Dinaanan na ni Lance si Lyka para sa dinner sa mansyon ng mga Ariola.
"Hi slow." Sabay halik sa pisngi nito. Nasasanay narin ang dalaga sa gesture na iyon ng binata.
"Hi how's your day?" sabay tingin nito sa kabuuan ni Lance ng hindi mapapansin ng binata.
"It's a tiring day, pero okay lang nag-eenjoy naman ako." Ngayon lang napansin ni Lyka na nanglalalim pala ang mata ng binata, iyon lang naman ang kaibahan dito, pagtitingnan mo ito sa mata hindi mo makikita na may dinaramdam ito. Marahil marunong itong magtago ng kanyang totoong emosyon.
"And how about you? how's your day? sabi ni lola masyado ka daw subsob sa trabaho ah." Ngumiti naman ang dalaga bilang tugon dito.
"Pareho lang naman tayo ng rason eh. I enjoyed my work kaya hindi ko nararamdaman ang pagod ganyan naman diba? kapag mahal mo ang trabaho mo sigurado maeenjoy mo ito."
He just shrugged his shoulder hindi na ito nagsalita pa. Nasa harap na sila ng sasakyan ng binata binuksan nito ang unahan ng sasakyan at ngumiti kay Lyka sabay abot ng kamay sa dalaga para makaakyat na ito sa sasakyan. Lumihis narin ito ng masiguro na nakasakay na ng maayos si Lyka.
"You can take a nap if you want may isang oras kapa para matulog."
"Hindi naman ako inaantok magkwentuhan nalang tayo."
"Are you sure?" she just nodded to as an answer to him.
"So, where do you want to start?" nakangiting tanong ni Lance sa dalaga.
"I don't know, ikaw ano gusto mo pagkwentuhan." Nakatawang tanong ng dalaga sa binata.
"Ummp...... wait mag-iisip muna ako."
"Pag-usapan nalang natin kung paano nga tayo una nagkita?" suhesyon ni Lyka.
"Ayaw ko masyado namang awkward pag-usapan kung paano tayo una nagkita." Napataas naman ng kilay si Lyka tawa kasi ng tawa si Lance na hindi niya alam kung bakit ito natatawa, wala naman ata nakakatawa sa una nilang pagkikita.
"Bipolar kaba? bakit tawa ka ng tawa wala namang nakakatawa." Namumula na kasi si Lance sa kakatawa.
"Nothing may naalala lang akong nakakatawa."
"Ano nama iyon? sa pagkaalala ko wala naman nakakatawa sa unang pagkikita natin." Sabi ng dalaga na napapasimangot na.
" H'wag kana nga magsimangot d'yan sa akin nalang iyon huh," nakangiti parin' sabi nito.
Hindi na ito pinilit ng dalaga tumunog kasi ang cellphone ng binata.
"Can you answer my phone, I'm sure si Lola iyan."
"Yah, sure." kinuha naman ni Lyka ang cellphone ng binata at sinagot ito.
"Hello." wala namang sumagot sa kabilang linya. Namatay iyon bigla.
"Wrong number ata."
Samantala, hindi alam ni Wesly kung bakit niya di makausap ng deritso si Lyka, boses palang nito parang napapatulala na siya. May itatanong sana siya sa pinsan niya. Pero hindi niya na tinuloy dahil si Lyka ang sumagot.
"I don't want to have a weird feelings toward her tsk." sabay higa nito sa kama niya, pinikit niya ang kanyang mga mata pero ang mukha ni Lyka ang nakikita niya.
"F-fuck." napamura siya sabay tayo pabalik-balik siya sa loob ng kwarto niya.
"Ano ba ngyayari sa akin? parang impossible naman ata na may gusto ako sa babaing iyon." Siya na mismo ang nahihilo sa kakaikot niya sa loob ng kwarto niya. Kaya tinigil niya na ito. Lalabas sana siya ng kanyang kwarto ng mapagbuksan niya ang isa sa mga katulong nila.
"Yes?"
"S-ser andito na po sina ser Lance-----" nabubulol na sabi ng katulong na halatang nagpapacute sa binata.
"Okay." At nauna ng tumalikod si Wesley sa katulong.
Pagbaba niya naabutan niya sina Lance at Lyka na nagtatawanan. They look like a happy couple, bigla tuloy siya nainggit sa pinsan niya. Sa dami na naging babae niya, wala ni isa doon na seneryoso ng binata hanggang one night stand lang ang sa kanya, bago kasi nila gawin iyon, he made it clear that no string attach, just pure sex. The girls he f**ck agree on it in his mind hindi niya na kasalanan iyon. Sino ba naman siya para tanggihan ang grasya.
