Chapter 28

8.3K 207 0
                                    

  PAGKATAPOS nilang nag-usap ay bumalik narin sila sa Hospital na may mga ngiti sa labi. Pero lingid sa kanilang kaalaman ay may mga sumusunod sa kanilang dalawa.

"Ma'am susundan pa ba natin?" tanong ng isang tauhan ni Cindy.

"Yes just follow them." sabay kuha ng cellphone nito at may tinawagan.

Nang sinagot na ng nasa kabilang linya ay agad siyang nag bigay ng instruction. "Gusto ko maayos ang pagkakagawa, ang babae lang ang kailangan ko." Wika nito sa kabilang linya.

"YES MA'AM COPY!" Sagot naman ng lalaki sa kabilang linya na patuloy parin ang pagsunod sa sasakyan nina Wesly patungong hospital.

SAMANTALA masaya naman sina Donya Leticia at Alex ng pumasok sina Lyka at Wesly na magkahawak kamay.

"Kasalan na ba 'to?" hindi maiwasang tanong ni Donya Leticia na may mga ngiti sa labi.

"Not yet La, manliligaw muna ako ulit sabay propose na po." Natatawang sabi ng binata sa lahat.

Siniko naman ito ni Lyka. Kaya naman mas napalakas ang tawa ng binata.

"Babe naman 'wag ka ngang masyadong assuming si Papa Alex naman ang liligawan ko, para makakapagpropose na ako sa'yo. I know naman kasi kahit hindi na ako ulit manligaw sa'yo okay na tayo." wika ng binata na kinasimangot ng dalaga.

"Kapal ng mukha mo ha, para mo naring sinabi na patay na patay ako sa'yo."

"Hindi nga ba?" panunudyo ng binata sa dalaga. kaya naman bigla niya itong binatukan.

"Hoy MR. ARIOLA, baka gusto mong bawiin ko ang sinabi ko sa'yo kanina?" pananakot ni Lyka sa binata.

Pero hindi parin tumigil si Wesley sa kakatudyo kay Lyka. ''hmmppppppppp??? kunwaring nag-iisip ito.

"Ano kaya iyong gusto mong bawiin sa sinabi mo babe? Iyong sinabi mo na mahal na mahal mo ako kaya hindi mo ako gusto mawala sa'yo o iyong sabi mo na patay na patay ka sa akin?" Hindi naman napigilan ni Lyka na mahampas si Wesley dahil sa mga narinig nito sa binata.

"Kahit kailan talaga ang kapal ng mukha mo."Patuloy na pang hahampas nito sa binata na panay naman ang ilag ng huli.

''Kayong dalawa tama na nga iyan, baka kung saan na naman iyan mapunta, aba! alalahanin ninyo gusto ko pang magkaapo sa tuhod.'' Pangsusuway ni Donya Leticia sa dalawa. Kaya napatigil naman ang dalawa. Humarap naman si Lyka kina Donya Leticia at Alex, yumakap naman si Wesley sa likuran ng dalaga. Larawan sila ngayon ng isang masayang magkasintahan.

"Anyway guy's if you are willing to settle down as soon as possible walang problema sa akin, mas magiging masaya kami ng Lola ninyo, nasa tamang edad na kayo.'' wika ni Alex na hindi maitatanggi na masaya ito.

''Dad? Are you okay?" tanong ni Lyka dito.

"Yes Hija I'm fine, masyado lang akong masaya sa nangyayari. I thank GOD for everything, naisip ko nga masyado akong maswerte sa buhay, despite I've been done, sa lahat ng mga nagawa kong mali, at ,mga kasalanan ay naging mabait parin ang kapalaran sa akin.'' Naluluhang wika nito. Lumapait naman si Lyka at niyakap ang Ama nito.

"Everybody deserve for a second chance Dad, at lahat naman tayo nakakagawa ng mali sa buhay, hindi naman importante ang nakaraan, ang importante ngayon ay kung paano natin haharapin ang kasalukuyan na walang inaapakang tao." Wika ni Lyka sa Ama nito, namamangha naman si Wesley sa mga naririnig sa dalaga.

