ng panyo ang noo niya at umalis sa pagkakatukod. I got out of the car.
Nawawala na 'ko sa matinong pag-iisip. My gosh, nakakahiya! Muntik ko na siyang nakawan ng halik!
Ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko dahil mainit ang pisngi at tainga ko. Hindi rin humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko.
Why would I want to kiss him? Why . . .?
Napatakbo ako nang makarinig ng paggalaw sa loob ng kotse niya. Bago pa bumukas nang maluwang ang pinto, nakapagtago na 'ko sa malapit na boxed plant.
Sumilip ako.
Nakatayo si Marcus sa tabi ng kotse niya. Nagkukusot ng mga mata. Kinuha niya 'yong pagkain na iniwan ko at luminga sa paligid.
Lalo kong iniyuko ang ulo ko para maikubli ako ng halaman. He shouldn't see me. Hindi pa 'ko handang mabuko.
Hindi na 'ko makahinga sa pinagtataguan ko habang patuloy siya sa paglinga.
"En? Are you here?" tawag niya.
I bit my lower lip.
'Please, don't find me. Please, don't find me. Please, don't find me. Please, don't find me. Please . . .'
Ilang sandali siyang nakatayo sa tagiliran bago bumalik uli sa loob ng kotse. Naghintay pa ako ng ilang sandali uli bago nakayukong tumakbo palayo sa parking. #
BINABASA MO ANG
[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl
RomanceChat MD Series 1: Invisible Girl An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. [Epistolary | Young Adult | Romance] NOTE: This is already published under Flutter Fic. I hope you can support the book!
![[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl](https://img.wattpad.com/cover/61809611-64-k982132.jpg)