Kakatapos lang namin manuod ng sine kaya napagdesisyunan na naming umuwi.
" Gerprend salamat sa time a ? " sabi ni A sabay Smack sakin.
" WAAAAAA !! you two kissed ?!!!! " sigaw nung dalawang lalaki na sabay pang nakaturo samin.
Nagpout ako, " chinachansingan ako ni A e. "
" HAHAA !! CHANSING daw o !! " sabay akbay sakin, " kayo Boys, masanay na kayo samin. "
" Pfft. Hahaa ano ba yang itsura niyo ? " sabi ko sabay tawa namin ni A.
" e kase naman nagkiss kayo. Parehas kaya kayong babae !! " maktol ni Triston.
" mabuti nga yun e, kesa naman lalaki. At tsaka hello ?!! Friendship kiss lang yun no. Wag kayong malisyosa. " sabi sa kanila ni A.
Napatango naman si Triston, " sabagay nga naman. Hahaa "
" hoy Ced !! Di pa rin makaget over ? " tanong ni A at nagwave wave sa mukha ni Ced.
" ha.. Ha ?! Ee na..nabigla lang. " sabi niya at nag - iwas ng tingin.
Bigla siyang inakbayan ni Triston, " Ash kase, nagseselos si Boyprend ni Hyuna. Hahaa "
" aaay oo nga pala. Hahaa sowri !! " - A
Parehas naman napakunot ang noo namin ni Jeon, " pauso niyo. " sabi ko.
Nasa Parking Lot pala kami.
" H !! Kay Triston nga pala ako sasabay. Ikaw ba ? " tanong niya na nasa tapat na ng kotse ni Triston.
" Taxi na lang ako. " di naman kase ako makakasabay sa kanila gawa ng dalawa lang po yung upuan sa kotse ni Triston. Wala e, sports car :3
" sige ingat !! " sabi ni A na nagwewave at pumasok na sa kotse ni Triston.
Nagwave din ako sa kanila at nagsimula ng maglakad palabas ng Parking Lot.
" HOY SADAKO !! "
Aaaaaaargh !! Langya talagang impakto to, di pa pala nakakaalis.
" Hoy IMAPKTO !! SABING HYUNA ANG PANGALAN KO !! " sigaw ko sabay lingon sa kanya.
Kaso wrong move >< , nasa likuran ko pala siya kaya paglingon ko kanina, ayun !! Sobrang lapit ng mukha namin :3
Dug !! Dug dug !! Dug !! Dug dug !! Dug !!
Waaaaaaaa !! Ano ba to ?! Ano toooo ?! Halaaaaaaaa >< grabe na talaga ang epekto ng El Niño !! Waaaaaaaaa !!
Lumayo ako ng bahagya.
" ba..bakit ba ? " tanong ko.
" Sumakay ka na. " sabi niya at pumunta sa harap ng kotse niya.
" wag na. OK lang naman. " sabi ko at tumalikod na.
Grabe !! Pinagpapawisan pa rin ako ><
" WAAAAAAA !! IBABA MO KO !! WAAAAA !! " sigaw ko nang biglang may bumuhat sakin.
Hinampas hampas ko ang likod niya, " IBABA MO KONG IMPAKTO KA !! " sigaw ko.
Imbis na sumagot ay dirediretso lang siya sa kotse niya at binuksan yung pinto sa may Passenger's seat sabay pasok sakin.
Sinara niya agad ito at tumakbo papasok sa Driver's seat.
" HOY IMPAKTO !! SABI KO OK LANG DI BA ?! " sigaw ko sa kanya at bubuksan sana ang pinto nang bigla niyang ilock.
" ANO BA ?! " Sigaw ko.
" hoy wag ka ngang sumigaw !! Nakakarindi boses mo ha !! " sabi niya at pinaandar na ang makina ng kotse, " at tsaka wag ka ng maarte diyan, ikaw na nga ihahatid e. At di ba Fake Boyfriend mo ko ?! Ayaw ko namang masabihang hindi natupad sa simpleng Dare. "
Bigla ko na namang naramdaman ang epekto ng El Niño >< ang init JUSKO !!
Napukaw ang diwa ko ng sumigaw siya ng bahagya, " at Hoy !! Jeon Cedric sabi ang pangalan ko !! "
Nag'Cross arm lang ako at sumandal sa upuan ng kotse, " fine. Fine. Thanks JEON sa paghatid !! " sarkastiko kong sabi.
I heard his Chuckle kaya napangiti na lang din ako nang marinig yun. Ewan lang, nakakagaan kase sa pakiramdam ang ngisi at tawa niya ^^
" Sad-- este Hyuna pala. Yung about sa Dare, OK lang ba talaga sayo ? Well di naman ako umaangal, ang akin lang baka hindi ka maging kompor------ " pinutol ko na ang sasabihin niya.
" OK lang naman sakin Jeon. Tsaka dare lang yun, ang kinakatakot ko lang e' baka magkagulo na naman kami ni Alexa. " sabi ko sa kanya.
Kita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sakin, " don't worry. I won't let her hurt you again, i'll protect you as your Fake Boyfriend. " sabi niya at ngumiti.
Kyaaaaaaa !! Ang gwapo naman nito ><
" Sweet naman pakinggan non Fake Boyfriend. Hahaa " sabi ko at biglang tumawa.
" pero seryoso ako dun sad-- hyuna pala. " tiningnan ko siya, seryoso at mukha namang sincere siya." oo na. Oo na. Hahaa so pano bukas ? Official mag'fake boyfriend at girlfriend na tayo ? " tanong ko sa kanya.
" uh - hmmm. We need to act as a normal couple. " sabi niya.
Napangisi ako bigla.
" o bakit ? Nababaliw ka na ba kase magiging fake couple tayo ? Kinikilig ka no ? " asar niya.
Binatukan ko naman siya, " ulol !! Hahaa napangisi lang ako kase yung kinaiinisan ko ng sobra ay magiging Fake Boyfriend ko. Funny right ? Hahaa " sabi ko at tumawa.
Kinunutan naman ako nito ng noo kaya binelatan ko lang.
" dahil fake couple na tayo bukas, meron akong rules. " sabi ko at sumandal sa upuan ng kotse.
" what ?! Arte naman neto. Rules rules pang nalalaman. " sabi niya.
" wala kang paki basta may rules. Kasalanan mo kaya to, nagpatalo ka kase e. " sabi ko.
" oo na. Oo na. " pagsang - ayon niya.
Hiniram ko ang fone niya para irecord lahat ng Rules. Hahaa syempre patunay.
" Rule #1: No Physical Contact. ---- AAAAWW !! DAHAN DAHAN NAMAN !! " sigaw ko sa kanya. Pano ba naman biglang nagbreak.
" sorry. OK ka lang ba ? " tanong niya.
Tumango ako, ' bakit kase bigla kang nagpreno ? " tanong ko.
" kase naman, No physical contact. Pano natin mapapakita dun sa dalawa na couple na tayo, i mean fake couple ? " sabi niya.
" fine. Fine. Pwede holding hands at akbay. " sabi ko.
" yun lang ? " tanong niya na parang may hinihintay pang kasunod.
" oo. Bakit ? "
Umiling iling siya, " wala. Anong sunod na Rules ? "
" ahm. Ikaw naman magbigay para fair. " sabi ko.
" aaaaahhh. Kahit fake lang to, bawal ang manlalaki. Syempre bawal din ako mambabae" sabi niya.
Tumango naman ako, " Rule #3: no terms of endearment. "
" sure. Baduy kase yun. Hahaa " sabi niya at tumawa.
Hayan na naman yung tawa niya ^^
" OK. Ikaw sa rule number 4. " sabi ko.
" ahmm. Rule #4: No secrets. "
Halaaaa !! Pano na yan >< sasabihin ko ba ? Waaaa !! Hindi pwedee.
" pero kung may secret kang Private talaga, OK lang kung bawal sabihin. " wew !! Buti naman.
" Ok. Rule #5: No lies on their feelings. " sabi ko.
Tumango tango naman siya, " Rule #6: we must have a date at least once a week. "
" OK. And for Rule #7: Bawal mainlove. " nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya.
" O..osige. " pagsang - ayon niya.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa labas ng Condo ko.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Jeon, " thanks. " sabi ko.
Tiningala niya yung Condo, " aahm. Ang sosyal mo pala e. " sabi niya habang nakatingin pa rin sa Condo.
" sows. Di naman. Thanks pala sa paghatid. " sabi ko at pinat ang balikat niya, " umuwi ka na at gabi na. "
Tiningnan niya ako, " sige. Salamat din fake girlfriend. " sabay kindat.
Waaaaaaaaa !! Umiinit na naman ang paligid ><
Ngumiti ako, " ingat. " sabi ko at dali daling pumasok.
Bakit ba kase may ganung kaartehang effect kapag may ginagawa siyang kakaiba.
BINABASA MO ANG
When Truth Reveal ( feat. 1month Dare )
Teen FictionPaano kung ang isang Weird/Freak na binubully niyo ay isa pala sa pinakamayaman, pinakasikat at pinakahinahangaan niyo ay iisa ? Isang simpleng dalaga na itinatago ang tunay na katauhan para makaiwas sa gulo at sa fame. Ang babaeng makakatulong sa l...