"MABUHAY ang bagong kasal!" sigaw ng mga tao nang palabas na ng simbahan ang ikinasal.
Sa kagustuhan ni Vanessa na masalo ang bouquet ng best friend niyang si Nicole ay tumakbo siya mula sa loob ng simbahan palabas. Inalalayan kasi niya ang lola ni Nicole kaya hindi siya kaagad nakalabas.
Maraming kababaehan ang nag-aabang ng bouquet at nagsisiksikan sa daan. Nagbibilang na si Nicole. Lalo lamang siyang nataranta. Nakipaggitgitan siya sa ibang babae. Nang inihagis na ni Nicole ang bouquet ay inihanda na niya ang mga kamay niya, ngunit kung kailan malapit na sa mga kamay niya ang bouquet ay bigla namang may lapastangang tumulak sa kanya.
Sa halip saluhin ang bouquet ay mga tuyong dahon sa lupa ang nahakot ng kamay niya.
"Oooh..." ungol ng mga tao.
Nang dumilat siya ng mga mata ay natagpuan niya ang sarili na nakadapa sa lupa. May isang talulot pa ng rosas ang dumikit sa bibig niya. Hindi na nga niya nasalo ang bouquet ay nasaktan pa siya, plus napahiya pa siya.
"Anong nahuli mo, Vanessa?" narinig niyang tanong ng kaibigan niyang si Rona. Ang bruha, pinagtawanan pa siya.
Ininda niya ang masakit niyang tuhod. Kumilos siya upang tumayo ngunit natigilan siya nang mapansin ang malapad na palad na nakalahad sa harapan niya. Iniangat niya ang mukha niya. Namataan niya ang malaking lalaki na tumiungko sa harapan niya at hinihintay na humawak siya sa kamay nito.
"Kung ikakasal ka, ikakasal ka. Hindi mo kailangang makipag-agawan ng bouquet para lang ikasal ka rin, " narinig niyang sabi ng lalaki.
Sa halip na humawak siya sa kamay nito ay hinila niya ang necktie nito saka siya mabilis na tumayo. Hindi na siya nag-abalang tingnan ang mukha ng lalaki basta nagmadali na siyang umalis.
Hindi na-injoy ni Vanessa ang kasal ni Nicole, bukod sa pagod siya at puyat dahil sa pag-aayos ng wedding reception ay kahihiyan pa ang inabot niya sa simbahan, dagdagan pa ng mga kibigan niya na ang lakas mang-asar at higit sa lahat, ang lalaking tutulungan siya kunwari tapos iinsultuhin.
Sa bahay nila Nicole ginanap ang handaan, sa likod ng malawak na hardin. Kumakain na ang mga panauhin at nagkakasayahan pero siya ay nakaluklok lang sa silya sa sulok ng karaoke. Makita lamang niya si Nicole na masaya ay maligaya na ang kaluluwa niya. Kanina pa niya tinitiis ang antok niya.
Nang panakanaka na lamang ang tao ay lumapit na siya sa mahabang mesa kung saan nakahain ang mga pagkain. Habang sumasandok siya ng kanin ay naramdaman niya ang lalaking lumapit at kumukuha din ng pagkain. Lumapit pa ito sa kanya na halos bungguin na nito ang balikat niya. Hindi niya ito pinansin, ni hindi niya sinisipat, pero kanina pa sumasakit ang ilong niya buhat sa tapang ng pabango nito.
Pagkuwa'y kumuha siya ng tinidor upang pumunit ng balat ng litson, pero masyadong matigas ang balat. Dutdot siya ng dutdot sa balat ng litson pero wala siyang makuha hanggang sa namaluktot na lang ang tinidor.
"May kutsilyo naman kasi, hindi 'yan kaya ng tinidor lang," narinig niyang sabi ng lalaki sa tabi niya.
Uminig ang tenga niya nang mapamilyar ang boses nito. Natukso siyang harapin ito, at ganoon na lamang ang agarang pagmulagat ng mga mata niya nang masilayan ang mukha ng lalaki. Nakatingin din ito sa kanya habang pilyo ang ngiti.
Hindi siya nagkakamali, ang lalaking ito ang nagtangkang tulungan siya kanina sa simbahan nang madapa siya. Nakilala niya ang itim na tuxedo'ng suot nito at itim na necktie na hinila pa niya. May sariwang rosas na nakaipit sa bulsa ng damit nito. Mukhang bagong gupit ito at kakaahit lang ng patilya, maging ng balbas at biguti nito.
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under Editing
RomanceNakilala siya ng pinakamatinik sa babae. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Nagmula sa kilalang pamilya at hinubog ng luho at attensiyon, kaya para sa kanya ay kaya niyang bilhin lahat. Kilala siya sa larangan ng fashion, malakas ang appeal sa pu...