Chapter 30

10.1K 203 1
                                    

  KINAKABAHAN si Wesley sa maaring mangyari, hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na may babaing kayang manakit dahil lang sa kanya . Oo sanay siya sa mga babaing naghahabol sa kanya pero hindi niya lubos maisip na may babaing kagaya ni Cindy. Sa kabilang banda sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyayari ngayon, Marahil ito na ang resulta sa mga ginawa niyang paglalaro sa mga babaing naging parti ng buhay niya. "If I could turn back the time.'' Bulong niya sa kanyang sarili, sana hindi niya nalang pinatulan noon si Cindy marahil walang ganitong pangyayari, okay na sana ang lahat para sa kanila ni Lyka. Pero sadyang pinapahirapan pa siya ng tadhana para siguro marealized niya ang mga bagay na ginawa niya noon na mga mali.

''Anak be ready, maghintay ka ng instruction sa'yo ni Gov. We need to cooperate with him para makuha natin si Lyka ng maayos at ligtas.'' kausap ni Alex sa binata.

" Yes Pa, I will.'' maikling tugon ng binata sa Ama. Sabay na taimtim na nalangin para sa kaligtasan ng lahat lalo na si Lyka.

"She don't deserved all of this, kaya kung ano man ang mangyari sa kanya habang buhay kong sisihin ang sarili ko." Kausap nito sa kaibigan niya na katabi ngayon.

"Everything will be fine bro, just pray for it." wika ng kaibigan ni Wesley.

"Sana nga ." bigla naman nagsalita ang ama ng binata na pinapaready na siya para sumunod kay Gov. Dela Vera.

"Anak sumunod kana kay Gov. Dela Vera." Wika ni Alex sa anak. Agad naman na bumababa ang binata para sumunod kay Gov. Dela Vera.

Bago bumaba ang binata ay tinapik naman ito ng kanyang kaibigan. "Don't worry naka back-up kami anytime bro." tumango naman ang binata bilang tugon sa kaibigan nito bago bumaba.

Habang naglalakad siya ay hindi niya alam ang mararamdaman iniisip niya kung ano ang maaring sitwasyon nang dalaga, at maaaring reaksiyon niya kapag makita si Cindy.

''There you are!'' biglang narinig ng binata, na nawawala sa sarili dahil sa lalim nang iniisip nito.

"See I told you anak andito siya." Sabay lapit ng Gov. sa binata at binulungan ito. "Makisabay ka lang Hijo para mailabas si Lyka nang matiwasay at walang masasaktan." Tumango naman ang binata.

Lumapit naman si Cindy sa dalawa. "Hindi ko alam na close pala kayo ni Dad?'' tanong nito habang unti-unti nitong nilalapit ang mukha sa binata, bigla namang iniwas nang binata ang ulo niya. "Where's Lyka?'' tanong nang binata.

"Masyado ka namang hot lover boy, don't worry makikita mo din ang babaing iyon.''

''Anak total andito na naman si Wesley maari mo na sigurong pakawalan si Lyka.'' Tiningnan naman ng masama ni Cindy ang kanyang Ama.

"Ohh, come on Dad, if I know gusto mo rin makaganti sa Ama nang babaing iyan." Sabay tawa nito nang malakas.

"Pero anak kailangan mo nang pakawalan si Lyka bago pa malaman nang Ama niya na nawawala ang anak niya,Alam mo naman kung gaano kalakas ang connection ni Alex Sandoval. Paliwanag ng Ama nito sa anak niya.

Mas lalo namang tumawa ng malakas si Cindy, sabay lapit nito sa Ama. "Hindi ko alam na ganyan ka pala katakot sa isang Alex Sandoval Dad? Para sabihin ko sa'yo bago pa man makalapit ang mga sinasabi mong connection ng Alex Sandoval na iyan ay wala na ang babaing haharang sa aming pagmamahalan ni Wesley." Sabay tawa nito ng malakas na animo'y nawawalan na nang bait.

Napailing naman si Wesley sa naririnig halos gusto nitong pilipitin sa liig si Cindy dahil sa mga binibitawan nitong salita. Nang nakatalikod si Cindy ay dali-dali namang kinalabit ng Gov. si Wesley, para palalahanan ito sa maaari niyang gawin.

''Cindy can I talk with you?'' malumanay na wika ng binata para madali nito makuha ang atensyon ng dalaga.

Napalingon naman bigla si Cindy habang hinihithit ang hawak nitong bagong sinding sigarilyo bigla naman itobng napataas ng kilay habang binubuga ang usok ng kanyang sigarilyo.

"Go ahead.'' wika nito habang palapit ng palapit sa binata. ''Did you already realized that........," She paused for a while sabay buga ulit ng usok sa mukha ni Wesley. "'That I am the one who deserved for your love?"' wala ng inaksayang sandali si Wesley he eager to see Lyka kaya naman hinantad na nito ang gusto niyang sabihin kay Cindy.

"I will choose you, pero sa isang condition pakawalan mo si Lyka ng matiwasay, at magiging iyo ako."Tuloy-tuloy na sabi ng binata.

Tumawa naman ng malakas si Cindy, at tumayo ito ng tuwid, habang ang Ama nito ay nakamasid lang sa kanya, waring pinag-aaralan ang galaw ng Anak
"How can I be sure na sasama ka sa akin pagpinakawalan ko ang babaing iyon?" tanong nito na makikita ang excitement sa kanyang mga mata.

"Hindi kaba na niniwala sa akin? You know my attitude if I said, I will said." Dahil sa sinabi ni Wesley agad namang tinawag ni Cindy ang isa sa mga tauhan nito.

Maya-maya lang ay akay-akay na ng dalawang lalaki si Lyka. Nagsalubong ang mga mata nila ng binata, tila may mga sariling utak ang mga mata nila na nag uusap at nagkakaintindihan.

Agad naman napansin iyon ni Cindy kaya agad nitong nilapitan si Lyka at kinaladkad. "ARAY!!!" Sigaw ni Lyka dahil sa sakit na kanyang nararamdaman dahil sa pagkakaladkad ni Cindy bigla naman napalapit ang ama ni Cindy sa gawi nito para pigilan ang ginagawa ni Cindy kay Lyka habang si Wesley naman ay nanggigil na tumakbo kay Cindy at hinadlot nito ang kamay ni Cindy na hawak hawak ang buhok ni Lyka. "Stop it.......!" Malakas na sigaw nang binata. Naikinalingon ni Cindy, kaya naman agad nitong kinuha ang baril nang isa sa kanyang mga tauhan at tinutok nito sa sentido ni Lyka.

"Anak please, don't!" Takot na sigaw ng Ama ni Cindy. "Please baby, we can talk this nicely 'wag sa ganitong paraan." Malumanay na wika ng Ama ni Cindy.

"Talk nicely? Dad what is that?! Kalukuhan, simula pagkabata ko lahat ng gusto ko nakukuha ko, pinalaki niyo ako sa luho, lahat ng gusto ko nasusunod tapos ngayon?! Sasabihin mo na pag-uusapan nating ng maayos ito? How many times I told you Dad, I want him, I love him this is what I want. To be with him in the rest of life." Habang nagsasalita si Cindy ay wala namang inaksayang pagkakataon ang mga pulis, isa-isa silang pumasok sa loob ng bahay para mapalibutan ang mga ito. Huli na nang napagtanto ng mga tauhan ni Cindy na napalibutan na sila ng pulis hindi narin sila nang laban dahil alam nila na wala silang kalaban-laban sa mga kapulisan.

Lumaki ang mga mata ni Cindy ng marealized niyang wala na silang kalaban-laban, agad niya namang nilingon ang tabi niyang si Lyka na ngayon ay nakayakap kay Wesley agad naman nahalinhan ng galit ang pagkabigla nito, kaya naman agad niyang tinutok ang baril sa dalawa.

"Anak please!" Pakiusap ng Ama nito.

"No Dad, kung hindi lang naman siya maging akin, mabuti nang sama-sama kaming mamatay!" Matigas na wika nito.

Nang akmang ipuputok niya ang baril na hawak nito ay mabilis naman na nagpaputok ang isang Pulis, pero bago pa matamaan si Cindy ay nasalo na ng Ama nito ang bala na dapat sa kanya.

