[5] Chloe

69 5 0
                                    

Dear Oliver,

Tama ba ang nabasa ko?! Sasali ka sa isang male pageant? OH. MY. GOSH. OLIVER. Hindi ako mapakali sa bahay. Ito palang ang una mong pagsali sa isang pageant. Buti at ikaw ang napili dahil alam ko namang kaya mo iyan. Grabe, mine! Hindi ko mapigil yung sarili kong magsulat dito. Excited kasi ako. Kailan ba gaganapin yung pageant? Magiging live ba iyan sa television? Makikita ba kita? 

IKAW NA TALAGA, MINE!

Dahil diyan, padadalhan kita ng maraming halik. Mwah! Mwah! Mwah! Mwah! Mwah! Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa saya! Siguro kung may kakayahan lang akong lumipad nandyan na ako sa harapan mo. Gusto ko kasi personalan kitang masusuportahan para inspired at determined kang makuha yung title na 'Mr. USA'. Imaginin mo mine sisikat ka na sa buong New York at pagkakaguluhan ka na ng mga tao. Syempre ako ang magiging number #1 fan mo. Atsaka masaya kayang magkaroon ng boyfriend na confident at sikat. Pero kung hindi man ikaw ang manalo magiging proud pa rin ako sa'yo dahil ginawa mo naman lahat ng best mo eh. Pero alam ko namang ikaw yung mananalo ayon sa aking 'Girlfriend Instincts'. I love you, Mr. USA! Syempre ngayon pa lang ikaw na ang panalo para sa akin.

P.S. A+ nga pala ang naging score ko doon sa assignment namin. Thank you very much!

-Chloe

Dear LoverWhere stories live. Discover now