[7] Chloe

65 4 0
                                    

Dear Oliver,

Mine, ngayon pa lang sinasabihan na kita na sana huwag kang magalit sa akin. Huwag kang iiyak o sasapak sa pader kung mabasa mo ang mga susunod na salita sa sulat na ito. Hindi ako pinayagang makapunta diyan sa New York, Oliver. Huwag mo sanang isipin na wala akong ginawa o kaya gawa-gawa ko lang ito dahil totoo ang mga sinusulat ko. Believe me, Mine. Ayaw pumayag ni papa sa pag-alis kahit anong gawin ko. It's useless. Atsaka isa pa, may magaganap na promotion sa work next month. Isang araw lang na hindi ko mawawalan na ako ng tyansa na umangat sa mas mataas na posisyon. Diba sabi mo one month ang stay ko diyan? Mine, magpapaalam na ako sa future ko kapag nangyari iyon. I'm really sorry, Oliver.

JOKE LANG!

WAHAHAHAHAHA! Hindi ko man nakikita mukha mo ngayon alam ko namang sobra rin ang magiging tawa ko. Lahat ng nabasa mo kanina ay gawa-gawa ko lang, Mine. Ahihi! I just pranked you! Alam mo bang nakaisang oras ako kakaisip para lang gawing kapani-paniwala iyan? HAHAHA!

Okay, seryoso na. Mine, pinayagan na nila akong lahat! Tuloy na tuloy na ang pagpunta ko diyan sa New York. Nakaayos na ang gamit ko, nag-excuse na ako, at ginawa ko na lahat ng kailangan kong atupagin. I promise na next week mayayakap na ulit natin ang isa't-isa. I'm so excited, Mine. Hindi dahil first time ko diyan (Well, isa na rin naman iyan sa mga dahilan. Hahaha!) kundi dahil magkikita na ulit tayong personal. Nabasa ko rin pala yung tungkol sa magiging kwarto ko diyan. Gusto kong malaman mong mas gusto kong matulog katabi mo kaysa mag-isa sa ibang kwarto.

By next week, mahahawakan mo na ulit ang kamay ko. I love you more!

-Chloe

Dear LoverWhere stories live. Discover now