PAGKATAPOS na makabili ng bulaklak si Vanessa ay dumeretso na sila ni Wallace sa lupain ng mommy nito sa La Trinidad. Maganda rin pala ang rest house doon ng ginang kahit bongalow type. Ang sabi ni Wallace. Mahigit three thousand square miter daw ang kabuoang sukat ng lupain.
Alas-onse na ng gabi sila nakarating doon pero hindi na sila natulog. Nagpasama sila sa caretaker para makapamitas ng gulay. Maliwanag ang paligid dahil may mga ilaw sa bawat poste. Ang una nilang pinitas ay mga sayote. Kompleto ang gulay baguio kaya nag-e-enjoy talaga si Vanessa sa pamimitas. Pasimuno kasi 'tong si Wallace. Masarap daw mag-harvest ng pananim ng iba. Pero pag-aari naman ng mommy nito ang lupain at sinasahuran naman ang caretaker.
Pagkatapos nilang mamitas ng gulay ay pumunta naman sila sa taniman ng mga strawberries. Pareho sila ni Wallace na hindi marunong kung paano ang tamang pagpitas ng prutas kaya nagpaturo sila kay Mang Greg.
Nag-uunahan pa sila ni Wallace na mapuno ang munting basket nila. Madaya ito kasi pati maliliit ay pinipitas nito. Mayroon pang sumalisi itong dumakot sa basket niya. Nang isang beses na gawin nito iyon ay hinuli niya ang kamay nito at kinagat.
"Aray!" daing nito sabay bawi ng kamay.
"Madaya ka, ah!"
"Isang kiss lang naman ang parusa mo, eh."
"Tse! Takot ka lang magbalat ng patatas, eh."
"Mas mahirap kasi 'yon kaysa naman sa 'yo na hahalikan mo ako sa labi ng may sampung segundo."
"Mandaraya ka!" Dumakot din siya sa basket nito.
"Tama na! Nakabawi ka na!" Inilayo nito ang basket sa kanya.
"Ayan, patas na tayo," aniya.
Ang nakatingin sa kanila na si Mang Greg ay aliw na aliw. Panaya ang tawa nito. "Alam n'yo bang marami ang nagkakatuluyan nang dahil sa strawberry?" ani Mang Greg.
Nagkasabay pa silang tumingin kay Mang Greg. Pagkuwa'y nagkatitigan sila. Bumingisngis si Wallace. "Kita mo? Itinadhana talaga tayo," anito.
"Maniwala ka naman. Sa mga novela lang nangyayari ang mga ganoon."
"Bakit sa palagay mo ba hindi mala-novela ang nangyayari sa atin? Ikaw ang heroine na ang karakter ay mailap sa lalaki. Ako naman ang hero na mahilig sa babae," anito.
"Mabuti naman inamin mo. Hindi tayo bagay," aniya.
"Paano mo naman nasabi 'yan? May magagawa ka ba kung pipilitin kitang ma-in-love sa akin?"
"Hindo ako kasya sa puso mo."
"Pero gusto mong pumasok?"
"Baka gutumin lang ako kapag tumira ako sa puso mo."
Bumungisngis ito. "Alam na kita, my love. Interesado ka rin sa puso ko, pero kapag pumasok ka na sa puso ko, hindi ka na makkalabas dahil walang daan palabas. Mag-imbak ka na ng pagkain mo para forever tayong magsasama hanggang kamatayan," simpatikong sabi nito.
Natawa siya bigla. Namumulaklak na naman ang mga salita nito. "Alam mo antok lang 'yan. Bilisan mo na nang makapagbalat ka na ng isang kilong patatas," aniya.
"Gagawin mo talaga akong si Prices Sarah, ah. Hindi mo ba alam na lumaki lang ako ng ganito pero hindi pa ako nakaranas magbalat ng kahit isang perasong patatas?"
"Ah shut up!"
Hindi na ito umimik. Naubos na ang oras na palugit nila sa pamimitas ng strawberries. Si Mang Greg ang tagahatol nila. Ito ang nagbilang ng mga nakuha nilang strawberry.
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under Editing
RomanceNakilala siya ng pinakamatinik sa babae. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Nagmula sa kilalang pamilya at hinubog ng luho at attensiyon, kaya para sa kanya ay kaya niyang bilhin lahat. Kilala siya sa larangan ng fashion, malakas ang appeal sa pu...