Special Chapter 1(The Wedding Reunion)

9.4K 363 20
                                    


PAGKALIPAS ng mahabang panahon na paghihintay ay natupad din ang plano ng mga Bartenders na magkakaroon sila ng wedding reunion. Ang iba ay magdadalawa na ang anak pero game pa rin sa kasalan.

Isang dosenang couple ang sabay na humarap sa altar at nagsumpaan. Pagkatapos ng mahabang seremonya sa simbahan ay dumeretso ang lahat sa De Vega hotel. Inakupa nila ang pinakamalaking function room ng hotel na kasya kahit dalawang libong tao. Siyempre, invited ang inyong lingkod sa kasalang ito.

Sa isang VIP table, nagsama-sama ang doseng couple. Magdadalawang taon na ang anak ni Rum at Kayt, tapos si Gin naman ay magdadalawang taon din ang anak, tapos dalawang buwan nang buntis si Cat. Si Whiskey ay hindi pa pinalad na magkaanak sila ni Katrena. Samantalang si Barndy at Shaniah naman ay limang buwan na ang anak na lalaki. Hindi naman papahuli si Sean na mag-iisang taon na ang anak nila ni Sav. Ganoon din si Scotch, mag-iisang taon na nitong susunod na buwan ang anak nila ni Khalee. Si Cordials at Anniza at Cognac at Tini naman ay hindi pa daw nakakabuo. Mahina itong dalawang ito. Pero si Vodka ay isang taon na ang anak pero dalawang buwan nang buntis ang asawang si Shenkaru. Ibilang pa sa listahan ng mga hindi pa nakakabuo sina Tequila at Ysa, Moonshine at Yue. Marami pa daw inaasikaso ang mga ito. Pero si Wine at Vannesa may isang taon nang anak.

"Whiskey, akala ko ba ikaw ang dapat mauna na magkaanak?" tukso ni Rum kay Whiskey.

"Dapat nga pero ewan ko ba, mahirap magbuntis si Katrena. Regular namana ng session namin," ani Whiskey. Siniko ni Katrena ang tagiliran nito.

"Baka kasi hindi ka marunog mag-shoot," tudyo naman ni Brandy.

"Butas ang ring, eh," natatawang sabi ni Whiskey.

"Pati na rin ang iba diyan na wala pang positive result, ano pang hinihintay n'yo?" anunsiyo naman ni Wine sa mga wala pang anak.

"Baka next month, sure na," sagot naman ni Cordials.

"Ako, malapit na," si Cognac.

"Kayo, Tequila at Moon, anong balak n'yo?" ani Wine.

"Huwag muna natin silang asahan, mga wholesome mga 'yan," sabad naman ni Vodka.

"Hindi pa sila sawa sa paglalambingan muna," si Scotch.

"Naghihintay na lang kami ni Ysa ng positive result. Palaging mainit ang ulo, eh kaya baka positive na next week," sabi ni Tequila.

"Ako, hindi pa daw kasi handa si Yue. Naghihintay lang naman ako. Nililimitahan nga ako sa session namin," sagot naman ni Moonshine. Inirapan ito ni Yue.

"Makulit ka kasi, gusto mo palagi," ani Yue.

"Bata pa kasi si Moon kaya gusto mabilisan," sabad ni Rum.

Pero si Gin, walang pakialam sa topic, habang sinusubuan ng pagkain ang anak. Nakuha lang ang atensiyon nito nang sikuhin ito ni Ruma.

"Gin, baka gusto mong mag-share ng laway. Magdadalawa na ang anak mo tahimik ka pa rin," ani Rum.

"Huwag kang magulo, pinaplano ko pa kung paano namin buuin ni Cat ang pangatlo naming anak. Busy na kasi," ani Gin.

Nagtawanan ang lahat, samantalang si Cat ay nag-blush. "Honey, ah, kaya mas gusto kong tahimik ka, eh," sita ni Cat sa asawa.

"Pinipilit kasi nila akong magsalita," si Gin.

"Mahirap talaga kasama ang taong tahimik pero matinik," wika ni Sean.

Pagkatapos ng masayang kainan ay nagkaroon ng dance for all. Umikot na ang baso ng cocktail. Siyempre, ang mga bagong hire na bartenders ang naatasang magsilbi sa mga senior.

"We love liquor! We Love our wife!" sigaw ng isang dosenang buhay na alak.

Hindi na natapos ang kasiyahan. Pero mas masaya ang inyong lingkod dahil sa wakas naitawid niya ang buhay at kuwento ng pag-ibig ng isang dosenang buhay na mga alak.

Kasama sa kanyang tagumpay ang mga tumangkilik sa seryeng ito ng mga alak. Isang pasasalamat ang ipinapahatid niya sa lahat ng sumuporta at sa lahat na naging bahagi ng nobela. Hanggang sa muli!

Maraming salamat!

Bartenders Series 12, Wine (Complete)Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon