Last subject na namin. Yun ay yung Major.
Dahil wala nun si A, binigyan siya ni Sir ng 1day para matapos yun at maibigay bukas.
Ako naman kinakabahan ><
Pinasa na kase yun kahapon, e di ba di ko natapos yun kase umalis agad ako.
" OK Class. May ilang hindi nakatapos kaya kailangan ko silang bigyan ng bagong gawain, at mas marami yun kesa kahapon. " sabi nito sabay tingin sa hawak niyang papel.
" hoy babae. Taeng tae ka diyan ? " bulong sakin ni A.
" di kase ako natapos kahapon. Kase nga pinuntahan kita di ba. " sabi ko.
Ngumisi siya, " hahaaha !! Buti nga, e di mas marami gagawin mo. Yeeeha !! " sabi niya sabay suntok sa ere.
Kaibigan ko ba talaga to ? -.-
" tse !! Ewan ko sayo. " sabi ko na lang at binaling ulit ang atensyon kay Sir.
" ito ang mga bibigyan ko ng new activity, Ms. Laceda, Mr. Rosales, Ms. Briones, Mr. Villena, Ms. Alarcos and Ms. Caringal. " - Sir
Hala ?! Bakit di ako natawag ? Alam ko talaga hindi ko natapos yun.
" o akala ko ba di ka natapos? " tanong ni A.
" ewan ko nga e. Alam ko talaga di ako natapos. " sabi ko naman.
" ay sayang !! " sabay cross arm at sandal sa upuan.
Napangisi ako bigla at binelatan siya, " nyenye. Hahaa "
Inirapan lang niya ako kaya tumingin na lang ako sa kabilang side.
Nakita ko si Impakto na nakaheadset at nakapikit.
Ahm baka naman siya ng nagtapos at nagpasa ?
Iuntog ko kaya sarili ko sa pader sa naisip kong yun ? Hahaaha naluluko na ata ako. Imposible kase yun.
* DISMISS *
Papalabas na sana kami nang makita ko si Impakto na nag - aayos ng gamit niya.
" uy A. Una ka na sa Cafeteria. May kakausapin lang ako. " sabi ko kay A.
Tumango siya at umalis na.
" hoy Impakto !! " sigaw ko.
Kunot noo siyang tumingin sakin, aba !! Buti alam niyang impakto siya.
" ako ba tinawag mo ? " poker face niyang tanong.
Nag'cross arm ako, " tayo lang kayang tao dito. Malamang ikaw !! "
Sinakbit niya ng Bag niya, " akala ko kase kausap mo sarili mo !! "Sabi niya at lumapit sakin, " bakit ba ? At tsaka hoy !! Jeon Cedrick pangalan ko !! "
" what ever !! " sabay layo ng konte, masyado kase siyang malapit.
" pinasa mo ba yung----- " di na natapos sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
" hindi. At wala akong alam diyan sa Papel mo !! " sabi niya at agad lumabas ng room.
OK ? Ang wierd non. Pero bakit alam niyang yung ang itatanong ko ?
Nag'shrug ako at umalis na.
Agad akong dumiretso sa Cafeteria at naabutan dun sina A at Triston na nakaupo na at kumakain.
" ehem !! " sabi ko sabay upo sa tabi ni A.
" o H. Ang tagal mo naman. Kumain na kami kase nagutom na ako, ayan na pagkain mo o. " dirediretso niyang sabi.
Umupo lang ako at kumain na.
Nag'thank you si Triston sakin dahil daw sa pagbigay ko ng Gift. Ipapakita ko sana yung Video kaso, tsaka na lang. Hahaaha baka makita ni A, alam kong ipapabura niya yun.
BINABASA MO ANG
When Truth Reveal ( feat. 1month Dare )
Fiksi RemajaPaano kung ang isang Weird/Freak na binubully niyo ay isa pala sa pinakamayaman, pinakasikat at pinakahinahangaan niyo ay iisa ? Isang simpleng dalaga na itinatago ang tunay na katauhan para makaiwas sa gulo at sa fame. Ang babaeng makakatulong sa l...