HINDI na namalayan ni Vanessa kung paano siya nakauwi sa bahay niya. Paggising niya ay alas-nuwebe na ng gabi. Masaki tang buong katawan niya lalo na ang pagitan ng kanyang mga hita. Parang mababasag ang bungo niya sa sakit. Mula roon sa kuwarto niya ang naamoy niya ang amoy ng ginisang bawang.
Pagkatapos niyang maghilamos at magsipilyo ay lumabas siya ng kuwarto. Nagulat siya nang masipat si Wallace sa kusina na nagluluto, habang hubad baro at tanging itim na apron ang suot pan-itaas. Naggagalawan ang mga muscle nito sa likod at braso habang naghahalo ng kung anong niluluto nito sa kawali. Mukhang wala nang balak umuwi ang mokong na ito. May balak na atang tumira sa bahay nila.
"Hindi ka ba umuwi?" tanong niya rito nang makapasok siya sa pintuan.
Nagulat pa ito at marahas na humarap sa kanya. Ngumisi ito. "Good morning! Nakialam na ako sa kusina mo, nagugutom kasi ako," anito.
"Bakit hindi ka umuwi?" muling tanong niya.
"Tinamad na akong magmaneho kagabi. Huwag kang mag-alala, uuwi din ako mamaya pagkatapos ng almusal."
"Masyado ka nang nasayang na oras sa kakabuntot mo sa akin."
Napalis ang ngiti nito. "Van, hindi ako nagsasayang ng oras. Inilaan ko talaga ang panahon ko para makasama ka," seryosong sabi nito.
"Saan ba talaga tayo patungo, Wallace?"
"I like you, Van!" deretsong wika nito.
Napalunok siya. Bigla na lang sumariwa sa isip niya ang naganap sa kanila kagabi. Kung may dapat mang sisihin sa nangyari, siya 'yon dahil hindi niya pinigilan ang binita na angkinin siya.
"Nakuha mo na ang gusto mo," aniya.
"Alin? Ang nangyari kagabi? Van, hindi 'yon ang gusto ko! Ang totoo, gusto kong mapa-ibig ka muna bago mamagitan ang kapusukan sa atin, pero hindi ako nakapagpigil. Manhid ka ba? Kahit parang engot ang performance ko, may pinaghuhugutan ang mga 'yon. Seryoso ako, Van," anito.
Namimilog ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Naamoy niya ang nasusunog na kanin. "Ang niluluto mo nasusunog na," sabi niya.
"Kasi naman!" maktol nito saka binalingan ang niluluto.
Umupo na lamang siya sa tapat ng mesa. Pinapakiramdaman lang niya ito habang inaasikaso ang kakainin nila. Natataranta ito habang isinasalin sa serving plate ang kaluluto nitong fried rice. Hindi siya nakatiis, tinulungan na niya ito dahil natataranta ito kung saan kukuha ng mga kobyertos.
Ang Spanish sausage na matagal na niyang hindi maluto-luto ang niluto nito. Na-over cook pa ang pritong itlog nito. Nang tikman niya ang niluto nitong instant sopas at masyadong maalat.
"Inuunahan na kita, hindi ako marunong magluto. Gusto ko lang malaman mo na handa akong makantiyawan maipakita lang sa 'yo na desidido akong pagsilbihan ka," palatak nito nang makaupo na sila n magkaharap sa hapag-kainan.
"Alam ko, kaya nga hindi na ako nag-reak. Pero baka atakihin ako ng U.T.I pagkatapos kong kumain. Maalat na ang sabaw, maalat pa ang sinangag at itlog," aniya.
Umismid ito. "Hindi nag-reak, ah. Pagtiyagaan mo na lang," anito.
"Next week huwag ka nang basta pumunta rito sa bahay dahil darating na ang kapatid ko," aniya.
"Ha? Ano naman ang masama?"
"Hindi 'yon basta nagpapapasok ng lalaki rito sa bahay."
"Talaga palang nasa lahi ninyo ang galit sa lalaki, ano?"
"Hindi naman sa ganoon, sinanay lang kami ng mga magulang namin na huwag magpapasok ng lalaki sa bahay lalo na kung hindi naman seryoso manligaw."
"Alam mo, hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang o talagang sobrang taas na ng pride mo. Sige na, aamin na ako na gusto talaga kitang ligawan. Gusto kita maging nobya."
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under Editing
RomanceNakilala siya ng pinakamatinik sa babae. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Nagmula sa kilalang pamilya at hinubog ng luho at attensiyon, kaya para sa kanya ay kaya niyang bilhin lahat. Kilala siya sa larangan ng fashion, malakas ang appeal sa pu...