[26] Chloe

35 2 0
                                    

Oy Mike!

Dami mong alam! Nakuha mo pa akong sulatan. Dapat kami lang ni Oliver nagsusulat sa isa't-isa. Gulat ako ng makita kong may sulat na galing sa'yo. Huwag ka nga makiuso! Haha.

Ano ba kasing gagawin natin bukas? *insert pabebe voice* Hindi pa po ako ready isuko ang Perlas ko. Charot! This belongs to Oliver. Kulang nalang lagyan ko ito ng "Keep away this is Oliver's property"

Huwag mo akong iwan doon, a. Baka gusto mong mawala iyang mga jingle bells mo. Malapit na rin pasko kaya baka mawalan pa ka. Baka mabaog ang kaibigan kong kapre.

Promise mo sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan. Kung sasakay man tayo sa mga rides bukas ihanda mo na sarili mo at baka idiretso ko sa'yo lahat ng kinain ko.

Alam mo ba? (Siyempre hindi pa. Di ko pa sinasabi, e.) Hindi ko alam kung bakit pa natin sinusulatan ang isa't-isa. Kung tutuusin pwede namang sabihin itong lahat sa text. One more thing, nasa iisang bansa lang tayo. Kung makapagsulat ka akala mo nasa U.S. Ka. Huwag ganoon.

Bukas ah. Ihahanda ko na ang sarili ko na ihulog ka sa rollercoaster. Charot. Sleep well and die heavenly. Charing! Always pray and you'll burn. Echos!
Seryoso na talaga. Mike, sleep now and never wake up.

Goodnight, Mike!

- Chloe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear LoverWhere stories live. Discover now