Chapter 5

11.1K 228 1
                                    

  "Slow wake up." yugyog ni Lance kay Lyka. Ang himbing ng tulog nito mukha itong Angel habang natutulog, pinagmamasdan niya itong maigi, simula ng makita niya ito noong high school sila ay may paghanga na siya sa dalaga. Pero mas pinili ng binata ang maging magkaibigan sila kisa sa ligawan ito, they become friends, bestfriends, Slow ang tawag niya sa dalaga hindi dahil bobo ito kundi masyado itong Slow sa pinapakita at pinaparamdam niya sa dalaga. Yeah he admit he want's more than friend with Lyka, noong nasa College na sila ,nagbabalak sana siyang ligawan ang dalaga pero hindi iyon natuloy dahil lumipat sila sa Manila.

"Slow where here," sabay pisil nito sa tungki ng ilong ng kaibigan. Naalimpungatan naman ang dalaga.

"L-Lance." Sabay kusot nito sa kanyang mga mata. Napangiti naman ang binata sa kanya.

"Andito na tayo sleeping beauty ang sarap ng tulog mo ah, with matching tulo laway pa." Sabay tawa ng malakas ng binata. Hinampas naman ito ni Lyka sabay simangot.

"Oh I forgot to ask Cherryl kung saan ako susunduin ng kaibigan niya, may pinakuha kasi akong maliit na apartment para sa akin."

"No need. You stay with me, I mean in my condo, ikaw ang titira doon ako naman doon kina lola titira." Napakunot noo naman ang dalaga.

"No! I'm sorry Lance but I can't accept your offer I will stay in my apartment that's final ayaw ko ng may maraming nadadamay dahil sa pagtakas ko kay Daddy." Napabuntong hininga naman ang binata.

"Hmmp. Okay I don't insist but you stay here for a night okay, bukas na kita ihahatid sa apartment mo." Napatango naman ang dalaga.

"So halika na." Sabay lahad nito ng palad sa dalaga. Hindi naman iyon tinanggihan ni Lyka.

Bumaba na sila sa Private plane ng mga Ariola.

"We eat first before we go to my condo, baka kasi nagugutom kana." Nakangiti na sabi ng binata.

May naghihintay na isang Red Porche sport car sa kanila.

"Wow ang cute."sabi ni Lyka namangha siya sa sasakyan.

"Iyan ba?" sabay turo nito sa sasakyan. Tumango naman ang dalaga bilang pagtugon dito. "Actually this is not mine, sa pinsan ko ito, kahit iyong private plane na sinakyan natin sa kanya iyon." Napanganga naman si Ashley.

"Pinsan mo ba iyong kanina?" tanong ng dalaga habang sumusunod sa likod ng binata.

"Yup. pero hindi siya ang tinutukoy kung pinsan. Nasa Spain iyong pinsan ko na nagmamay-ari ng Private plane na ginamit natin at ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko ngayon."

Pinagbuksan siya ng binata ng pintuan para makapasok na siya sa sasakyan. Nang makapasok na ito ay ipinagpatuloy niya ang pagkukwento kay Lyka.

"Siya ang nag mamay-ari ng 3/4 ng Ariola Group of Company and Ariola Construction and Development Establishment, iyong ibang percent kay lola na iyon. Iba kasi ang tinahak na bussiness ni Dad. But when Uncle pass away last year nakiusap sina Lola at Daddy sa akin pansamantala ako muna mamahala ng Business ng pinsan ko, I can't refuse it lalo na si Lola ang may hiling nito." Kwento ng binata sa dalaga habang nag dadrive ito.

"Ilang taon na ba ang pinsan mo." Tanong ni Lyka kay Lance pansamantala niya munang kinalimutan ang problema.

