[6] Oliver

68 4 0
                                    

Dear Chloe,

Ang airing ng pageant ay next month na. Live telecast ang magaganap. Gabi gaganapin yung pageant dito kaya mapapanood niyo diyan ng umaga. Syempre naman makikita niyo ako. Kasali nga ako, diba? Sa totoo lang, hindi naman 'niyo' ang dapat kong gamiting term dito eh. Chloe, alam kong sabik na sabik ka ng pumunta dito at gusto mo rin akong suportahan kaya inayos ko na yung flight ticket mo pati na rin yung passport mo. Makakapunta ka na rin dito sa New York!

Oo! Tama ka ng basa, Mine! Magsasama na tayo dito! Makakaranas ka na rin ng snow!

Alam kong excited ka na. Ako rin naman eh. Pumayag na rin naman si mama sa pagdating mo dito. Inayos ko na yung isang bakanteng kwarto pati na rin yung akin. Hindi ko kasi alam kung saan ka mas magiging kumportable matulog. Inayos ko na rin pala yung schedule ng alis mo diyan sa Pilipinas. Next week na, Mine! Hindi ka namimilik-mata at mas lalong hindi ka nananaginip kaya huwag mong kurutin ang sarili mo.

Matutupad na pangarap mo, Mine! Isang linggo na lang. Make sure na wala kang mga important events na pupuntahan o kaya naman mga exams dahil one month ka dito. Iiikot kita sa buong New York. Game ka na ba? Basta ako game na game. I love you!

-Oliver

Dear LoverWhere stories live. Discover now