[15] Chloe

49 3 0
                                    

Dear Oliver,

Lagi kong tatandaan iyang sinabi niyo. Oo. Tama nga kayo. We're all in this together no matter what happens. Salamat sa tulong niyo. Madali ko ng mabibili yung mga gamot ni mama pero syempre kailangan pa rin namin magtrabaho ni papa dahil hindi lang naman kay mama ang inaasikaso namin kundi ang buong pamilya namin. Malaking tulong na yung pinadala niyo. Nagulat nga sila mama't papa pero lubos rin sila nagpapasalamat.

Congratulations nga pala sa kinalabasan ng pageant kahapon! Ang galing mo, Mine! Ikaw na talaga ang kape ko dahil three-in-one ka pero kung tutuusin hindi ka ganoon dahil napakarami mo pang talento. Ang galing mong rumampa lalo na nung swimwear category. Ang tapang mo naman para magsuot ng brief lang. Yieh! Kilig ako! Ang husay mo rin sa question and answer portion. Love na love na talaga kita. Pinatawa at pinasaya mo kaming lahat dito sa Pinas. You made us proud.

Congratulations Mr. USA!

Sabi ko na nga ba makukuha mo yung title na iyon eh because you deserved it more than the other contestants. Ang talino, galing, talented, at tapang mo. Grabe! Wala akong nakitang kahit isang bahid ng kaba sa'yo. It seemed that you're liking it. Dapat sumali ka pa sa ibang pageant diyan sa USA! Congratulations and thank you ulit, Mine. I love you, Mr. USA!

- Chloe 

Dear LoverWhere stories live. Discover now