Chapter Five (Unedited)

10K 290 8
                                    


NANG kaunti na ang mga tao ay saka lamang lumapit sa kanya si Wallace. Tinukot nito ang panyo sa bulsa ng pantalon nito saka pinahiran ang pawis sa mukha.

"Grabe, ang lakas pala talaga ng shop mo," anito.

"Ganito talaga kapag palapit ang araw ng mga puso."

"E kamusta naman ang puso mo sa mga ganitong okasyon? Bigyan mo naman ng break ang sarili mo."

"May importante sa akin ang kumita ng malaki."

"Kahit bukas, magsara ka nang maranasan mo naman magdiwang."

"Sayang ang income. Mas maraming bibili bukas."

"Pero kaunti na lang ang paninda mo, baka hindi na aabot bukas ang mga 'yan."

"Pupunta ulit ako sa Baguio mamayang hapon para mamili."

"Samahan na kita. Mas malaki ang sasakyan ko, marami kang mai-uuwing bulaklak," anito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. Mukhang maganda ang suhesyon nito, pero paano siya mag-a-adjust? Dapat isasama din niya si Myla pero sayang kung magsasara sila ng maaga.

"Hindi ba ako makakasira sa oras mo?" naiilang na untag niya.

Ngumisi ito. "Matagal mo nang sinira ang oras ko, Van. Tumakas ako sa shooting ng ini-endorsiyo ko para lang makarating ako rito sa shop mo. Isang linggo lang tayong hindi nagkita para na akong nangungulila. Imagine that?"

Nagsisimula na naman ito ng kadramahan. Simple lang naman ang tanong niya ang dami na nitong sinabi. Pero aywan niya bakit parang may kung anong naghahabulan sa loob ng dibdib niya.

"Kasalanan ko pa ba 'yon?" mataray na tanong niya.

"Sinabi ko bang kasalanan mo? Sinasabi ko lang sa 'yo para malaman mo na dapat maging mabait ka sa akin. Nagpapasalamat ako sa 'yo dahil close na ulit kami ni mommy," anito.

"Pero may kapalit 'yon. Huwag mong kunsintihin ang mommy mo at ipilit ang gusto niya."

"E bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya na hindi mo naman talaga ako gusto? Tutal parang mas close pa nga kayo."

Napalunok siya. Ang totoo, iyon dapat ang sasabihin niya noon kay Ramona pero hindi niya masabi-sabi. "Alam naman niya na wala tayong relayson," sabi na lamang niya.

"Kilala ko si mommy, ipipilit niya ang gusto niya. Alam mo bang sa tuwing magkikita kami panay ikaw ang bukam-bibig? Maya't-maya ang tanong niya sa akin kung kailan daw ba kita siseryosohin? Alam 'yong iritang-irita ka na kasi sa paulit-ulit na tanong wala kang mahagilap na sagot?"

"Ayaw ko nang problemahin ang mga bagay na iyon. Marami akong dapat unahin," aniya saka tinanggap ang bayad ng costumer.

"Pero, Van, hindi naman sa gusto kong pagbigyan si mommy. Hindi pa man niya nalaman na magkakilala tayo, may gusto na akong gawin. Sa totoo lang, ayaw ko talaga ng mga challenges, pero magmula noong makilala kita, gusto kong i–challenge ang sarili ko para lang makuha ang atensiyon mo."

Tiningnan lang niya ito.

"Mamayang hapon puwede na tayong umalis para makabalik kaagad tayo," pagkuwa'y sabi nito.

"Marami pang bibili mamayang hapon."

"Nariyan naman si Myla. Mahaba-haba ang biyahe kaya dapat maaga tayong aalis para bago sumikat ang araw bukas narito na tayo."

"Paano naman ang ibang oras mo?"

"Bahala na. Maiintindihan din ako ng manager ko. May nag-aasikaso naman sa hotel."

Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon