Agad natapos ang Modeling namin kaya maaga din akong nakauwi sa Condo.
Nagpalit na ako ng komportableng damit pambahay. Sando at boxers lang. Hahaaha trip ko lang.
Biglang nag'ring ang Cellphone ko.
Incoming Call: Gerprend A <3
Convo :
A: Oy babae asan ka ? Tara sa School !! May event. Daliiiii !!
Ako: ha ? Ang tanghaling tapat naman A e. Tinatamad ako.
A: Tsk. Sige OK lang. Dito na lang ako sa labas ng Gate. Maya maya pa naman ako aalis dito kaya OK lang kung di ka makakapunta.
Tooooot !! Tooooo !! Tooooot !!
Yung totoo ? Hahaaha XDD
Dahil mabuti akong kaibigan ay nag - ayos agad ako para puntahan siya.
Simpleng faded blue Jeans at pure white V-neck tapos Red Vans shoes. PERFECT !!
Ay wait. Yung bangs ko pala. Hahaa
Dali dali akong lumabas at tinakbo na papuntang School.
Nakita ko siya sa may Gate na nakasandal at nakatalikod sa direksyon ko.
Agad akong lumapit at binatukan siya.
" araaaa---- H !!!!! " sigaw niya at nagtatalon habang nakahawak pa rin sa ulo niyang binatukan ko.
Nag'cross arm ako, " anong drama mo babae ? "
Imbis na sagutin ang tanong ko e' hinila niya agad ako papasok sa School. Aba !! Hanep ><
Bigla kaming tumigil. Tatanungin ko sana kung bakit pero bigla siyang sumigaw at pinaghahampas ako.
" KYAAAAA !! i forgot to tell you !! Nayakap,nakiss at nakapagpapirma pa ako kay AZ !! Waaaaaaaa !! " sigaw niya.
Ganito ba to kapag sobrang saya ? Nanghahampas talaga ? -.-
' ang swerte niya naman. '' waaa !! Gusto ko rin makita si AZ '
' oo nga. Nakakainggit. '
Narinig kong bulungan ng mga tao sa paligid.
" sana nandun ka H !! OMGEEEE TALAGA !! " tumalon talon siya at pumalakpak na parang bata.
Hinila ko na siya at nakakahiya na kaya. Pinagtitinginan na kami.
" dadalhin ko bukas yung Scraptbook para mapatunayan ko sayo. " sabi nito.
" oo na. Oo na. " binitawan ko na ang kamay niya, " ano bang gagawin natin dito ? "
Tinaas niya ng dalawang kamay niya, " e di magsasaya !! " sigaw niya sabay hawak sa kamay ko at kinaladkad papunta sa mga booth.
Oo kinaladkad talaga ako. At ang sakit non :<
" ang brutal mo Gerprend. " maktol ko nang makarating kami sa mga booth.
Imbis na sagutin ako ay tumakbo siya sa Ice Cream booth kaya umupo na lang ako.
Binigay sakin ni A yung isang Cone ng Melon flavor na Ice Cream. Ahmmmm my favorite ^^
Alam niyo yung ang sarap sarap ng pagnamnam mo sa Ice Cream mo nang biglang may sumipa sa inuupuan mo kaya napabagsak ka sa lupa ? Alam niyo yon ? Ang PUTA di ba ?!!!
" H!! ' sigaw ni A at agad akong tinulungan patayo.
" langya ka Alexa !! " sigaw ni A at sinugod si Alexa.
Humarang naman ang mga Aleporas ni Alexa.
" ano Ashleen ? Lalaban ka na ? " ngiting demonyong tanong ni Alexa.
" tumigil ka na Alexa. Wala naman siyang ginagawa sayo !! " sigaw naman ni A.
" a ganon ha ?! Gusto mo ibulgar ko sekreto mo ? " pananakot ni Alexa.
I looked at A. She looks scared and nervous.
