Chapter Four (Unedited)

10.2K 294 5
                                    


HINDI maisingit ni Vanessa ang gustong ipagtapat sa ginang dahil parang machine gun ang bibig nito. Ang dami na nitong pangarap para sa kasal kuno nila ni Wallace. Pero nang mapag-usapan nila si Wallace ay nakalimutan na niya ang pagpuprotesta.

"Gusto ko talaga makapag-asawa na si Wallace para naman magkabati na sila ng daddy niya," malungkot na sabi ng ginang.

"Bakit po? May kasalanan po ba siya sa daddy niya?" usisa niya.

"Paano kasi, ilang beses nang nagdala ng babae sa hotel si Wallace, tapos palagi pa siya nakikita ng mga kaibigan ng daddy niya sa mga night club. Kung hindi naman ay umuuwi siyang lasing na lasing. Minsan na kasing napahiya ang daddy niya sa mga kliyente namin dahil sa panloloko umano ng anak ko sa anak nila. Mayroon pa ngang anak ng kaibigan ng daddy niya na Gobernador na niloko din daw ni Wallace. Aminado naman ako na malaro sa babae si Wallace, pero kilala ko na ang anak ko. Ang mga babae naman kasi ang kumikiringring, tapos kapag naibigay na ang virginity gusto pakasalan ng lalaki, samantalang sila ang may gusto. Hindi naman ganyan noon si Wallace. Magmula lang noong lokohin siya ng long time girlfriend niya ay nagiging malaro na siya sa babae. Wala na siyang siniseryoso. Kaya nga gusto na naming mag-asawa na makapag-asawa na si Wallace para tumino. Lahat naman na babaeng inireto sa kanya ng daddy niya inaayawan niya," kuwento ng ginang.

Hindi maintindihan ni Vanessa bakit apektado siya sa nakaraan ni Wallace.

"Mabuti nga at nagkakilala kayo. Hindi naman magkakainteres sa ang anak ko na makilala ka kung wala siyang nararamdamang espisyal sa 'yo," patuloy nito.

"Pero wala pa namang isang buwan kami nagkakilala. Sorry po pero hindi pa naman kami magkasintahan ni Wallace," hindi natimping sabi niya.

Nawindang ang ginang. "Pero bakit dinala ka niya dito tapos pinakilala sa akin? Alam ko ganoon ang balak niya."

"Inimbita lang po niya ako. Ako po kasi ang kinuha niya na mag-ayos dito."

Halatang dismayado ang ginang. "Pero ganoon din naman 'yon. Kilalang-kilala ko na ang anak ko kapag may natitipuhan siyang babae. Gagawa siya ng paraan para makuha ang loob mo. Hindi siya basta-basta nagkakainteres sa babae na katulad nito na iimbitahin kaagad niya sa ganitong espisyal na okasyon. Karamihan sa mga babae na kusang lumalapit sa kanya ay saka lang niya aatupagin kapag lumalapit sa kanya. Isa pa, iisang babae lang ang iniharap sa akin noon ni Wallace, si Armina, kaso salbahe pala ang babaeng iyon, may iba pa palang nobyo. Ah, basta, ikaw ang gusto ko. Dapat noon pa kita nireto sa kanya kaso hindi ko siya matiyempuhan dahil palagi siyang wala at busy ka rin. Madalas nga kitang banggitin sa kanya kaso wala siyang pakialam noon. Kaya nainis ako sa kanya. Nilayasan ko siya, nagbakasyon ako sa London. Kaya siguro bumabawi siya sa akin. Pero sa pagkakataong ito, hindi na niya ako puwedeng baliwalain."

Kinakabahan si Vanessa sa isiping igigiit ng ginang na pakasalan siya ni Wallace. Malaki din ang naitulong nito noong nagkasakit ang mama niya. Dumadalaw pa nga ito madalas sa ospital.

"Ganoon pa rin ba ang phone number na ibinigay mo sa akin ang ginagamit mo, Vanessa?" mamaya'y untag ng ginang.

"Opo."

"Mabuti naman. Naka-save pa iyon sa cell phone ko, para naman matawagan kita minsan. Kung minsan kasi wala akong kasama sa bahay. Hindi ko na kayang magbiyahe palagi para magpunta sa hotel. Alam mo namang may komplikasyon na ako sa puso, dala ng katandaan. Tatawagan kita kapag naisip kong magtanim ng mga bulaklak. Pumupunta ka pa rin ba sa Bagiuo?" anito.

"Opo. Every Sunday ng gabi po ako bumibuyahe para mas maaga. May suki na po kasi ako ng mga bulaklak doon na mura ang bigay sa akin."

"Tamang-tama, sabihin mo sa akin para mapasamahan kita kay Wallace para hindi ka na mag-aarkila ng sasakyan. Hindi ka pa mahihirapan sa matutulugan mo dahil nakabili ako ng lupa sa La Trinidad at nagawa na ang rest house ko. Puwede kang tumuloy doon."

Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon