[4] Oliver

85 5 0
                                    

Dear Chloe,

Hindi ako nagagalit sa'yo. Iyang ginagawa mo ay hindi magiging dahilan para uminit ang ulo ko sa iyo. Alam ko namang para rin iyan sa kinabukasan mo. Basta kung busy ka sabihin mo lang sa akin para hindi na kita maistorbo. Ayaw ko namang maging sagabal sa mga ginagawa mo. Kahit gaano pang activities at project ang ibagsak sa iyo ng langit alam ko namang kakayanin mo eh. Matiyaga kang tao at girlfriend. Basta kaya kakayanin. Ganyan ka, mine. Hindi ka sumusuko basta-basta. Kaya nga hanggang ngayon napakatatag pa rin ng relasyon natin. Kaparehas kasi tayong nakakapit sa isa't-isa at hindi bumibitaw.

Sinend ko na nga pala sa email mo yung tungkol sa relationship ng Philippines at America. Diba nagpapatulong ka sa akin? Problem solved! Eh yung relationship nating dalawa? Wala bang tanong sa homework niyo tungkol sa atin? WAHAHAHA! Syempre joke lang iyon. Kung kailangan mo pa ng tulong nandito lang ako. Always and forever. Aral ka lang ng mabuti diyan atsaka mo ako balitaan. Huwag naman masiyadong matagal, mine at baka mabulok na ako dito kakaintay ng sulat.

P.S. Sasali nga pala ako sa isang talent contest. Mr. USA ang pangalan. Ako yung napili nilang representative sa New York.

-Oliver

Dear LoverWhere stories live. Discover now