[23] Chloe

33 2 0
                                    

Dear Oliver,

May ikukuwento ako sa'yo. Nakita ko si Mike kahapon habang kumakain kami sa isang fast food chain ni Aria. Diba kaibigan mo si Mike? Makulit pa rin siya hanggang ngayon. Wala siyang pinagbago. Tumangkad lang siya ng sobra at mas naging papansin. Joke lang. Baka kasi isumbong mo ako, e. Ang galing niya pa rin magpatawa. Yung mga jokes niya na kahit corny benta pa din sa akin. Napakabuti niyang KAIBIGAN sa akin.

Gusto ko na nga kayong dalawa ulit magkita, e. Miss ko na mga kakulitan niyo kapag magkasama. Akala mo ba nakalimutan ko iyon? Kulang na nga lang maturingan kayong magkapatid, e. HAHAHAHA.

Mine, balik ka na. Sobra na kitang miss. Kating-kati na akong hawakan ka. Echos lang. Mine, pwedeng pakibilisan ng biyahe. 10 days na lang at nandito ka na. Gagala tayong dalawa dito araw-araw. Susulitin natin ang bawat araw na nakalaan para sa ating dalawa. Atsaka kung free tayong lahat may posibilidad na gumala tayo kasama si Mike at Aria. Hindi ba't sobrang saya nun? OFCOURSE YES.

I love you so much. Huwag mong kakalimutan iyan. Magpapadala ako ng mga halik ko diyan. Message me kung natanggap mo na, okay? Alagaan mo sarili mo diyan dahil in the next few days ako na mag-aalaga sa'yo. I'm super duper excited, mine.

- Chloe

Dear LoverWhere stories live. Discover now