Dear Oliver,
Biruin mo ang tagal na ng relasyon natin. Napakarami ng ups and downs pero ito pa rin tayo at nananatiling malakas. Bilib na talaga ako sa ating dalawa. Kamusta ka na pala ngayon diyan sa New York? Siguro sobrang saya mo na. Sa pagkakaalam ko kasi first time mong maranasan ang snow. Malamig ba? HAHAHA. Magpapadala na lang ako diyan ng yakap ko para mainitan ka. Sa totoo lang naiingit ako sa'yo, Oliver. Ikaw kasi naranasan mo ng gumawa ng snow angel at snowman na gawa sa totoong snow pero ako hanggang refrigerator lang ng bahay namin. Oo na. Tawanan mo na ako. Maganda naman ako. HAHAHA. By the way, nakapasa ako sa board exam! Yehey! Padalhan mo na lang ako ng halik mo, okay? Huwag mong kakalimutan at baka ipakurot kita sa mailman niyo. Basta lagi kang mag-iingat diyan. Ayaw kong nadidisgrasya ka o nagkakasakit. Alam mo namang strict ako pagdating sa kalusugan mo. Ang kulit-kulit mo kasing boyfriend pero kahit makulit ka love pa rin kita. Achuss! Kinikilig na 'yan. HAHAHAHA! Sulatan mo na lang ako tungkol sa experience mo diyan. Tandaan mo na nandito lang ako. Hindi man malapit sa'yo pero sigurado akong ang puso natin dikit na dikit na sa bawat isa.
-Chloe
YOU ARE READING
Dear Lover
Short StorySinong mag-aakalang sa mga sulat dedepende ang isang relasyon? Yung klase ng relasyon kung saan hanggang letra lang at papel ang kaya niyo upang ipadama ang pagmamahalan sa isa't-isa. Sila Chloe at Oliver ang dalawang tao na bumubuo sa relasyon na i...