Day 31

32.6K 1.1K 104
                                        

(Text messages. Helga and Jenessy)

______________

01:34 PM

Helga : Psst! Jenessy Alfonso!!!

Helga : Punta ka rito sa bahay! Ngayon na!

Jenessy : Ha? Bakit? May order sina Tita?

Helga : Wala. Pero, sige, paorderin ko na lang sina Mommy. Magdala kang isang bilaong pansit.

Jenessy : Sige. May minatamis pa rin na macapuno rito. Gusto mo? Wala akong baon sa Miyerkules, bilhin mo na.

Helga : Haha! Sige, dalhin mo na!

Helga : Punta ka na ngayon para mauna ka kay Marcus. Papunta siya e.

Jenessy : Sasabay siya uli magsimba? Di niya nabanggit kaninang umaga e.

Helga : Sasabay siya magsimba pero maaga raw siya tatambay rito.

Helga : Tumawag siya e. Ako nakasagot ng phone. Di kasi nagre-reply si Kuya sa kanya. Nasa ligawan.

Helga : E di siyempre, inimbestigahan ko siya kung kasama niya sina Ash at Kuya Jeric. E sabi niya, siya lang daw.

Helga : Ang nangyari pala, pinuntahan siya ni bruhang Laurice sa bahay nila kanina. Gusto yata siyang ipagluto ng lunch. Malandi. -___-

Helga : May pupuntahan daw muna siya tapos punta na raw siya rito.

Jenessy : E? Grabe naman si Laurice. Iniiwasan siya ni Marcus?

Helga : Malamang! E mag-isa lang si Marcus sa bahay nila tapos pupuntahan ni malanding Laurice. Duh!!!

Jenessy : E di ba, may boyfriend siya?

Helga : E baka break na. ( ̄^ ̄゜)

Jenessy : O, ngayon? Kapag nakipag-break siya, babalik lang siya kay Marcus? Hindi naman pwede yun! ಠ~ಠ

Helga : Kaya nga punta ka rito. Dito na lang natin gawin yung research paper natin. Mas mabilis pa internet namin.

Jenessy : E... anong gagawin ko diyan bukod sa research? Baka mahalata ako!

Helga : E di magpaparamdam ka kay Marcus! Parang destiny! Hahaha. Ipagluto mong lasagna! May ingredients dito.

Helga : Maya pa uuwi si Kuya e. Makipagkwentuhan ka.

Jenessy : E?! Hindi ko kaya! Mauutal ako!!!

Helga : Haha! Baliw! Kaya mo yun! Support kita! #KapagMayPagibigIpaglabanMo

Jenessy : Hindi ko nga talaga kaya! Huhuhuhu. Kinakabahan na ako ngayon pa lang! (╥╯θ╰╥)

Helga : Hala! Mas ayokong ako ang kakwentuhan niya no! Baka maamoy nun pabango ko, sige ka!

Helga : Parehas tayong pabango! Baka isipin niya, ako ikaw.

Jenessy : Hala...

Helga : Punta ka na! Para ma-inspire ka! At para magka-moment kayo! Hahahaha!

Helga : Tutulak kita sa kanya! Hahahaha.

Jenessy : E! Wag!!! 。゚(゚'Д`゚)゚。

Helga : Oo na! Hindi! Hahahaha! Basta punta ka! Kaysa bumalik siya sa kanila tapos kay Laurice! Bahala ka! Baka pikutin yun! ( ̄^ ̄゜)

Jenessy : O, sige. Hintay lang. Papaluto ko kay Nanay yung pansit.

Helga : Ngayon na ha?! Agad-agad!

Jenessy : Oo! Ito na! (ง ˙ω˙)ว

[Part 1] Chat MD 1: Invisible Girl  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon