TUMINDI pa ang kaba ni Vanessa nang makaharap na niya ang daddy ni Wallace sa hapag-kainan. Masungit ang hilatsa ng mukha nito pero kahit may edad na ay nangingibabaw pa rin ang kaguwapuhan nito.
"Ikaw pala si Vanessa na sinasabi ni Ramona. Madalas ka niyang naikuwento sa akin noon," sabi ni G. Gerardo.
"Opo. Palagi po kasi nagpapa-deliver ng bulaklak noon si Tita Ramona," aniya.
"Mabuti naman nagustuhan mo ang anak ko," anito.
Nagkatinginan sila ni Wallace. Maamong tupa ngayon ang binata.
"Mabait po siya at nakikita ko naman kung gaano siya ka sensero, kaya hindi na ako nag-atubiling tanggapin siya," pagkuwa'y sabi niya.
"Mabuti naman. Kailan naman ninyo balak magpakasal?" pagkuwa'y tanong ng ginoo.
Nagkatinginan na naman sila ni Wallace. Sa puntong iyon ay pinaubaya na niya kay Wallace ang pagsagot.
"Ahm, hindi pa po namin napag-uusapan ang tungkol sa kasal, Dad. Gusto ko sanang mas makilala pa namin ang isa't-isa," sagot naman ni Wallace.
"Huwag n'yo masyadong patagalin baka magkasawaan na kayo. Kilala kita, Wallace. Patunayan mo sa akin na tunany kang lalaki. Ngayon lang ako natutuwa sa mga desisyon mo. Sa palagay ko'y si Vanessa ang tamang babae dahil mas kilala siya ng mommy mo. Ayaw ko na kung sinong babae ang ipakilala mo sa amin. At napapansin ko sa kilos ng nobya mo na karapat-dapat siyang mahalin. Pero sana patunayan mo rin sa kanya na karapat-dapat ka sa kanya. Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan at sakit sa ulo, Wallace. Hindi ka bumabata kaya magseryoso ka na. Bumuo ka ng sarili mong pamilya nang maintindihan mo kung paano maging isang ama. Huwag puro luho at bisyo," pangaral ni Gerardo sa anak.
"Yes, Dad," sabi lang ni Wallace.
Namayani ang katahimikan.
"Siya nga pala, Vanessa, kapag hindi ka busy, puwede ka bang sumama sa akin sa baguio para naman makapag-relax tayo. Sobrang init na kasi ngayon," mamaya'y sabi ni Ramona.
Tiningnan muna niya si Wallace. "Ahm, sige po, baka next Monday po hindi ako magbubukas ng shop," aniya.
"Gusto mo bang sumama, Wallace?" anang ginang.
"Tinaon pa ninyo sa busy week ko. Saka na lang, pero gusto ko kaming dalawa lang ni Van," ani Wallace.
"Sus, makasarili ka na ngayon, ah. Basta ba pagplanuhin na ninyo ang kasal. Gusto ko nang magkaapo sa iyo."
Pangisi-ngisi lang si Wallace. Sobrang excited na ang ginang. Pero aminado si Vanessa na hindi pa siya handang maikasal. Gusto muna niya na mas makilala si Wallace.
Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam din kaagad sina Wallace at Vanessa sa mga magulang nito. Kanina pa pinipigil ni Vanessa ang antok kaya nagpahatid siya kay Wallace sa bahay nila. Gusto pa sana nitong pumunta sila sa bar ng mga ito pero mariin siyang tumanggi.
Biyernes ng umaga...
Kararating lang ni Vanessa sa shop nang maabutan niya roon si Daniel at kinakausap si Myla habang nag-aayos ng mga bulaklak. Kung nahihirapan siyang makuha ang tiwala ni Nicole para kay Wallace, mas lalong nahihirapan siya kay Daniel. Alam niya uusigin na naman siya nito.
"Mabuti naman hindi nakabuntot sa iyo ang boyfriend mo," bungad sa kanya ni Daniel.
"Maaga ang shooting niya ngayon para sa commercial kaya hindi niya ako maihatid," aniya.
"Alam mo, hindi pa rin kita maintindihan bakit sa dami ng lalaking puwede mong gustuhin ay si Wallace pa. Sira na ang record niya sa mga babae, kaya mga play girl din ang pumapatol sa kanya. Nag-usap na kami ni Ella tungkol kay Wallace, at sa kasamaang palad, umamin si Ella na may gusto pa rin siya kay Wallace. Nagulat nga siya nang malaman na ikaw ang nobya ngayon ni Wallace," anito.
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under Editing
RomanceNakilala siya ng pinakamatinik sa babae. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Nagmula sa kilalang pamilya at hinubog ng luho at attensiyon, kaya para sa kanya ay kaya niyang bilhin lahat. Kilala siya sa larangan ng fashion, malakas ang appeal sa pu...