[3] Chloe

99 5 0
                                    

Dear Oliver,

Pasensya na kung ngayon lang ako nakapagpadala ng sulat sa'yo. Last week kasi nagsimula na ang mga studies ko. Bagsakan na ng projects at activities. Sabik na sabik man akong magpadala na sa iyo ng sulat hindi ko kinaya dahil ayaw kong bumagsak ako. Sorry na, mine. Alam ko nag-aalala ka sa akin these past few days dahil wala kang natatangap diyan sa New York. Text ka ng text sa'kin kung ano ng lagay ko. Kung may sakit ba ako, may cancer, naaksidente, nabuntis at anu-ano pang mga kabaliwan. Napapatawa na nga lang ako eh. Grabe ka kasi mag-isip eh. Mine, meron pala kaming individual project. Kailangan namin gumawa ng powerpoint tungkol sa relationship ng Philippines at ng USA. Alam mo naman na hindi pa ako nakakapunta diyan, diba? Ikaw kasi alam mo yung mga pangyayari diyan kaya naisip ko na baka pwede mo kong tulungan. Kung marami kang ginagawa ayos lang. By the way, huwag ka ng magalit sa akin. I love you!

-Chloe

Dear LoverWhere stories live. Discover now