Tumawa muna ng mahina si Lance bago nagsalita. "His already 25 years old, pero wala atang balak pamahalaan ang negosyo nila. Isa lang ang pangarap no'n, to be a famous Car Racer, when Tito still alive lahat ng luho niya binibigay, sabagay bakit naman hindi diba? his only son, kaya ito?" sabay tingin sa kabuuan ng kotse . "Junk niya lang ito, isa sa mga collection niya, pero binigay niya ito sa akin noong last na uwi niya. We're close hindi lang kami magpinsan magkaibigan din, pero iba siya, iba naman ako. He want's to be a Famous ako naman ay ang simpleng buhay lang." Natuwa naman si Lyka sa narinig sa kaibigan. Two years ang gap ng edad nila ni Lance, nagkakilala sila noon nong first high school siya naging partner niya ito sa isang dance contest para sa iba't ibang school.

Humantong sila ni Lance sa isang Italian Restaurant.

Lance hold her hands, going inside the Resto. She felt something pero ayaw niyang ipahalata iyon sa binata, they are friends, bestfriends aaminin niya may gusto na siya sa binata simula ng makilala niya ito, mabait ito, may sense of humor kausap, at nasa kanya na ang katangian na hinahanap niya sa lalaki, pareho sila ng gusto ng binata mamuhay ng simple at mapayapa.

Sinalubong sila ng isang waitress.

"Good evening Ma'am, Sir." Nakangiting bati ng babae.

"Table for two please." Sabi naman ng binata, dinala naman sila ng waitress sa pangdalawahang lamesa. Hinila ni Lance ang isang upuan para makaupo si Lyka.

"Mag-order kana, I just want to go in wash room." Nakangiting sabi nito sa dalaga.

Mga ilang minuto pa ay bumalik na ang binata.

"Ano na ang order mo?" tanong ng binata sa dalaga.

"One beef stick, vegetable and drink." Napakunot noo naman si Lance.

"Seriously nabubusog kaba sa kinakain mo? You need to eat rice Slow para magkalaman ka naman." Tinawag ni Lance ang isang waitress. Nag-order na ito. Mga ilang minuto lang ay dumating na ang order nila.

"Wahh..! Lance we just only two, tapos ito ang order mo? pangsampung tao na? You've wasting your money Lance kunti lang ang kinakain ko." Pagrereklamo ng dalaga. Napatawa naman ang binata.

"You should eat a lot of food Slow, para may resistensiya ka sa trabaho mo bukas." Napatingin naman si Lyka sa kanya.

"What do you mean?"

"Ang Slow talaga." Sabay subo ng pagkain niya.

"Bibigyan kita ng work bukas kana mag-uumpisa."

"Agad-agad? wala ng resume, interview or what?" Balak naman talaga ng dalaga ang maghanap ng trabaho pero hindi niya inaasahan na agad-agad may trabaho na siya, neh hindi pa nga siya naabutan ng 24 hours sa Manila.

Natawa naman si Lance sa reaction nito.

"Okay, okay. Nabigla ata kita, sige pahinga ka muna bukas, sa next day kana magsisimula ng work mo." Sabay subo nito ulit ng pagkain.

" Then you need to chance your look para maiwasan natin na may makakilala sayo, you know your father very well, madaming koneksyon iyon." May punto nga naman si Lance.

"Hindi ba nakakahiya na bigla nalang akong susulpot sa kumpanya ninyo with out papers?" Dala-dala niya naman ang mga importanteng papers niya.

"No need I will talk to grandma, about your situation para naman alam niya. Actually sa kanya ka mag wowork."

"What?!" Bulalas ulit ng dalaga. " Hindi ba nakakahiya wala pa akong experience sa work." Nababahalang tanong ng dalaga.

"I know you very well Slow, matalino ka and I heared cumlaude ka daw, magiging asset ka ng kumpanya, so please don't refuse my offer. At isa pa mas okay kung kay lola ka mag tatrabaho para may proteksyon ka, para hindi ka basta basta matunton ng Daddy mo."

