Drew's POV
Andito ako ngayon sa Sofa. Grabe kakaalis ko lang kina Nam namiss ko na agad siya.
Hayy. Nkakatuwa talaga. Parang kahapon lang ay nilulunod ko ang sarili ko sa alak para pansamantalang malimutan ko siya. pero sa isang iglap Eto kami ngayon. Hay. Napakablessed ko kahit na minsan ang sama ko.
Nagulat ako dahil dumating si Dad.
" Dad welcome back " sabay
" Oh anak mukhang masaya ka ah? Kayo na ba ulit? " nakangising tanung ni dad sakin.
" Hindi po" malungkot na sabi ko sa kanya. kunwari lang.
"Ha? anu? ibig sabihin hindi gumana ang plano ko? Tsk. Tskk
Edi pakana nga nita to HAHAHAH.
" HAHAHAHHA. So pakana niyo nga ito dad. Sabi na e. Sinet-Up niyo kami. Pero seriously thanks dad. Ayos na kami ni Nam."
" Wala yun anak tsaka alam ko dahil sa amin ng dad niya kaya kayo nagkahiwalay "
" So Kasabwat niyo din si tito ricky? HAHA "
Nagtawanan lang kaming dalawa. Hanggang sa..
" Dad? "
Dad? sinong nagsalita nun? Lumingon ako sa likod. Nakita ko yung lalake na may kasamang babaenf naka wheel chair na.
" Bryle Iho Akala ko ay hindi na kayo pupunta"
Sino ba to?
Pinaupo sila ni dad sa Sofa. Ang dami nilang Bag. Dito ba sila titira?
" Drew Iho. Alam ko hindi kapa handa silang makilala pero gusto ko lang malaman mo na buo na ulit ang pamilya natin. gusto kong tanggapin mo silang muli. May sakit na ang Mom mo at si Bryle Ang kuya bryle mo dito na siya sa company natin titira. Sana ay matutunan mo silang mahaling muli"
Nagulat ako. Si mommy na ba to? Bat andito sila? Ganun ganun na lang ba matapos niya kaming iwan dito ng walang paalam?
" Ah Tanda ko na siya nga pala yung babaeng nag iwan sa atin. Sa akin. Yung babaeng Hinayaan lang tayo. At siya ? siya ang paboritong anak. OO naaalala ko na ! "
" Anak wag mong sabihin yan. Ako ang may kasalanan dito. Msyado akong nalulong sa pera. Alak at babae noon. Na hindi ko alam ay unti unti ng nalayo ang loob niyo sa akin. Kaya hindi ko masisisi ang Mom mo kung bakit bigla n lang niya tayo iwan."
" Pero bakit niya sinama ang lalakeng to? Bakit iniwan niya ako? Ganun ganun na lang ba yun?
" A-Anak" nagsalita si mom pero hindi ko na siya pinatapos pa.
Aalis na sana ko pero bigla siyang nagsalita ulit.
" Malapit na akong mamatay. Mahina na ako at ang pagpapatawad mo na lang ang hinihintay ko "
Namiss ko si Mom pero napakasakit ng ginawa niya sakin. sobrang sakit.
" Mamamatay? Bakit ? Inisip nyu ba nung iniwan niyo ako kung anung mararamdaman ko? Halos araw araw para akong pinapatay ng pangungulila ko sa inyo. Ilang birthdays. Graduation. Mother's Day. Pasko. Bagong Taon na umasa akong babalik ka. Pero wala. Wala ni anino mo. Tapos ngayong may sakit ka saka ka babalik? Bakit? Dahil wala ka ng pera? Ha? Dahil wala ka ng pera? "
Sobrang sakit ! Ganun na lang ba yun kadali para sa kanila? Isang sorry para sa isang dekadang nawala sila? at iniwan ako?
* Booooogggsssshhhhh ! *
"Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si mommy dahil ina mo siya. oo nasaktan ka man niya dahil sa pag iwan niya pero araw araw hindi siya makakain. araw araw binabanggit niya kung kumain naba ang bunso niya.. alam mo napakaswerte mo pa nga e dahil kahit hindi mo siya nakasma ng mahabang panahon ay hindi ka nawala sa isip niya. Pero ako???? Buong buhay ko inalay ko kai mommy pero ang bukang bibig ikaw padin. Okay lang yun sakin dahil naiintindihan ko tapos ngayon??? Ganyan ka sakit mo siyang pagsalitaan? Wala palang kwenta ang pag uwi namin dito "
Tumulo bigla ang luha ko.
Hinagis niya sakin ang isang kahon. At umalis na.
***
Andito ako ngayon sa Kwarto.
Bubuksan ko ba ang kahon na ito?
Nagdalawang isip ako pero binuksan ko pa din.
Anak , Happy 8th birthday.Sorry dahil wala diyan ang mama ha. Mahal n mahal kita.
Tumuli ang luha ko. oo tama siya hindi niya nga ako nalimutan.
Hi Anak. Happy Graduation Day binata na ang anak ko. Pagbutihin mo pa ang pagaaral ha. Lovr ka ni mama.
Nagkamali ang paghusga ko kai Mama.
Hi Anak.Merry Christmas. Binata ka na siguro nu. mai gf ka naba ? dapat kasing ganda ni mama ha. Ingat ka jan lage.
Hi Baby boy bunso ko. Happy New Year. Nak mai sakit si mama kiss mo naman ako.
Sobra akong nasaktan. pero nag hirap rin pala si mama doon. Hindi pala niya ako nalimutan. Nakakapagsisi.
Napakarami pa niyang sulat sakin.
Tama si dad kailangan kong sulitin ang araw na makasama ulit si Mommy.
Ipapagamit ko siya sa lahat ng Magagaling na specialista sa buong bansa.
Lahat ay gagawin ko humaba lang ang kanyang buhay.
Mahal ko si Mama.
****
Andito ako ngayon sa Hospital. May check up daw kasi. si mama. Nakita kong umalis saglit si Bryle. Hindi ako sanay mag kuya sa kanya.
Pumasok ako sa loob. Tulog si mama.
Tumabi ako sa kanya at hinagod ang ulo nito.
" Ma Im sorry *sob* Patawarin nyo po ako sa lahat. kung hinusgahan kita. na hindi ko man lang naisip yung mararamdaman mo. Gusto ko lang sabihin na Napatawad na kita. Mahal n mahal kita mama. Wag ka muna bibitaw ha.Babawi ka pa sakin. At gusto ko pang makita mo na ikasal ako sa babaeng mahal ko"
Hayy nakkabakla pero wala e ganito talaga ang buhay.
" Drew bunso ko. "
Gising pala si mama. Nakakahiya.
" Narinig ko lahat yun. Maraming Salamat dahil napatawad mo na ako. Pinagsisihan kong sinukuan ko kayo ni Daddy mo na hindi ako naging matibay para itaguyod at itayo ang pamilya natin. At anak suportado ko ang pagmamahalan niyo ni Nam. "
" Kilala mo na ma si Nam? Paano? "
" Anak oo.at alam kong para kayo sa isat isa. ako na ang pinakamasayang ina na makita ang bunso kong kinakasal sa babaeng mahal niya"
Nagyakapan kami ni mama.
" Nak sana ay matutunan mo ring mapatawad ang kuya mo ha. hindi kita mamadaliin"
" Opo ma susubukan ko po.Bsta ma kapit lang ha. Laban lang. simula ngayon ako na ang magiging personal/gwapong nurse mo:l "
Hayyyy Napakasaya ko.
Ang dalawang babaeng pinakamamahal ko ay nasa piling ko na ngayon.
Excited na akong ipakilala si Nam kai mommy.
Siguradong magkakasundo sila. Hayy Napakasaya ko talaga.
Teka nasan nga ba si Nam? 5 pm na ah. di pa siya natext.
Di bale pupuntahan ko na lang siya sa condo niya. bitbit ang magandang balita.
********
Hi.Kamusta? Nagustuhan nyo po ba ?
PLEASE COMMENT AND VOTE
BINABASA MO ANG
30 Days Contract Wife ( Completed)
RomanceGaano nga ba kabilis ma-inlove ? Kapag napapa-tugs-tugs-tugs niya ang puso mo? Kapag nabablangko ang isip mo sa tuwing nakikita mo siya? Kapag kinikilig ka sa tuwing ngumingiti siya? Kapag napapatili ka sa tuwing nagtetext siya? Kapag nauu...
