Dear Chloe,
Kakatanggap ko lang ng sulat mo. Grabe tawa ko sa'yo. Napakagaling mo talagang komedyante, mine. Magtrabaho ka na lang kaya bilang komedyante sa isang bar? Sigurado akong first day mo pa lang malaki na agad sahod mo. I'm not even kidding. You're super funny. Sobrang ganda dito sa New York, mine. Ang rami na naming napuntahan at sobra ang pagkakamangha ko sa bawat nadadaanan naming mga lugar. Natanggap ko na rin pala yung mainit mong yakap. Ahihi. Biglang nawala lahat ng lamig sa katawan ko. Huwag ka mag-alala, mine at makakapunta rin tayo dito magkasama balang araw. Sa ngayon, antay-antay lang muna tayo. Lahat naman darating sa tamang panahon eh. Sabi pala sa'kin ni Tita sobra raw ang itinaas ng kuryente sa bahay niyo. Ikaw naman kasi lagi kang nakatutok sa refrigerator niyo. Ayan tuloy, imbes na magkaroon ng yelo sa loob puro ulo mo na lang lagi ang nakatututok. Joke lang, mine. Opo. Mag-iingat ako dito. Alam ko namang love na love mo ako kaya sinasabi mo 'yan eh. Gusto mo ba isigaw ko ba sa buong New York na ikaw ang girlfriend ko? Gusto mo magpagawa na rin ako ng billboard dito ng mukha mo eh. Ganoon kita kamahal, mine. By the way, parating na diyan yung halik ko. Congratulations on your board exam! Sabi ko na nga ba't makakaya mo iyan eh. Nakailang dasal na ako dito sa New York para lang ipasa ka. Alam mo ba 'yun?
-Oliver
YOU ARE READING
Dear Lover
Short StorySinong mag-aakalang sa mga sulat dedepende ang isang relasyon? Yung klase ng relasyon kung saan hanggang letra lang at papel ang kaya niyo upang ipadama ang pagmamahalan sa isa't-isa. Sila Chloe at Oliver ang dalawang tao na bumubuo sa relasyon na i...