Chapter Two (Unedited)

12K 317 8
                                    


MALAPIT na ang araw ng mga puso kaya lalong naging abala si Vanessa sa flower shop niya. Marami din ang ikinakasal kaya kaliwa't-kanan din ang siniserbisyuhan niya.

Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nasa shop na siya para mag-ayos ng bouquet na order sa kanya. Hindi pa dumarating si Myla na tinder niya kaya maya't-maya ang harap niya sa mga bumibili.

Habang abala siya sa pag-buo ng bouquet ay may pumasok na naman. Hindi niya maiwan ang ginagawa dahil nagtatali na siya ng bulaklak. Hindi naman siguro magnanakaw ang pumasok na lalaki.

"Hi, Miss! Meron ba kayong black roses?"

Pumanting ang tainga ni Vanessa sa narinig. Kailan pa nagkaroon ng itim na rosas? Hindi siya nakatiis, tiningnan niya ang lalaking nakatayo sa harapan niya.

Napamata siya nang makilala ang lalaki. Hindi na siya magtataka kung bakit ang aga-aga'y iinisin siya. Pero bakit naman naligaw sa lugar na iyon ang guwapong bachelor ng mga De Vega? Mukhang kaaahon lang sa kama ni Wallace dahil hindi pa ata nagsusuklay. Maong na pantalon lamang ang suot nito na sinadyang nilaslas ng kutsilyo ang tuhod. Itim na kamesita ang damit nito. Nakatsinelas nga lang ito.

"Nagkamali po ata kayo na pinuntahan, sir. Flower shop po ito," kaswal na sabi niya, habang pigil ang inis.

Ngumisi ito. "Bakit? ano ba ang tinanong ko? Bulaklak iyon, Miss masungit," sabi pa nito.

"Kung gusto mong sagutin kita ng maayos, magtanong ka ng maayos."

"Okay. Puwede bang manligaw?" anito.

Tiningnan na naman niya ito. "Hindi po ako tumatanggap ng aplikante," aniya.

"Hey! Matino ang tanong ko, ah."

"No."

"Pero baka kailangan mo ng impleyado sa puso mo, puwede ba akong magtrabaho diyan?" sarkastikong sabi nito.

Nawala sa konsentrasyon si Vanessa. "Alam mo, marami pa akong gagawin. Wala akong oras makipaglukohan sa 'yo," aniya.

"Seryoso ako. Bakit ba ang sungit mo? Magkano ba lahat itong paninda mo?"

Bumuntong-hininga siya. "Kung hindi ka bibili, puwede bang umalis ka na?" pagtataboy niya rito.

"Aw! Ang hard mo naman. Nagtatanong nga ako kung magkano lahat ng paninda mo dahil bibilhin ko. Pero cheke ang ibabayad ko."

"Nasa matinong pag-iisip ka ba?"

"Oo naman. Mahilig sa flowers ang mommy ko kaya ibibili ko siya. Worth fifty thousand pesos pasok ba lahat doon ang mga paninda mo, kasama ang isang oras na kasama ka?" anito.

"Ano? At ano naman ang gagawin ko sa isang oras?"

"Sasama ka sa akin para ayusan ang rest house ko. Birth day kasi ngayon ng mommy ko kaya gusto ko siyang surpresahin."

Medyo nakadama siya ng pagkapahiya. "Pero may dalawang bouquet pa akong gagawin," aniya.

"Walang problema, hihintayin kita."

"Sige." Pagkuwa'y pinagpatuloy niya ang ginagawa.

Maya't-maya ang sipat niya kay Wallace habang iniikot nito ang shop niya. Hindi niya maintindihan bakit parang kinakabahan siya. Matagal na niyang kilala ang mommy nito pero hindi minsan nagkuwento ang ginang tungkol sa anak nitong lalaki. High school friend ng mama niya ang mommy nito, katunayan bata pa lang siya ay ipinakilala na siya ng mama niya kay Mrs. Ramona De Vega. Akala niya noon nag-iisang babae lang ang anak ng mga De Vega.

Pagdating ni Myla ay pinagayak na niya rito ang mga order ni Wallace na bulaklak at ikinarga sa likod ng Hilux nitong sasakyan. Kung tutuusin hindi naman umabot sa thirty thousand ang nakuha nitong bulaklak, pero nag-issue pa rin ito sa kanya ng tseke na may halagang fifty thousand. Kung sa bagay, barya lang rito ang halagang iyon.

Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon