[14] Oliver

48 3 0
                                    

Dear Chloe,

Pumunta ka ngayon sa nearest bank diyan sa inyo. Nagpadala ako ng P50,000 para pampagamot kay tita. Mine, ayaw kong naghihirap ka at nag-aalala lang ako dito. Gusto kong makatulong rin sa inyo. Hindi lang sa akin galing ang perang iyan dahil hati-hati kami nila mama at papa diyan. Sinabi ko kasi sa kanila ang kundisyon ng mama mo kaya nag-volunteer sila. Huwag mo ng ibalik sa amin dahil tulong na namin iyan. We're all in one, Mine! Tulong-tulong tayo dito dahil pamilya tayo and soon we're going to have our own family. Ayieh!

Basta lagi mong tatandaan na hindi ka lang nag-iisa. We're all in this together. Walang iwanan ika nga nila. I'm glad to hear that tita is feeling better. Basta pagpatuloy niya lang 'yan at mas lalakas pa siya kaysa kay Wonder Woman.  Just stay strong at lagi mong sabihin sa kanya na hindi siya pabigat sa pamilya. 

P.S. Bukas na magaganap ang pageant. Wish me luck! Magbukas ka na lang ng Skype mo bukas para makita mo ako. Connect mo na lang kay mama. Si mama maghahawak ng cellphone niya at itututok niya sa stage kung saan ko irarampa ang napakapogi kong mukha't katawan. I love you, Mine!

- Oliver

Dear LoverWhere stories live. Discover now