"Dad?!" Luluhang sambit nito habang unti-unti niyang nakikita ang Ama na nakabulagta sa sahig.

"Dad?" Tawag nito sa Ama.
"A----nak I'm sorry, kung sa ganitong buhay kita pinalaki, Y--ou kno-w t-hat I-love you so much, that's why I'm asking you for the last chance, mag bagong b-u-hay ka, don't do it for but do it to yourself, You still have a chance to do the right things in your, not like this hija. I--- love You." Mahabang pahayag ng Ama ni Cindy sa pautal-utal na wika nito bago pumikit at nawalan ng buhay.

Tanging iyak at pagsisi ang nararamdaman ni Cindy.

NANGYARI na ang nangyari namatay ang Ama ni Cindy, hindi narin nagsampa ng demanda sina Lyka kay Cindy, dahil narin sa tulong ng Ama nito, at higit sa lahat nakita nila ang pagsisi ni Cindy dahil sa ginawa nito.

Lumipas ang linggo araw at buwan, hanggang sa dumating ang araw ng lipad ni Cindy pabalik sa Spain.

Naaalimpungatan na nagising si Lyka sa tunog ng cellphone nito. "Hello?" Antok na antok na sagot nito sa kabilang linya.

"Hi Good morning, I'm sorry if I wake you up." Bigla naman nagising ang diwa ni Lyka ng mahimigan niya ang nasa kabilang linya.

"Hi Cin, what's up! napatawag ka?" Simula noong namatay ang Ama ni Cindy ay malaki ang pinagbago nito, kahit papano naging magkaibigan silang tatlo.

"Alam ko masyado kayong busy ni Wesley sa nalalapit ninyong kasal pero sana pagbigyan niyo ako for the last time." Napakunot noo naman si Lyka.

"What do you mean Cin?" Tanging tanong ni Lyka dito wala kasi siyang idea kung ano ang hinihiling ni Cindy sa buwan nakalipas napalapit narin ang loob niya sa dalaga mabait naman pala ito, sadyang may pagkaspoiled brat lang ito.

"Ikaw muna tinawagan ko para ikaw na magsabi kay Wesley, gusto ko sana kayong imbitahan magdinner mamaya." wika ni Cindy kay Lyka.

"Yah sure, akala ko naman kung ano hihilingin mo, don't worry I will tell to Wesley about your invitation." Sabay tawa ni Lyka ng mahina.

"Thank you." Masayang wika ni Cindy sa kabilang linya.

"Don't mentioned it okay." Natatawang wika ni Lyka sa kabilang linya.

Pagkatapos nitong ibigay ang address ng restaurant nakakainan nila ay nagpaalam narin si Cindy. "So paano see you later." Natapos narin ang usapan nilang dalawa. Agad namang tinawagan ni Lyka si Wesley para ipaalam dito ang invitation ni Cindy.

Isang ring lang ay agad na sinagot ng nasa kabilang linya. Kaya naman hindi maiwasan ni Lyka mapangiti. "Good morning sunshine, I miss you." Agad na bungad ng binata sa kabilang linya.

"Good morning too." Sagot nito sa kabilang linya na may ngiti parin sa labi.

"You don't missed me?" Biglang tanong ng binata, na kahit hindi ito nakikita ng dalaga ay alam niyang nakapout lips ito.

"I LOVE YOU Mr. Sandoval." Natatawang wika ng dalaga.

"I love you more soon to be Mrs. Sandoval." Hindi naman maiwasan na kiligin si Lyka sa sinabi ng binata, ibang-iba na ito, malayo na ito sa unang Wesley na nakilala niya, masyado itong sweet, maalaga, mapagmahal pero minsan may pagkaisip bata, lalo na kung naglalambing ito sa kanya.

"Tse! I'm still have two weeks to be a Ms. Ariola or Ms. Sandoval, kaya 'wag ka masyadong assuming okay. Madami pa ang mangyayari sa two weeks na iyan." Natatawang wika ng dalaga.