"I don't refuse the job that you offer for me, nababahala lang ako baka hindi ko kaya ang work I mean I'm still a newly grad. no experience alam mo naman si Daddy bahay and school lang ako. Yeah maybe I am the top 1 in our class pero hanggan doon lang ako, wala pa akong kaalam-alam." Naiiling naman si Lance sa kanya.

"Oh come on Slow, I know you can. Don't under-estimite yourself. Just be yourself, fucos on your job okay. Wala naman kasi iyan sa haba ng experienced eh, ang mahalaga disidido kang matuto at mahal mo ang magiging trabaho mo." Napabuntong hininga nalang ang dalaga. Medyo natatakot kasi siya kasi first time niyang magtrabaho.

"Eat." Sabay lagay ni Lance ng mga pagkain sa plato nito.

Natapos ang hapunan nila, napagdesisyunan nilang dumeritso na sa condo ng binata.

Nang nasa loob na sila ng condo nito ay may naalala ang dalaga.

"Lance." tawag nito sa kaibigan.

"Yes?"

"I forgot to tell you wala akong mga gamit."

"Oh iyon ba, no problem may mga damit naman si Airene diyan hiramin mo nalang muna, sigurado ako may mga extra clothes din siya diyan na di pa nagagamit. You can use it." Ang tinutukoy nito ay ang kapatid niyang babae.

"Thank you."

"Your welcome sige na, you can take a bath if you want, gamitin mo ang kwartong nasa kaliwa diyan din natutulog si Airene pag gustong tumambay dito, feel at home Slow, maliligo din ako." Napatango naman ang dalaga.

Habang naliligo ang dalaga ay naalala niya ang kaibigan nito. Hindi pa pala sila nakakapag-usap. Dali-dali siyang naligo at nagbihis para matawagan na nito ang kaibigan.

Agad niyang hinanap ang cellphone niya. Pero laking dismaya niya ng maalalang naiwan pala iyon sa bag na dala-dala niya kanina. Lumabas siya ng kwarto para makitawag kay Lance. Sakto namang palabas din ang binata sa kwarto nito.

"Magka size lang pala kayo ni Airene." Napangiti naman ang dalaga.

"You want some drinks?"

"Tanong ng binata habang pababa ng hagdan.

"No need, I just want to ask a favor."

"Yah, sure ano iyon?"

"Pwede pahiram ng phone mo naiwan ko kasi ang cellphone ko tatawagan ko lang si Cherryl." Lumalikod naman ang binata at kinuha ang cellphone niya sa lamesa.

"Here." Abot nito sa dalaga. Agad naman nitong tinawagan ang kaibigan.

Isang ring lang ang ay agad na may sumagot sa kabilang linya.

"Hello."

"Chox kamusta diyan?"

"May God buti naman tumawag ka. Kanina pa kita kinukontak."

"I'm sorry naiwan ko kasi ang cellphone ko, nakihiram lang ako kay Lance ng phone para matawagan ka. Kamusta? Pumunta ba si Daddy sa inyo?" sunod-sunod na tanong ni Lyka.

"What do you expect, chox syempre pinuntahan ako sa bahay, buti nga lang naniwala na wala akong kaalam-alam, kung hindi pa kami nag sinungaling ng mayabang na pinsan ni Lance hindi pa maniniwala."

"Hmmp. mukhang kumukulo talaga ang dugo mo sa kanya ah." Natatawang sabi ng dalaga.

"My God sobrang yabang kasi akala mo naman kagwapuhan. Tsk." Napatawa nalang si Lyka sa kabilang linya.

"Wala bang ibang balita Chox." Tumahimik naman ang kaibigan sa kabilang linya.

"Chox? may nangyari ba?" Nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang kaibigan niya.

"Magkukuwento ako sayo pagnakabalik na ako ng Manila sa susunod na araw, just take care yourself Chox, pinili mo yang pagtakas kay Daddy mo panindigan mo huh!" makahulugang sabi ng kaibigan nito.

"I will chox." Nababahala na sabi ni Lyka, parang bigla siyang kinabahan sa sinabi ng kaibigan. Tinapos na ni Lyka ang pag-uusap nila ng kanyang kaibigan.

"Problem?" tanong ni Lance sa kanya, she just shrugged her shoulder bilang sagot sa kaibigan.

"Do you want to sleep now? o gusto mo munang makipagkwentuhan?"

Umupo naman si Lyka sa sofa ng binata.

"Paano mo kayo nagkita ni Cherryl?" Pagsisimula ng dalaga sa usapan nila.

"May ganon agad? hindi mo ba ako kakamustahin sa ilang taon nating hindi pagkikita?" pagbibiro ng binata sa dalaga. Napatawa naman si Lyka.

"Oh sige na nga how are you Lance? sa mga panahong hindi tayo nagkita kamusta ka?" natatawang tanong ng dalaga para lang silang baliw na dalawa.

"Napipilitan ka lang naman ata eh." Kunwaring tampo naman ng binata.

"Tse. nothing change immature ka parin Lance." Mas lalong napalabi ang binata.

Nagkwentuhan silang dalawa hanggang mapansin nila ang oras na maghahating gabi na pala.

"Napasarap ang kwentuhan natin di natin namalayan ang oras." Pansin ni Lance.

"Kaya nga eh. Baka may trabaho kapa bukas matulog na tayo." Yaya ng dalaga sa binata.

"Sige para makapagpahinga kana rin." Kanya kanya na silang pumasok sa kwarto.

...............

"Henry wala parin bang balita sa anak ko?" nag-aalalang tanong ng Ama ni Lyka sa tauhan niya.

"Sorry boss wala parin eh. So I suggest makipagcoordanate tayo sa iba nating grupo, baka sakaling matulungan nila tayo."

"I was planning to do that, bahala na kung ano ang magiging resulta, hihintayin nalang natin matapos ang 24 hours bago tayo makipag-usap sa kanila."

"Okay boss babalitaan nalang kita kung saka-sakaling may impormasyon akong matatanggap, you should rest first." Suhesyon ni Henry sa kanya.

"Did I love her too much? para masakal na siya sa pagmamahal ko sa kanya?" biglang tanong ng Ama ni Lyka kay Henry.

"Wala pa naman tayong exact information boss, dalawa lang ang kasi ang possible sa nangyari, una ay tumakas siya dahil sa nalaman niya ang mga illegal na kinasasangkutan mo, actually boss we cannot blame her kung iyon ang magiging reaction niya. If ever na tumakas nga siya. So much better we need to give her time para makapag-isip siya ng maayos, at ang pangalawa sa dami ng nakabangga mo, at naapakang tao, pati narin ang mga kalaban mo sa kabilang partido, possibling na kidnap o kinuha nila si Lyka."

Napaisip naman ang Ama ni Lyka. Bigla itong kinabahan.

"Hindi ko gustong iisipin iyong pangalawa, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung madadamay si Lyka."

"Possible na mangyayari iyong pangalawa boss. Lalo na na walang bakas kung sino ang nagtatago sa kanya. We already checked sa mga possible na puntahan o sakyan ni Ms. Lyka pero wala kaming may nakuhang impormasyon."

"Sa Airport na check mo rin ba?"

"Yes boss pero walang pasahero na Lyka Sandoval doon, we checked also the CCTV footage pero wala talaga, so ibig sabihin Ms. Laika is still here, may natatago lang sa kanya."

"Possible nga." Sagot naman ng Ama ni Lyka na nababahal narin.

...............

"Bro kinukulit talaga ako ng Cindy na iyon, pagbigyan mo na, total naman uuwi kana ng Pilipinas sa susunod na buwan." Siya kasi ang kinukulit ni Cindy kaya naiirita na si Jomar.

"What she wants?" baliwalang tanong ni Wesly sa kaibigan nito.

"I don't know maybe s*x." sabay kibit-balikat sa kaibigan.

Napailing naman si Wesley. "If that what she want's I'll give to her." Nakangising sabi ng binata.  

MY STUPID BOSS by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon