Day 49.2

30.6K 989 346
                                        

THU AT 06:43 PM

Helga : Ano? Meron uling kontrabida?

Jenessy : Wala namang bagong message. Kaka-check ko pa lang uli.

Jenessy : Wag ka nang highblood diyan. Wag ka na ring mag-status.

Helga : Nakakairita e! Mga kontrabida na yan!

Helga : Ano yan? Inspired ng inggit?!

Jenessy : Wala namang nag-message ngayon e.

Jenessy : Kalma ka muna.

Helga : Blocked na yung mga account?

Jenessy : Oo. Kagabi pa, pagkabasa ko.

Helga : Sigurado ka a! Baka emotera ka na pabasa-basa pa ng bashing.

Jenessy : Hala, hala! Hindi naman ako ganun.

Helga : Hmp. ( ̄^ ̄゜)

Jenessy : Kalma! :)

Helga : Anong kalma?!!!

Helga : ┻━┻ ︵ヽ('Д')ノ︵ ┻━┻

Jenessy : Hahahaha!

Helga : Ang landi kasi ni MM e. -__-

Helga : May post to timeline pang nalalaman e. -__-

Jenessy : Haha. Nireply ko rin kasi. Hindi lang naman siya ang may kasalanan.

Helga : O e di kayo na ang umuusad ang lovelife! *rolls eyes one thousand times*

Jenessy : Sa ibang bagay ka naman yata galit e...

Jenessy : [Sticker: cat with a puzzled look]

Helga : Si Ash kasi! Bakit niya idi-date bukas si Pia?

Helga : Dapat ako yun e! Last month ko pa siya tinanong e!!!

Helga : (╯°□°)╯︵ ┻━┻

Jenessy : Hehe. Sabi na e. Si Ash e.

Helga : Tapos, ang ganda ng gown ni Pia para bukas!!! :'(

Jenessy : Maganda rin naman yung gown mo.

Helga : Pano kung mas maganda siya sa kin bukas? Anong laban ko?

Helga : Tatawagin na naman akong bata ni Ashton!!! (T ^ T)

Jenessy : Wag ka na masyadong magalit. Baka magka-pimple ka pag na-stress ka.

Helga : E kasi e... Naiiyak talaga ako e... (T_T)

Helga : Sinabi ko naman sa kanyang siya ang gusto kong date e.

Helga : Inalok ko pa nga siya e.

Helga : Ginawan ko pa nga siya ng card e. Kahit ang lousy ko. (T_T)

Helga : Akala niya ba, nagjo-joke lang ako sa alok ko?

Helga : Hindi niya ko sineseryoso!

Helga : Sana hindi ko na lang siya nagustuhan! (T_T)

Jenessy : E pano pag isinayaw ka niya bukas? (∩_∩)

Helga : E di masaya!

Helga : Pero e... (T_T)

Helga : Siguro, akala niya talaga, nangungulit lang ako... (T_T)

Jenessy : Wag ka nang malungkot. Wala rin naman akong date bukas.

Helga : May date ka! Hindi ka pa lang kilala! (¯―¯٥)

Helga : Magkaiba tayo! May rainbow ang lovelife mo. (¯―¯٥)

[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon