"Tatanungin mo ako kung ano ang ibig kong sabihin? Why you don't ask yourself in the first place?!" Angil nito sa dalaga.
Hindi parin makuha ni Lyka ang ibig sabihin ng binata. Kung ano ba ang gusto nitong patunay na nag sasabi siya ng totoo na mahal niya ito.
Tumawa lang nang pagak si Wesley, medyo lumayo na ito ng kaunti sa dalaga. "Gusto mo ba talagang marinig kung ano ang sasabihin ko sa'yo?!" Nanunuyang wika nito.
Hindi makasagot si Lyka kasi parang hirap na hirap siyang maprocess sa utak niya ang sinasabi ng binata.
"Sinasabi mo na mahal mo ako? Paano mo mapapatuyan iyon? Sa pagkaalala ko mahal mo din si Lance diba?" Napamaang naman si Lyka sa tanong ng binata.
"Kailangan ba talaga may paliwanag kong bakit kita minahal at si Lance?!" ani ng dalaga.
"See?! Hindi mo man lang maexplain sa akin kung bakit diba? Dahil isa ka rin sa mga babaing pera lang ang habol sa katulad namin." Napaawang naman ang mga labi ng dalaga sa naririnig hindi siya makapaniwalang maririnig niya iyon sa binata.
Hindi niya naman mapigilan ang kanyang sarili. "Bakit ka ganyan huh?!" Paasik na wika ni Lyka. Pinipigilan niya ang sariling umiyak.
"You know what? I don't need your damn money! Kung iyan ang inaakala mo. Hindi ko pinangarap yumaman, simple lang ang gusto ko sa buhay ang tahimik na pamumuhay. Tapos ngayon aakusahan mo ako? How dare you?!" Garalgal na wika ng dalaga.
Pero hindi natinag ang binata. Simple lang naman na paliwanag ang gusto niya buhat sa dalaga pero hindi pa nito maibigay. Kaya nagmatigas siya paninindigan niya kung ano man ang nasa isip niya ngayon, ayaw niya na ulit sumugal, takot na siyang masaktan muli, ayaw niya nang maulit ang kahapon. Kung ang ina niya nga kaya siyang saktan at iwan na parang basura si Lyka pa kaya?
"Wala kang pinag-iba sa ina ko." Biglang lumabas sa bibig ng binata ang mga katagang iyon. Napaangat naman ng tingin si Lyka sa binata. Nanginig ito sa binitiwang salita ni Wesley sa kanya. Doon bumangon ang galit ni Lyka kaya na sampal niya ang binata. "You don't know me well! kaya ganyan kadali sa'yo na husgahan ako." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dali-dali na siyang tumakbo palabas ng pinto.
Naiwan naman si Wesley habang sapo nito ang pisngi na sinampal ng dalaga. Tama nga naman ang dalaga hindi niya pa ito kilala, ang tanging alam niya lang sa dalaga ay ang buong pangalan nito, sa anim na buwan nilang magkasama sa Spain wala silang napag-uusapan tungkol sa buhay nito, dahil para sa kanya wala na siyang pakialam kung ano man si Lyka, dahil mahal na mahal niya ito. Pero dahil sa ginawa niya mukhang malabo ng magkaayos sila. Parang gustong bugbugin ni Wesley ang sarili. Dahil sa mga nabitawang salita sa dalaga. Gulong-gulo siya, hindi niya alam kung ano ba ang totoo, at kung sino ang nagsasabi ng totoo.
UMIIYAK NAPUMARA SI Lyka ng taxi. Nagpahatid ito sa apartment niya.
Pagdating sa loob ng bahay ay agad niyang tinawagan ang Ama nito.
"Dad, sasama na ako sa'yo bukas." Bungad nito kay Alex.
"Princess? What happen?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa anak.
"Nothing Dad I just want to go home, so I can spend my time with you." Pagsisinungaling nito sa kanyang Ama. Napapakurap siya para mapigilan ang kanyang luha.
Alam ni Alex na may mali pero hinayaan niya nalang muna si Lyka. Sinang-ayunan niya nalang ito.
"Sige I book you a flight with me, sasabihin ko si Ninong Henry mo."
KINABUKASAN TINAWAGAN NAMAN ni Wesley ang isa sa mga kaibigan niya.
"Dude I need your help." ani nito sa kabilang linya.
"Anything for you Dude, what it is?'' Sagot naman ng kaibigan niya sa kabilang linya.
"Maypa- iimbistigahan ako ." Isang FBI agent ang kaibigan nito.
"Sure why not! Sino ba iyan? May ginawa ba sa'yo? Isang kaaway ba? Just tell me Dude ng mapasalvage natin." Sunod sunod na Tanong nito. Na nagpatawa pa.
"Lyka Sandoval, I need full information about her." Wika nito sa kaibigan.
"Whoohhh.... Babae pala!" Natatawang wika naman na sabi ng kaibigan nito.
"Yes Dude, so kung kaya mo makuha lahat ng info niya with in a week please do it."
"Sure with in a week." Nagpaalam na sila sa isa't isa.
Nang araw ding iyon ay dumating na sina Lyka sa Mindanao.
"Home sweet home Princess!" Masayang wika ng Ama nito.
Ngumiti naman ng pilit ang dalaga saka nagpaalam sa ama nito. "Dad magpapahinga muna ako ha." Pamamaalam nito sa Ama, agad namang pumayag si Alex.
Naramdaman niya parin ang sakit sa mga sinabi ni Wesley, kapag naalala niya iyon hindi maiiwasan na hindi tumulo ang luha ng dalaga. For all people bakit isang Wesley Ariola pa ang minahal niya. Nakatulog na ang dalaga sa kakaiyak.
LUMIPAS ANG MGA araw ay halos hindi lumalabas si Lyka sa kwarto nito ayaw niya munang may kausap bumababa lang siya pagkainan na minsan nga nagpapadala nalang siya ng pagkain sa kwarto niya.
Bigla siyang may narinig na may kumakatok sa kanyang silid.
"Anak can I come in?" Tawag ng daddy Alex nito sa kanya.
Agad naman siyang tumayo at pinagbuksan ang ama nito.
"Dad?" Ngumiti lang ang Ama nito.
"Anak? Gusto mo bang sumama sa akin?"
"Saan po Dad?" tanong nito sa kanyang Ama
"Church." Maikling tugon nito sa dalaga.
Agad naman siyang pumayag ng marinig niya sa simbahan sila pupunta. Kailangan niya iyon para gumaan narin ang pakiramdam niya. Nakikita niya na ang malaking pagbabago ng kanyang ama, ikinagalak niya naman iyon. Lalo na tumutulong na ito sa mga maralita binalik na din nito ang mga lupain ng mga magsasaka, madami narin siyang nabigyan ng trabaho.
SAMANTALA HAWAK-HAWAK na ni Wesley ang envelope naibinigay ng kaibigan niya.
"Open it Dude. Isa palang bigatin ang pinaimbistigahan mo."
"Agad naman binuksan ni Wesley ang envelope, at tumambad sa kanya ang basic informastion ng dalaga.
LYKA SANDOVAL graduated at Ateneo La Salle University Davao City.
Pinasadahan niya pa ang basic info nito. Saka nagsalita ang kaibigan.
"Nag-iisang anak siya nina Lanie Salazar Sandoval at Congressman Alex Sandoval. Ang kilalang bigatin sa Mindanao and expanding their bussiness here in Manila at sa ibang bansa since ayaw na ng Ama nito tumakbo bilang Senador." Wika ng kaibigan ni Wesley sa kanya.
"Congressman? Salazar?" Tanong nito.
"Yes Dude Congressman ang Ama niya, at mga bigating negosyante naman ang mga pamilyan Salazar infact isa sa mga major investor ng Kumpanya mo ang pamilyang Salazar." Halos hindi makapaniwala ang binata.
"Now I know kung bakit ganon nalang kalapit ang loob ni Mr. Salazar sa kanya." Pero mistula paring puzzle sa kanya ang lahat madami paring tanong sa isip niya.
"Kung mayaman sila bakit kailangan lumuwas ni Lyka sa Manila at magtrabaho sa kumpanya namin." Tanong ni Wesley.
"Alex Sandoval love his daughter very much kaya naman ginawa niya ang lahat para maprotektahan ang anak nito, Lumaking masunurin, mabait, magalang, matalino si Lyka hindi ito katulad ng ibang batang mayayaman na sobrang spoiled brat, kabaliktaran ang ugali nito, she want a simple life, iyong tahimik ayaw niya ng magulo. But Alex give her all the best he could lalo na sa material na bagay. Every month may allowance ito galing sa Ama, imbis na gastusin sa sarili niya, nagpatayo ito ng isang Foundation sa lungsod nila, na sinuportahan naman ng kanyang Ama." Bigla namang nahiya si Wesley sa sarili niya dahil sa natuklasan nito sa dalaga.
"Nang mamatay ang kanyang ina ay doon niya natuklasan kong anong klasing ama ang mayroon siya, sangkot si Alex sa mga illegal na gawain, ng dahil dito namatay ang asawa niya, aksidente niyang natamaan ng bala ang asawa nito na dapat sa magsasaka na nag-amok sa bahay nila. Dahil daw kinamkam ng Congressman ang maliit na lupain nito at iyon ang dahilan kung bakit umalis ang dalaga sa poder ng Ama." Tumigil muna ang kaibigan nito at pinagmasdan niya si Wesley.
"Ipagpapatuloy ko pa ba?" Tanong nito.
"Go on Dude."
Ipinagpatuloy naman ng kaibigan niya ang lahat ng natuklasan nito.
"One more thing Dude." Tiningnan niya muna si Wesley bago nagsalita ulit.
Napatingin naman si Wesley sa kaibigan.
"Go a head Dude." Wika nito sa kaibigan. Ngunit hindi na umimik ang kaibigan nito inabot nalang nito ang isang brown envelope kay Wesley.
Agad naman binuksan ng binata iyon. Hindi na siya nabigla sa nakita, matapos niyang malaman kung ano ang istado sa buhay ng pamilyang Sandoval. Na pagtanto niyang nagsasabi nang totoo ang mga ito. Nagsasabi ng totoo si Alex Sandoval na anak siya nito marami ng mga ibedensiya na nagpapatunay.
Hindi pa natapos ang pag-uusap nila ng kaibigan niya ay tumunog ang cellphone nito.
"H-Hello Apo." Nahihirapang wika ni Donya Leticia.
"La? What happen?" Pero naputol na ang linya.
Dali-dali naman siyang nagpaalam sa kaibigan at umuwi siya sa Mansiyon nila. Halos paliparin niya na ang sasakyan iniisip niya na baka may nangyaring masama sa Lola nito.
Tumawag siya sa Mansiyon nila at agad naman iyon sinagot ng isa sa mga katulong nila.
"S-ser si Donya Leticia po sinugod sa Ospital."
"What? Sa'ang Hospital?"
Agad namang tinungo ng binata ang Hospital kung saan dinala ang Lola nito.
Dali-dali siyang nagtanong front desk kung nasaan ang Lola niya.
Inaasikaso na ito ng mga Doctor.
"Doc what happen to my grandma?" Nababahalang wika ng binata.
"Normal naman ang vitals niya Hijo, dala lang ng sobrang stress kaya siya nahilo. Pero pansamantala e-aadmit muna natin siya, to make it sure that everything fine." Tumango naman ang binata. Bilang tugon sa Doctor.
Mga ilang minuto pa ay nagising na ang Lola niya.
"La? Kamusta?"
"Okay lang ako Hijo, kulang lang siguro ako sa tulog." Wika ng matanda.
"Come here Hijo, I wanna talk with you something." Lumapit naman ang binata at naupo sa kama ng matanda.