Niyakap naman ni Alex si Lyka. "Ako ang pinakamaswerte sa lahat, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko until I found out na may isa pa palang regalo si GOD sa akin." sabay tingin nito kay WESley na lumapit din sa kanya para yumakap.

Naluluha naman si Donya Leticia sa nakikita. Finally everything settle, okay na ang lahat ang mga kumplikadong nangyari sa buhay ng pamilya niya.

Lumapit narin ang tatlo at sabay sabay nilang niyakap si Donya Leticia. Pagkatapos nang mga emosyonal na pangyayari, ay nagpaalam na ang dalawa para bumili ng makakain.

"Bibili na po muna kami ng makakain natin La, Pa." Pamamaalam ni Wesley.
Habang nasa byahe sila ay masaya silang nag-uusap ni Lyka.

Ginagap naman ng binata ang kamay ng dalaga habang ang isang kamay nito ay nagmamaneho. "Thank you for everything, thank you for coming into my life, I never imagine myself to fallen inlove with you. Akala ko hinding hindi ako magmamahal ng ganito, akala ko mananatili iyong poot sa puso ko dahil sa kagagawan ng Ina ko," Sabay halik nito sa mga kamay ni Lyka.

"Because of you my life has change, thank you for the love you've shared." napatawa naman ng mahina si Lyka sa sinabi ng binata.

"HOY! MR. lyrics ata ng kanta iyang pinagsasabi mo." napakamot naman si Wesley ng ulo nito dahil sa sinabi ng dalaga.

"I"m sorry hindi ko nman kasi alam na lyrics iyon." hinging paumanhin nito sa dalaga.

"Ito naman hindi na mabiro."

"But seriously babe, binago mo ang buhay ko, nawala lahat ng takot ko na simula pagkabata ko iyon na ang bumubuo ng pagkatao ko. Poot, takot, galit iyan ang mundo ko noon, pero simula ng makilala kita nagbago lahat ang pananaw ko sa buhay, natuto akong magmahal, natuto akong magpatawad, natuto akong magpakumbaba, natuto akong magmalasakit.' madamdaming wika nito.

"You don"t need to say thank you to me, kasi choice mo naman iyon, hindi naman kita pinilit, hindi ko naman hiniling sa'yo iyon. KUsa mo iyong natutunan, kusa mong nararamdaman." Nakangiting paliwanag ni Lyka sa binata. Naputol lang ang pag-uusap ng dalawa ng biglang nagpreno ang binata dahil may humarang sa kanilang sasakyan.

"BABE...........?!" sigaw ng dalaga, dahil sa lakas ng pagpreno ng binata.

"Baba!" sigaw ng isang lalaki na nakapalibot sa sasakyan nila.

"My phone is in my pocket take it, then press 1." utos ni Wesley sa dalaga. Dahan-dahan niya naman itong kinuha at sinunod ang utos ng binata.

"BABA sabi!" muling sigaw ng lalaki sa labas ng kanilang sasakyan.

"Put the phone in your pocket babe." utos ulit ni Wesley sa dalaga bago ito unang bumaba.

"Ikaw baba!" biglang hila ng lalaki kay Lyka para makalabas ng sasakyan.

''D-don't touch her!" sigaw ni Wesley sa mga lalaki ng makita nito nakinakaladkad ito ng mga lalaki papunta sa sasakyan.

"Tumigil ka! 'wag kanang magtangkang lumaban kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!" sigaw ng lalaki na nasa harapan ng binata habang hawak siya ng dalawang lalaki.

Walang nagawa ang binata, hanggang nagmamadaling umalis ang sasakyan ng dumukot sa kasintahan nito, sinikmura naman ito ng mga lalaking naiwan, para hindi na ito makalaban.

"Tama na iyan! malilintikan tayo kay Ma'am Cindy pag pinasobrahan niyo ang pangbubugbog diyan." Sigaw ng isang lalaki na nagmamaneho ng isang sasakyan ng mga armado.

Iniwan siya ng mga kalalakihan na namimilipit sa sakit, pero sinikap niya paring makatayo para makahingi ng tulong.

MY STUPID BOSS by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon