Chapter Seven (SPG) Unedited

11K 324 5
                                    


PAGSAPIT ng alas-tres ng hapon... Hindi na kinaya ni Wallace ang antok kaya natulog na ito sa loob ng counter. Hindi ito napilit ni Vanessa na umuwi. Maya't-maya ang sipat niya rito habang tumatanggap siya ng bayad ng mga costumer. Nagulat siya nang biglang tumunog ang cell phone nito na nakapatong sa puson nito.

Nang hindi tumitigil ang tawag ay dinampot na niya ang cell phone nito. Nang malamang mommy nito ang tumatawag ay natukso siyang sagutin ito.

"Hello po, Tita!" aniya.

"V-Vanessa?" untag nito.

"Opo, ako po ito."

"Sinasabi ko na nga ba na nariyan ang anak ko. Ano ba ang ginagawa niya riyan? Kahapon pa siya hindi nagpapakita sa hotel, ngayon pa na fully book. Tinawagan na ako ng manager niya dahil hindi siya sumisipot sa shooting nila," anito.

"Pasensiya na po. Ayaw naman po niyang umuwi kahit anong pilit ko sa kanya. Sinamahan po kasi niya ako kagabi sa Baguio at namili ng mga bulaklak na paninda ko. Ngayon nga lang po siya nakatulog," paliwanag niya.

"Nagpunta pala kayo ng Baguio? Kita mo na? Sabi ko naman sa 'yo, interesado 'yang kumag na iyan sa 'yo. Hayaan mo na lang siya. Kampanti na akong nariyan siya sa piling mo. Ako na ang bahala sa hotel. Sige na, bye," anito saka pinutol na ang linya.

Hindi na niya naibalik sa puson ni Wallace ang cell phone nito nang mag sunod-sunod na nagbabayad. Nang wala pang nagbabayad ay natukso siyang pakialaman ang cell phone ni Wallace. Tumigil siya sa mga pictures. Nagulat siya nang makita na halos mukha niya ang laman ng images sa cell phone nito. Pero lahat stolen shot. Mas marami siyang kuha habang natutulog sa kotse, meron pang namimitas siya ng sayote at nagpiprito ng patatas. Walanghiya, wala siyang kamalay-malay sa mga pinaggagawa nito.

Nang magsawa siya sa kakatingin sa mga larawan ay napunta naman siya sa video. Kinilabutan siya nang panay sex scandal ang video. Naisip niya, halos lahat naman ng lalaki mahilig sa ganoong palabas, kahit nga ang ibang babae. Hindi na niya pinagkainteresan panorin ang mga 'yon.

Alas-singko na ng hapon muling nagising si Wallace. Matamlay ang katawan nito. Kumain kaagad ito ng tira nilang pizza pie. Kanina kasi ay hindi na ito nakapagtanghalian. Naubos nito ang apat na hiwa ng pizza.

"Kaunti na lang pala ang paninda mo. Puwede ka nang magsara," anito, habang may laman ang bibig.

"Hindi puwede, sayang pa ang benta."

"Magpahinga ka naman. Pumunta tayo sa bar namin mamaya para makapag-unwind ka."

"Hindi nga puwede. Ipapaubos ko ang mga bulaklak para bukas hindi na ako magbubukas. May bibili pa mamayang gabi."

"Magkano ba lahat 'yang natirang bulaklak? Ako na lang ang bibili," anito.

Nilingon niya ito. "Tama nang effort, Wallace. Puwede ka nang umuwi. Tumawag na ang mommy mo kanina, kailangan ka na sa hotel n'yo."

"Sanay na si mommy sa akin. Maiintindihan naman niya ako dahil valentine's day ngayon. Sige na, bibilhin ko na lahat ng natirang bulaklak at ipa-deliver mo sa hotel na care off kay mommy. Ito, may cash pa ako," anito saka dumukot ng pera sa pilaka nito.

Hindi na siya nakakibo. Inilapag nito sa mesa niya ang limang libo. Galit talaga sa pera ang lalaking ito. Hindi naman niya ito matanggihan.

Mayamaya rin ay nagsara na sila. Alam niya kanina pa atat si Myla na umuwi dahil may date daw ito. Inihatid muna siya ni Wallace sa bahay nila saka ito umuwi sandali. Babalik na lang daw ito para sunduin siya.

Pagdating nila ni Wallace sa bar ng mga ito ay namangha siya nang 'di mahulugang-karayom ang dami ng mga tao. Ganoon pala kalakas ang bar ng mga ito. Punong-puno ang dining area na halos wala nang bakante. Maging ang VIP room ng mga ito ay mag umakupa. Dahil pati ang tapat ng bar counter ay puno, inanyayahan na lang siya ni Wallace sa private room ng bar, kung saan may mini sala.

Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon