Agang aga napaluwa ang mata ko ><
Pano ba naman pagkalabas ko ng Condo e' bumungad sakin si Jeon.
" bakit ka napadpad dito ? " tanong ko.
Nag - iwas siya ng tingin, " para sunduin ka fa..fake girlfriend. Di ba nga we need to act as a normal co..couple. " sabi niya.
Nag'shrug lang ako at hinawakan siya sa kamay sabay hila, " fine. Tara na, malelate na tayo. "
Napalingon ako ng hindi manlang siya gumalaw sa tayo niya, nakatitig lang siya sa kamay namin --------- WAAAAA !! BAKIT HINAWAKAN KO KAMAY NETU ><
Agad kong kinalas ang pagkakahawak ko at nag - iwas ng tingin. Shet !! Agang aga napakainit. Letse talagang Global Warming na yan. Naku naku !!
Dumiretso na ako sa kotse niya at pumasok kaagad.
Ilang segundo ang nakalipas ay hindi pa rin siya pumapasok kaya binuksan ko yung bintana.
Ay ang impakto nakatulala -.-
" HOY JEON !! TARA NA !! Malelate na tayo e. " sigaw ko sa kanya na dahilan para mapakilos at mapapasok agad siya sa kotse.
" Kung makasigaw ka namang babae ka. " sabi niya at agad pinaandar ang kotse.
" e ikaw e. Nakatulala ka pa dun, para kang timang. " sabi ko at sumandal sa upuan ng kotse.
Ilang minuto lang kami bumyahe tutal malapit lang din naman yung School e.
Nagpark na kami sa bakanteng area at agad bumaba sa kotse kase 5mins. Late na po kami ><
" ang bagal mong kumilos na impakto ka !! " inis kong sabi at hinablot ang Bag sa loob ng kotse.
" hoy at ba't ako ang may kasalanan ha ?! At HOY !! JEON CEDRIC sabi ang pangalan ko !! " sigaw niya sakin.
" WHATEVER !! BILISAN MO NA NGA !! " Sigaw ko rin at lumakad na.
At dahil sabay kaming naglalakad sa may Hallway ay sa malamang lamang, pinagtitinginan at pinagbubulungan na kami ><
" Ced. "
Uh - oh !! I think it's Alexa the wicked witch XDD
At dahil ayaw ko ng gulo ay lakad takbo kong tinahak ( lalem XD ) ang papunta sa Room.
Pagkadating ko sa Room, napahinga naman ako ng maluwag. Hahaa wala po kase si Ma'am, may pinapagawa lang siyang Activity.
" HHHHHHH !! " bungad na sigaw sakin ni A.
" hoy babae. Makasigaw ka parang tagal nating di nagkita a. " sabi ko dito at agad na umupo sa tabi niya.
" wala laaaaang. " tinaas baba niya at ngumiti na di kita ang mata.
" o ano na namang iniisip mo diyan. " kapag ganan kase yan, may gusto yang sabihin o itanong na ayaw ko pag - usapan.
Inilapit niya ang mukha niya sakin tapos nangalumbaba sa desk ko, siguro mga 3inches na lang pagitan ng mukha namin.
Ngumiti ulit siya ng nakakaloko, " where's your Boyfriend ? " she said with a teasing tone.
Nagpout lang ako sabay headbut sa kanya.
" aaaaaw naman H !! " angal niya.
" makaangal ka. Hindi lang ikaw ang nasaktan !! Pati ako !! " sabi ko at umacting na parang sumasakit ang puso.
Kinuyom niya ang kamay niya, " hindi ka masasaktan,kung hindi mo ko sinaktan !! " sabi niya with matching teary eye.
" OUCH !!! " angal namin nang bigla kaming pag - untugin ni A.
Nilingon namin to at nakita ang nakangiting si Jeon Impakto -.-
" langya ka !! Masakit yun ha !! " sabi ni A at pinaghahampas si Jeon.
Imbis mainis ay tumawa pa to , " para kase kayong mga baliw. Hahaa "
Tiningnan ko si A at nginitian sabay nguso ko sa ulo ni Jeon.
" 1...2....3 !!!! BOOOOOOM !! "
Anyare ? E di parehaspo naming inuntog si Jeon XDD
" ARAAAAY !! " angal nito at napahawak sa ulo niya.
Parehas naming inilagay ni A ang kamay namin saming puso sabay sabi ng " hindi lang ikaw ang nasaktan !! "
Magsasalita pa sana siya ng biglang sumigaw si President " Hoy kayong tatlo. Wag kayong maingay diyan ss likod !! "
BINABASA MO ANG
When Truth Reveal ( feat. 1month Dare )
Teen FictionPaano kung ang isang Weird/Freak na binubully niyo ay isa pala sa pinakamayaman, pinakasikat at pinakahinahangaan niyo ay iisa ? Isang simpleng dalaga na itinatago ang tunay na katauhan para makaiwas sa gulo at sa fame. Ang babaeng makakatulong sa l...