"Madali nalang ang two weeks babe, kaya ihanda mo na ang sarili mo, to be my wife Mrs. Sandoval." Alam ni Lyka na walang ibig sabihin ang sinabi ng binata pero hindi niya parin maiwasan ang mamula.

Tawa nalang ang sinagot ng dalaga, bago niya sinabi sa binata kung bakit siya napatawag.

MASAYANG kumakaway si Cindy sa dalawa. Lumapit naman ang mga ito kay Cindy, sinalubong naman agad ni Cindy si Lyka at hinalikan ito sa pisngi.

"I'm sorry we're late, masyado kasing matraffic sa Edsa." Wika ni Lyka dito.

"No, It's fine kakarating ko lang naman." Nakangiti na wika nito sabay kumusta nito kay Wesley.

"Thank you for inviting us." Wika ng binata sabay upo sa tabi ni Lyka. Ngiti lang ang sinagot ng dalaga.

"Order na kayo." Wika ni Cindy. Habang hinihintay nila ang order nila ay agad naman nag-open ng topic si Cindy.

"Two weeks more to go kasal niyo na." May lungkot na wika ni Cindy sa dalawa. Na agad naman kinabahala ni Lyka, napansin siguro ni Cindy ang pagkabahala ni Lyka agad itong tumawa.
"Don't worry hindi ako malungkot dahil ikakasal na kayo, infact I'm so happy to both of you. Sabi nga nila every relationship may trials daw talaga at ako iyong trials na masasabi nating nalampasan niyo na." Masayang wika nito sa dalawa.

"Why you are sad?" tanong ng binata kay Cindy.

"I'm going back to Spain tomorrow night."

"W-what?!" Sabay na wika ng dalawa.

"Bakit biglaan naman?" Tanong ni Lyka na nakabawi na sa pagkabigla.

"Maybe I already found my destiny." Baliwalang wika nito na may kislap ang mga mata. Napangiti naman ang dalawa. They we're happy if Cindy found her own destiny.

"Hindi ba pwede ipagliban ang pagbalik mo sa Spain?" Tanong ni Lyka kay Cindy.

"I'm sorry kung hindi ako makakaattend ng wedding ninyo, kailangan ko din kasi habulin ang destiny." Pagbibiro pa nito.

"But don't worry guys maipapadala naman akong big gift sa inyo." Wika nito na may kasama pang hagikhik.

"Don't mind the gift, basta balitaan mo kami sa magiging destiny mo ha." Wika Lyka.

"Sure!" Nakangiting wika nito sabay seryosong tumingin sa dalawa. "I know, ilang beses ko ng sinabi sa inyo ang salitang SORRY, but this I want to apologize the things I've been done to both of you, especially you." Sabay gagap nito sa mga palad ni Lyka. "I'm sorry, then thank you for everything, sa isa pang chance na ibinigay niyo sa akin, siguro kung ibang tao ang ginawan ko ng ginawa ko sa inyo baka hanggang ngayon nakakulong ako." Maluhang-luhang wika nito. Agad naman itong dinaluhan ni Lyka at niyakap.

"Nobody's perfect, lahat tayo nakakagawa ng mali, ang importante doon kung paano tayo natuto sa pagkakamaling iyon." Pang-aalo ni Lyka kay Cindy habang nakayakap ito sa dalaga.

"Thank you for being so nice to me Lyk, I am so happy na naging isa ka sa mga kaibigan ko. Now everything clear to me, kung bakit ka sobrang minahal ni Wesley, nasasaiyo na pala ang lahat." Seryoso na wika nito.

"Psstt--- You don't need to say thank you, kalimutan na natin kung ano man ang nangyari sa atin ang importante ay ang ngayon." Pagkatapos nilang mag-usap ay masaya na nilang sinimulan ang hapunan.

NATAPOS ang hapunan nilang tatlo nagpaalam na sila sa isa't isa. Hindi na nila na pilit si Cindy naihatid ito sa airport bukas ng gabi.

Magkahawak-kamay sina Wesley at Lyka palabas ng Restaurant na may ngiti sa labi atleast kahit papano maging panatag na ang loob nila na naging okay na ang lahat.

MY STUPID BOSS by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon