(Jenessy's journal)
July 20, 2015
08:30 PM
Waaa!!! Tama ba yung mga sinabi ko? Baka nahalata niya yung pagkakaparehas namin ni En! Huhuhu. Bakit kasi siya nag-message sa real account ko? T____T Bakit siya nambibigla? Parang tatalon yung puso ko sa lalamunan ko pagkakita ko pa lang ng pangalan niya sa inbox ko!!! Hindi niya ba alam na deadly siya? Nakakabobo siya! Huhuhuhu. T____T
Hindi ko to expected! Huhuhu. T____T
Masaya akong may moment na kami dahil sa nangyari sa likod ng simbahan. Tapos, nahawakan ko pa yung lips niya! Pero... pero... di ko pa nga napa-process e! Di ko pa nga naiisip kung pano ako magmi-message sa kanya bilang si En! Tapos, ang ganda-ganda ng kwentuhan namin tungkol kay matandang puno kanina, tapos, bigla siyang magmi-message sa real account ko!!! Hindi ako prepared!!!
Tapos, di ko naman pwedeng hindi i-reply kasi baka isipin niya, masama ugali ko. Pero hindi ko rin alam kung paano magmi-message sa kanya na hindi tunog si En! Huhuhuhu. Kasi ako rin si En! Dapat pala, nung una pa lang, inisip ko na kung anong pagkakaiba namin ni En sa typing saka sa chat. Hindi ko alam kung anong dapat kong ibahin... Huhuhuhu. T____T
Hindi ako magaling sa ganito! Huhuhuhu.
Dapat mag-google ako! Maggo-google ako kung paano... paano ano? Maging stalker? Hindi e. Paano... maging... ibang tao?
Waaa... Tanga ako! Huhuhuhu... T____T
Wait! Baka naman hindi niya mapansin, di ba? Kasi, thousand-thousand naman friends niya. Marami naman siyang nakaka-message malamang, di ba? At marami namang tao ang magkaparehas magsalita! Sa dami ng nakakausap niya, hindi naman siguro niya maiisip na iisa lang ako at si En, di ba? Kasi, hindi naman ako mukhang stalker, di ba?
Waaa... Kaso, mukha akong boring!!! At sinabi ko sa kanya na boring ako!!!
Waaa... Bakit, Marcus?! Wag kang masyadong matalino, please! Hindi ako magaling magsinungaling! Huhuhuhu... T___T
Bakit ako gumawa ng dummy?! Bakit mo ko pinansin bilang En? Bakit mo ko pinansin times two bilang si Jenessy?! Waaa... Mabubuking na ko!!! T___T
Teka...
Kailangan ko yatang kumalma. Baka tubuan ako ng pimple. Pupunta pa naman daw siya sa room ko! Hala, kailangan ko ng maraming lakas ng loob! Baka hindi ako makatingin nang deretso sa mata niya!
Waaa... Kinakabahan talaga ako!!! Huhuhuhu...
Mag-o-offline ako bukas! Kailangan kong mag-isip nang malalim! Huhuhuhuhu... T____T
BINABASA MO ANG
[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl
RomanceChat MD Series 1: Invisible Girl An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. [Epistolary | Young Adult | Romance] NOTE: This is already published under Flutter Fic. I hope you can support the book!
![[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl](https://img.wattpad.com/cover/61809611-64-k982132.jpg)