" ano di ka makapagsalita ? Ha !! Weak !! " dinuro duro niya si A kaya hinawakan ko si A at tinago sa likod ko.
" at ikaw impaktang sadako, lalaban ka na rin ha ?! " sigaw niya sakin at tinulak ako nang bahagya.
" ayaw namin ng gulo pwede ? " sabi ko at tinalikuran siya.
Bago pa kami makalayo ay may bumato sa likod ko.
Nilingon ko to at nakita si Impakto na katabi ng Girlfriend niyang Clown.
" duwag ka pala e JOKER !! " sarkastiko niyang sabi.
Hinarap ko siya, " hindi ako duwag na katulad niyo. Ganito ako katapang para iwasan ang mga bagay na pwedeng makasira sa buhay ko. Hindi katulad niyo na mahihina, na mas hinahayaan masira ang buhay. " sabi ko sabay talikod at lakad.
" OUCH !! " angal ko nang biglang may humablot ng buhok ko.
" anong mahinang sinasabi mo ha ?! Ang yabang mong impakta ka !! " patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa buhok ko.
" tama na Alexa !! " pagpipigil ni A sa pagsabunot sakin ni Alexa.
Binitawan ni Alexa ang buhok ko at ngumisi.
" EVERYONE !! " sigaw ni impakto kaya naagaw ang atensyon ng lahat at nabaling samin.
" DID YOU KNOW NA SI ASHLEEN O. CHUI AY ISANG AMPON SA PAMILYA NIYA ? DAHIL YUNG PEKENG MGA MAGULANG NIYA AY MGA BAOG KAYA INAMPOM NILA ANG BATANG INABANDO NG SARILI NIYANG MGA MAGULANG. " sigaw niya sa buong School.
Kinalas ni A ang kamay niya sa pagkakahawak ko at umiiyak na tumakbo palayo.
Kumuyom ang kamao ko at hinarap ulit ang lalaking gago.
" HAHAHA !! NAKAKAAWA SIYA DI----" di na siya natapos sa pagsigaw niya nang bigla ko siyang sampalin ng malakas.
" wala kang karapatan sampalin ang boyfriend ko !! " sigaw ni Alex at sasampalin sana ako nang mapigilan ko ito.
" wala kayong karapatang sabihin yun sa kanya !! " sigaw ko sa kanila.
" at bakit ? E sa gusto ko sabihin e. Pakialamera kase siya. " nakangiting demonyong sabi ni Impakto.
" dahil hindi siya tulad niyong walang pakiramdam !! " dinuro ko si Impakto, " tandaan mo to !! Hindi man siya tunay na anak ng mga magulang niya ngayon, at least itinuturing nila siyang tunay nilang anak at nagmamahalan silang buong pamilya. Kesa sa inyo !! Hindi nga kayo ampon, pero inaalagaan at minamahal ba kayo ng mga magulang niyong mas pinpahalagahan ang pera kesa sa sarili nilang mga anak ?! "
Hindi sila makaimik. Walang nagsasalita. So totoo nga ?
Ngumisi ako, " sabi na ng ba e. Kaya ganan yang mga ugali niyo kase hindi kayo naalagaan at nabantayan ng ayos ng mga magulang niyo. Kaya mahihina kayo at binabaling sa iba ang atensyong di maibigay ng mga magulang niyo sa inyon !! " sigaw ko sila bago sila iwan.
Agad akong tumakbo at hinanap si A. Tinawagan ko na rin ang fone niya pero di siya sumasagot.
Haaaaaayst :(
BINABASA MO ANG
When Truth Reveal ( feat. 1month Dare )
Fiksi RemajaPaano kung ang isang Weird/Freak na binubully niyo ay isa pala sa pinakamayaman, pinakasikat at pinakahinahangaan niyo ay iisa ? Isang simpleng dalaga na itinatago ang tunay na katauhan para makaiwas sa gulo at sa fame. Ang babaeng makakatulong sa l...