Dear Chloe,
Is that so? I don't know what I should feel after I read your letter. Mas nangibabaw ang kalungkutan sa katawan ko. Gusto kong magkulong, uminom, at magmukmok ng isang linggo pero alam ko naman na hindi mo gusto na maging ganoon ako.
Kanina ko lang sa airport natanggap yung sulat mo. Buti na lang buwis-buhay ang ginawa ng mailman. Pagkatapos kong basahin yung sulat sinabi ni mama na pabasa raw kaya ibinigay ko ito sa kanya. Miski siya ay nalungkot at napaiyak. Kaparehas kami. We expected na makakasama ka na namin at magiging sobrang masaya ang one month stay mo pero imbes na ganoon ang mangyari luhaan ang bumagsak. Nasa bahay na kami ngayon at pinagpatuloy na lang ang karaniwan naming ginagawa. Tinanggal ko na yung mga trip natin at ipinamigay na lang ito sa tita ko na sabik na sabik pumunta sa mga destinations na pupuntahan sana natin.
Baka isipin mo galit ako.
Baka isipin mo hindi na kita mahal.
You're wrong.
Hindi ako galit sa'yo. I don't know why. Maybe it's because of our love for each other. Love makes everything right and calm. Huwag mo sanang isipin na malaki ang galit ko sa'yo ngayon. I understand you, Mine. Kung ako ang nasa posisyon mo ganyan na ganyan rin ang gagawin ko kaya don't worry dahil naiintindihan kita. Okay lang kahit hindi natuloy yung mga balak natin. There's always a next time, right? Hindi mo na ako kailangan bayaran. I don't need money to be satisfied. I love you Chloe! Please say take care to my future mother from me.
- Oliver
YOU ARE READING
Dear Lover
Short StorySinong mag-aakalang sa mga sulat dedepende ang isang relasyon? Yung klase ng relasyon kung saan hanggang letra lang at papel ang kaya niyo upang ipadama ang pagmamahalan sa isa't-isa. Sila Chloe at Oliver ang dalawang tao na bumubuo sa relasyon na i...