"It's been a week, nang malaman mo ang katotohanan." Pagsisimula ng matanda sabay kuha ng kamay ng binata.
"You know that I love you so much Apo, walang may magbabago at hindi iyon magbabago, ikaw parin ang Apo ko." Sabay tingin nito sa mata ng binata.
Tahimik lang ang binata nakikinig kung ano man ang sasabihin ng matanda. "Gusto ko sana kunin mo ang galit sa puso mo apo, matuto kang magpatawad para makapagsimula ka ng bagong buhay mo."
"La?" tanging nasambit ng binata.
"Alam kong mahirap para sa'yo na patawarin ang ina mo, pero sana buksan mo ang puso mo sa totoong Ama mo. I know him very well para ko na ding anak ang totoo mong ama, kaya nahihirapan ako sa sitwasyon nating ito. Kung inaalala mo ang mana mo sa Daddy William mo, sa'yo parin iyon, nakiusap na si Alex at Lyka na hindi sila makikialam sa mana mo." Patuloy na wika ng matanda.
"I try La." maikling tugon nito.
Napangiti naman si Donya Leticia sa sinabi ni Wesley. She hope and pray na maaayos din ang problema.
NABALITAAN NI LYKA kung ano ang nangyari kay Donya Letecia kaya naman agad silang lumuwas ni Alex sa Manila.
Pagdating nila sa Manila ay agad silang dumiritso sa Hospital.
Naabutan nila ang matanda na nanunuod ng tv. "La!" tawag nito sa matanda napadako naman ang tingin nito sa pintuan kung saan nakatayo si Lyka at si Alex.
"Apo." Naluluhang wika nito. Lumapit naman ang dalaga at niyakap ang matanda.
"Kamusta po kayo?"
"Okay lang ako Apo, malakas pa ako. Kailangan ko lang ng kunting pahinga." Nakangiting wika nito.
"Ikaw kamusta? Lalo kang gumaganda ah."
"Si Lola talaga oh, halos isang linggo lang tayo hindi nagkita ah." Napatingin naman si Donya Leticia kay Alex na masayang nakatingin sa kanila.
"How are you Ninang?" Tanong ni Alex sa matanda.
"Kayo ha, nakakatampo kung hindi pa pala ako na hospital hindi pa kayo babalik dito sa Manila." Sagot nito kay Alex, kaya naman napatawa narin ang huli.
Bigla naman bumukas ang pintuan at niluwa si Wesley doon.
Napahinto naman ng pagtawa si Lyka ng makita niya ang binata, na deritsong nakatingin sa direks'yon niya parang bigla naman siyang naasiwa.
"La nakuha ko na po lahat ng resita mo." Wika nito na nakatingin parin kay Lyka.
"Alex, Apo, I think this the right time para pag-usapan ninyo ang dapat pag-usapan."
"Ninang, okay lang po madami pang oras para diyan, h'wag nalang nating madaliin." Sagot ni Alex sa matanda.
"No! I want you to settle everything, maikli lang ang buhay, we don't know what happen next, kaya kung may pagkakataon kayong pag-usapan ngayon iyan, pag-usapan niyo na."
Nagkatinginan naman sina Wesley at Alex.
"Okay po." Sagot ni Wesley. Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Alex.
"May coffee shop diyan sa tabi ng hospital pwede kayong mag-usap doon." Wika ni Donya Leticia. Lumabas narin ang dalawa.
Nakahinga naman ng maluwag si Lyka feeling niya kasi ang sikip-sikip ng silid ng dahil sa presensiya ni Wesley. Ang hiling niya lang sana magkaayos na ang Ama nito at si Wesley.
BINABASA MO ANG
MY STUPID BOSS by: Lee Ann Pradas
RomanceLYKA SANDOVAL. Simple, maunawain, matulungin at mapagmahal. Pinalaki sa luho at itinuring na prinsesa ng ama, pero hindi siya masaya dahil ang gusto niya ay mamuhay ng simple at payapa. Nang isang lihim ang kanyang natuklasan sa ama, tumakas siya at...