Wala din ata sa vocabularyo niya ang sinasabi na commitment. Girls for him is just like a fucking toys. Kaya kung ano man ang weird feelings niya sa babaeng kaharap niya ngayon isa lang itong challenge sa kanya. Pasasaan ba't lilingon din ito sa kanya at ito na mismo ang lalapit sa kanya, walang babaeng exception sa kanya, kahit pa kaibigan ito ng pinsan niya o malay niya ba na kung may relasyon na ang mga ito.
"Bro? Hey what's up?!" nasa harapan niya na pala si Lance.
"Lola told me dinner is ready nasa dining na sila ni Lyka." Tumango naman ang binata saka sumunod sa pinsan nito.
Nang nasa hapagkainan na sila, ay nakamasid lang si Wesley sa dalawa.
"You need to eat more rice Slow, para magkalaman ka naman, butot balat kana oh." Sabay tawa ni Lance, nakikita ni Wesley sa mata ng pinsan na masaya ito.
"That's enough Lance, I'm already full." Nakasimangot na sabi ng dalaga kay Lance.
Wesley looking at Lyka, he smile because he found Lyka's cute when she pouting her lips. Pati siya naaliw sa dalaga.
Nabaling lang ang atensyon niya ng magsalita ang lola nito.
"How's Spain Apo?" pagsisimula ng lola nito sa usapan.
"Spain is always Spain Lola nothing change." Sabay lagay nito ng pagkain sa lola niya, when It comes to his grandmother nagiging sweet and loving apo ito, pero pagdating sa iba, kabaliktaran ang pag-uugali niya lalo na sa mga babae.
"You will stay here for good apo? I hope so." Bigla naman napatingin si Wesley sa gawi ni Lyka na nakatingin din pala sa kanya, tiningnan niya ito sa mata parang may pinapahiwatig na kailangan niyang sagutin ang lola nito.
"Actually I was planning to stay here for good, maybe after I settle all my business in Spain, but for now I will stay here maybe a month or more than a month I don't know." Sabay kibit balikat nito.
"That's good bro, we are so happy to heared that." Sabi ni Lance sa pinsan.
"If you stay here for a month, mas mabuti pa siguro, na unti-unti pag-aralan mo na ang mga basic status ng business natin, bibigyan kita ng nagtuturo sayo para mas madali mong ma cope up ang mga pasikot-sikot sa kumpanya.
"It's up to you Lola." Sabi nalang ng binata, sa totoo lang kasi isang buwan lang pinakamatagal niya na stay sa Pilipinas. Sinabi niya lang naman iyon kay Lola niya para wala ng tampuhan na mangyayari.
"Sige you can start tomorrow sasabihan ko si Grace na turuan ka."
Magrereklamo pa sana ang binata ng biglang umubo si Lance. Kaya napatingin siya sa kanyang pinsan.
"Are you okay? inumin mo muna itong tubig." Tanong ni Lyka sa binata sabay hagod nito sa likod ni Lance. Tumayo na rin sina Wesley at Donya Leticia para daluhan si Lance.
Uminom ito ng tubig pero ganon parin ubo parin ito ng ubo, namumula na ito sa kakaubo.
Kinabahan naman silang lahat.
"Call the doctor iho," utos ni Donya Leticia kay Wesley. Agad naman tinawagan ni Wesley ang Doctor ni Lance.
"The doctor is not available, we need to bring him in hospital."
"Iha hindi ako pwede makasama ikaw na sasama kay Wesley ha."
"Opo Lola, ng tiningnan nila si Lance ay nanghihina na ito." Dali-dali naman binuhat ni Wessley ang pinsan.
"Can you get my key car in my pocket." nakahiligan na ni Wesley ang maglagay ng susi sa bulsa nito.
Taranta naman na kinuha ni Lyka ang susi sa bulsa ng binata.
Agad naman pinindot ni Lyka ang car key ni Wesley.
"Get in ikaw muna ang mauna," sumunod naman siya sa binata. Habang nasa byahe sila ay di maiwasan ng dalaga ang mapaluha.
"Lance, please hold on." Mukha na itong walang malay. Hinawakan naman ni Lyka ang mukha nito. Halos paliparin naman ni Wesley ang sasakyan nito. Nang dumating sila sa hospital ay agad na dinala si Lance sa E.R.
"Did everything okay?" wala sa sarili na tanong nito kay Wesley.
Humarap naman ang binata sa dalaga "His a fighter I know he can survive again." Lumapit naman ang binata sa dalaga sabay punas nito sa luha ni Lyka. Hindi niya alam kung anong tumulak sa kanya para gawin iyon. Basta natagpuan niya ang sarili na inaalo ang dalaga.
BINABASA MO ANG
MY STUPID BOSS by: Lee Ann Pradas
Roman d'amourLYKA SANDOVAL. Simple, maunawain, matulungin at mapagmahal. Pinalaki sa luho at itinuring na prinsesa ng ama, pero hindi siya masaya dahil ang gusto niya ay mamuhay ng simple at payapa. Nang isang lihim ang kanyang natuklasan sa ama, tumakas siya at...