Bartenders Series ay napapatungkol sa mga magkakaibigan na natagpuan ang isa't-isa sa parehong pagkahilig sa iba't-ibang uri ng liquor. Umiikot ang kani-kanilang mga buhay sa isang Bar na kanilang naitatag at hindi hadlang ang tunay nilang propisyon upang pangatawanan nila ang negosyo. Sa propisyon din nilang iyon matatagpuan ang babaeng magpapatibok sa kani-kanilang mga puso. Naging sandigan nila ang isa't-isa sa panahon ng dusa at hirap, sa luha at saya...
Ang nobelang ito ay napapatungkol sa kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan, pamilya at mga propisyong napapanahon. Nawa'y magbigay insperasiyon sa bawat mambabasa ang bawat kaganapan sa kuwento. Isa itong Fictional Story pero ito po ay may kinalaman sa totoong kaganapan sa buhay ng bawat tao.
History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.
Hindi naalis ang paningin ko sa mamang lasing na nagsasalita mag-isa. Nagagalit siya, minsan naman ay tumatawa at umiiyak. Sabi ko sa sarili ko, "Baliw ata 'to." Natanong ko sa sarili ko, "Bakit nga ba naglalasing ang isang tao?" Sagot naman ng 'anghel' na nasa gawing kanan ng isip ko. "May problema sila kaya sila umiinom. Para kahit sandali ay makakalimot sila. Maraming dahilan, minsan, para magdiwang ng tagumpay. Ang iba naman, gusto lang makatulog ng mahimbing,"
Sumagot naman ang 'demonyong' nasa gawing kaliwa ng isip ko, "E kasi, gusto nilang magkaroon ng lakas ng loob para makagawa ng imposible. Para kumapal ang mukha nila at makapaghasik sila ng kasamaan, HAHAHAHAHAHA!" Nanrindi ang tainga ko. Hinayaan ko na ang 'anghel' at 'demonyo' na magdiskusyon sa likod ng isip ko.
Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae, bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata't dalaga. Ang daming nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may nagbabahagi ng problema, etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung bakit.
At dahil sa experience ko na iyon, bigla akong nagka-ideya para sa isang naiiba at in-demmand na nobela. Hum, ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa mabuo ko ang nakakaaliw na kuwento.
Ang una kong naisip na pamagat ng series ay "Hangovers" at nang malaman ko na nag-aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang "Bartenders" mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako. At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.
So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site nitong taon lang ang advertisement ng series—ay nagulat ako nang marami ang nag-like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa FB at co-writers ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.
E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako. Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!
Wine's Identity:
Pen name: Wine
Real name: Wallace de Vega
Signature Attitude: The Ultimate Playboy
Catch line: I hated challenges, but I challenged myself in order to have you mine for the rest of my life.
Age: 34
Status: In a relationship with Vanessa Contessa
Occupation: Business Manager/Model
Short Profile: Nakilala siya ng pinakamatinik sa babae. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Nagmula sa kilalang pamilya at hinubog ng luho at attensiyon, kaya para sa kanya ay kaya niyang bilhin lahat. Kilala siya sa larangan ng fashion, malakas ang appeal sa publiko pero gusto niyang manatiling tahimik ang pribadong buhay. Maaga siyang namulat sa realidad at nakipagsapalaran sa ibang mundo. Mahal niya ang alak, ngunit hindi para gawing bisyo kundi pagkakakitaan. Pero sa likod ng pagiging babaero ay pangarap niyang maikasal sa babaeng bibigyan siya ng challenge.
Trivia about Wine:
Wine (from Latin vinum) is an alcoholic beverage made from fermented grapes or other fruits. Due to a natural chemical balance, grapes ferment without the addition of sugars, acids, enzymes, water, or other nutrients.[1] Yeast consumes the sugar in the grapes and converts it to ethanol and carbon dioxide. Different varieties of grapes and strains of yeasts produce different styles of wine.
Gentlemen's Bar & Restaurant members:
#1-Rum Lorence Ong- Manager/Bartender
#2-Gin Andrew Baltazar- Investor/Bartender
#3-Whiskey Jason Del Rosario- General Manager/Bartender
#4-Brandy Martin Duellas- Investor/Bartender
#5-Bourbon Sean Lee- Investor/Music operator/Bartender
#6-Scotch James Miller- Flair Bartender/Waiter
#7-Cordials Hanzen Kurama- Investor/Bartender
#8-Cognac Mateo Abarde- Bartender/Waiter
#9-Vodka Israel Montel- Investor/Bartender
#10-Tequila Miguel Rosales- Executive Chef/Restaurant Manager
#11-Moonshine Ruzlee Young- Bartender/Waiter/Investor
#12-Wine Wallace de Vega- Investor/Bartender/Manager
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under Editing
RomanceNakilala siya ng pinakamatinik sa babae. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Nagmula sa kilalang pamilya at hinubog ng luho at attensiyon, kaya para sa kanya ay kaya niyang bilhin lahat. Kilala siya sa larangan ng fashion, malakas ang appeal sa pu...