Coffee
***
By 04:40 ng hapon, nasa coffee shop na 'ko na meeting place namin ni Marcus. May bakanteng upuan sa labas kaya ro'n muna ako umupo. Hinang-hina na kasi ang tuhod ko sa takot at kaba. I didn't know how I would survive this day or if I would ever survive this day.
Pangalawang araw na 'to na wala 'yong phone ko. Hindi ko alam kung ano na ang mga posibleng sinabi no'ng impostor kay Marcus. Pero siguradong hindi 'yon mag-aaksaya ng oras. Mabuti na lang talaga at nagpunta sina Marcus at Ash sa Laguna para sa thesis nila. May oras pa 'ko para mag-intercept. Marcus should see me and hear me first para hindi siya maloko nang kung sinuman 'yong magnanakaw.
I wore a blue dress again today. Nag-ayos din ako kahit pa'no. Maghapon, nagpraktis ako ng sasabihin kay Marcus—kung pa'no ako aamin na ako si En, kung ano'ng mga ipapaliwanag ko, kung bakit ang lapit-lapit ko lang pero nagtago pa 'ko sa dummy account.
I had no clue if this day would turn out right. But I needed to let him know the truth. For his sake.
Ayokong paniwalain siya ng iba na nagkukunwaring ako. Ayokong mapaglaruan siya. Ayokong masaktan siya.
Kahit na posibleng . . . ako naman 'yong masasaktan kung tatanggihan niya 'ko bilang En o Jenessy. O kung ako naman 'yong mapapahiya.
Nag-message ako sa kanya na nasa coffee shop na 'ko. Pagkatapos n'on, panay na ang check ko ng reply niya.
Wala.
By 5:15, I went inside the coffee shop. Nag-message uli ako kay Marcus. Ni hindi man lang na-seen.
He must be driving. I should just wait patiently dahil darating siya.
I waited for fifteen more minutes. Then, thirty. Bawat bukas ng pinto ng shop, napapatingin ako. Baka kasi siya na 'yong dumating. Pero laging hindi.
I sent him updates from time to time. Hindi niya nakikita 'yong messages ko. Hindi rin siya nagre-reply.
Napalitan na ng worry 'yong kaba ko.
By six in the evening, I knew he wouldn't come. Pero pagbukas uli ng pinto, nakaabang ako.
I saw a familiar face. Pero hindi si Marcus kundi si Kuya Jeric. He was looking around. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya. Then he proceeded to walk towards me.
"Hi." Naupo siya sa katapat na upuan ko.
"Hi . . ." mahinang sagot ko.
"Hindi makakarating si Honey. Kaya ako na lang ang pinapunta," sabi niya.
Napatungo ako.
"What coffee do you want?" untag ni Kuya Jeric.
"Ha?" Nagtaas ako ng mukha sa kanya. He was smiling—really smiling—warmly. "Ah . . . kasi . . ."
"Caramel? Mocha? Cappuccino? Latte?"
Nangiti ako sa sunod-sunod na tanong niya. Hindi ako sanay. Tuwing nakikita ko kasi siya, nakasimangot siya. Suplado. Kapag kasama niya sina Kuya Harry, do'n lang siya magulo at tumatawa. Kasi lahat naman yata ng nadidikit kay Kuya Harry, magmumukhang weird kung hindi man lang matatawa sa ligalig. First time kong makasama si Kuya Jeric na siya lang.
"Caramel," sabi ko sa kanya. "Pero . . ."
"Hm?" tanong niya habang naglalabas ng wallet.
Mukhang bibili talaga siya ng kape. Baka hindi pa rin siya nagmemeryenda. Nakahihiya naman magsabi na gusto ko nang umuwi samantalang pinuntahan niya pa 'ko rito.
"I like caramel," sabi ko at ngumiti.
"I like caramel, too," sabi niya at ngumiti habang nakatingin nang deretso sa 'kin.
Napakurap ako. Parang may iba kasi sa ngiti niya na nakapagpapakaba. I should be more confident now dahil sa mga encouragement ni Marcus. Bakit ang dali ko pa ring ma-awkward?
"Bibili lang ako sandali," sabi niya at tumayo.
"Okay . . ." bulong ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumila siya sa counter. I should ask him about Marcus.
***
Nakauwi na 'ko sa bahay pero hindi ko man lang naitanong kay Kuya Jeric kung ano'ng nangyari kay Marcus. Kung saan-saan kasi napunta 'yong topics namin—sa arts, sa bio, sa professors, sa trolls, sa pagkain, sa medicine, sa future plans. Ang hirap magsingit ng tanong sa momentum namin.
Nag-message ako kay Marcus pero hindi na naman nag-reply. Kahit seen. No'ng hindi na 'ko nakatiis, nag-message ako kay Kuya Jeric para magpasalamat.
He replied. Then, I get to ask him about Marcus.
At nanghina ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl
RomanceChat MD Series 1: Invisible Girl An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. [Epistolary | Young Adult | Romance] NOTE: This is already published under Flutter Fic. I hope you can support the book!
![[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl](https://img.wattpad.com/cover/61809611-64-k982132.jpg)