[9] Chloe

66 4 0
                                    

Dear Oliver,

Three days na lang flight ko na papunta diyan, Mine. Yieeh! Excited na ako. Thank you nga pala sa pagbigay mo sa akin ng VIP ticket. Naku, excited na akong makita ka sa swimsuit contest. Mag-brief ka lang, Mine ah para ikaw yung manalo sa category na iyon. Wahahaha! Pagbigyan mo na ako dahil minsan lang ako maging pervert.

For your information, gumawa ako ng isang napakahabang list tungkol sa mga gagawin ko diyan sa New York. Some of it are ice skating, gumawa ng snowman, mag-shopping kasama si Tita at marami pang iba. Lumagpas na kaya ng singkwenta ang laman nito. Balak ko ngang gawing one hundred ito eh. Well, lahat naman ng mga ito pwedeng mangyari as long as kasama kita. Am I right, Mine?

Right.

Huwag mo na ako sabihan ng baliw dahil alam ko namang ganyan rin ang isasagot mo sa akin. Tama ba ako? Sa tatlong taon nating pagsasama kabisado na kita, Mine. Yung tipong sasabihin mo iihi ka lang pero ang tagal mo tapos iyon pala pumunta ka na ng 7 Eleven para bumili ng cup noodles. Naaalala mo pa ba iyon? Pero okay lang naman dahil binigyan mo rin ako nun ng cup noodles. Ahihi! Hindi talaga ako nagkakamali sa pagpili sa'yo. Ni isang pangyayari na kasama ka hindi ko pinagsisisihan. Tandaan mo Mine na dapat kapit lang tayo sa kamay ng bawat isa. Si Lord na ang bahala sa relationship natin pero dapat kumikilos rin tayo. Three days na lang at nandyan na ako sa harapan mo!

I Love You!

-Chloe

Dear LoverWhere stories live. Discover now