[18] Oliver

47 4 0
                                    

Dear Chloe,

Gusto mo ba talaga ng snow? Gustong-gusto mo? Well sorry pero baka matunaw lang diyan kapag nagpadala ako. Hahaha! Tapat mo na lang iyang mukha mo sa loob ng freezer niyo. Pikit mo na lang mga mata mo tapos isipin mo na nandito ka ngayon sa New York. O di ba Instant imagination.

About sa tanong mo, Ilang oras kong pinag-isipan iyan. Ang rami kong inisip na event. Mula Ati-atihan hanggang sa Panagbenga festival. Nagkaroon ng ilaw sa ibabaw ng ulo ko ng maalala ko na yung magaganap. Ikaw naman kasi hindi mo nililinaw yung tanong mo. Akala ko tuloy tungkol sa Pilipinas yung event.

This is one super special event that I can't wait.

Konting araw na lang at malapit na ang Fourth anniversary natin. Yieh! Nakaka-excite naman. Ngayon pa lang naiisip ko na na niyayakap kita habang meron akong hawak na cake. Grabe Mine hindi ko ineexpect na makakaabot tayo ng ganito katagal. Tama nga si Lord. Tama nga yung mga sign. Ikaw nga talaga ang babaeng para sa akin at sa akin lang dapat.

15 days to go and will have our Fourth loving anniversary. I can't miss it of course that's why I'm booking a ticket patungo diyan sa Pilipinas. Wala akong pakielam kung gaano kainit diyan dahil sanay na rin naman ako. Pagtingin ko pa lang sa'yo naiinitan na ako. I love you, Mine!

- Oliver

Dear LoverWhere stories live. Discover now