Chapter Twelve (Final Chapter)

10.5K 295 12
                                    


HINDI natiis ni Vanessa ang mga kaibigan. Wala naman siyang ibang malalapitan kundi ang mga ito lang. Tinanggap na niya ang sorry ng mga ito. Pero alam niya, hindi maibabalik ng salitang sorry ang lalaking nagparanas sa kanya ng pagmamahal. Apektado pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Wallace kahit halos isang taon na ang lumipas.

Isinilang na ni Nicole ang first baby nito. Hindi siya nakatanggi nang kunin siya nitong ninang. Masyado na siyang naging busy nitong mga nakaraang buwan. Masaya na rin siya para kay Daniel dahil nakipagbalikan na rito ang dati nitong nobya na si Ella. Sa susunod na Sabado na ang kasal ng mga ito.

"Paano ba 'yan, Van, ikaw na lang ang single sa ating anim. Kung tinanggap mo sana ako noon e, 'di sana tayo ang nagkatuluyan," sabi sa kanya ni Daniel nang puntahan siya nito sa shop niya kasama si Ella. Nagpapagawa kasi ng bouquet ang mga ito.

"Alam mo namang magkaibigan lang talaga tayo. Masuwerte ka nga dahil binalikan ka ng ex mo," aniya.

"E, ikaw, Van, wala ka bang balak balikan ang ex mo?" sabad naman ni Ella.

Tiningnan niya ito. Bigla niyang naisip si Wallace. Nasaan na ba ngayon si Wallace? Isa nang bituin na kay hirap maabot. Matapos ang pagkalabuan nila ni Wallace ay biglang nag-boom ang career ng binata sa showbiz. Nabigyan ito ng maraming project at may sarili nang pilekula kasama ang ilang batikang artista. Paano pa kaya siya magkakaroon ng puwang sa buhay ng binata? Maraming magagandang artista at modelo, kaya imposibleng mapansin pa siya nito.

"Wala na akong babalikan," sabi na lamang niya.

"Anong wala? Noong isang Linggo, pinuntahan ko si Wallace sa bahay nila para imbitahin sa kasal ko. Inusig ko rin siya tungkol sa 'yo," ani Ella.

Tiningnan lang niya ito, habang abala ang kamay sa paggawa ng bouquet para sa mga naunang nag-order sa kanya.

"Hindi man niya derektang sinabi na mahal ka pa rin niya, nahahalata ko dahil panay ang banggit niya sa pangalan mo at kinakamusta ka. Biniro ko nga siya. Sinabi ko na nagpakasal ka na. Alam mo ba kung ano ang sinabi niya? Maghihiwalay din daw kayo ng asawa mo dahil hindi mo siya mamahalin dahil hawak niya ang puso mo," ani Ella.

Hindi niya napigil ang mapangiti. Uminit bigla ang mukha niya.

"Oy, nag-blush siya!" sigaw ni Ella.

Nagulat siya. Mas kinikilig pa si Ella kaysa kanya. "Hala, hindi kaya," kaila niya.

"Anong hindi? Namula ka kaya. Naku, huwag na kayong magpakiramdaman."

Bahagya siyang napayuko. "Wala naman akong magagawa. Masyado nang malayo ang narrating niya," aniya.

"Para namang hindi mo kilala si Wallace. Sikat na siya noong magkakilala kayo. Nagustuhan ka nga niya, ngayon pa kaya na may nakaraan kayo?"

"Alangan naman ako ang gagawa ng hakbang kung talagang gusto niyang maayos kami."

"Pero gusto mo?"

Hindi siya kaagad nakaimik. Nahihiya siyang magsabi ng totoo.

"Gusto mo pa ring magkabalikan kayo ni Wallace?" muling usig ni Ella.

"Oo naman," bigla'y nasabi niya.

"Ayie! Talaga naman kayong dalawa, pinapakilig ako! Pareho lang kayong dalawa, eh. Ang sarap ninyong ipag-untog. Pero nage-guilty pa rin ako dahil naging bahagi kami ni Daniel sa pagkasira ng relasyon ninyo," anito.

"Ano ka ba? Kalimutan na nga natin 'yon? Lalo lang ako naiinis, eh," aniya.

"Sige na nga. Gusto kong bumawi para naman mas masaya tayong lahat."

Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon