Chapter 25

8.4K 208 0
                                    

  DUMATING NASA PILIPINAS sina Lyka at Wesley.

"Lola told me, naghihintay na daw sila sa Mansyon." Tumango naman ang dalaga.

Mga ilang minuto pa ay narating na nila ang Mansyon ng mga Ariola.

"Home sweet home." Bulong ni Wesley sa dalaga.

BUMUKAS ang pintuan ng mga Ariola agad silang sinalubong nang matanda. Hanggang sa mapadako ang tingin ni Lyka sa katabi ni Donya Leticia.

"Dad?" anas nito, sa tindi nang pananabik ni Lyka sa ama ay tinakbo niya ito at niyakap.

"Princess!" Naluluhang wika ng ama nito halos isang taon din silang hindi nagkita.

"I missed you so much, Please come home!" aniya sa anak habang yakap-yakap ito.

"I will Dad." Biglang naglaho ang galit at tampo niya sa kanyang Ama, tama nga siguro pagnalilipasan na nang panahon mawawala narin ang sakit. Napadako naman ang tingin ni Alex kay Wesley.

"Son?" usal nito tiningnan naman siya ni Donya Leticia ng Not now look.

Lumapit naman ang binata para makipagkamay kay Alex. Halos ayaw bitawan ni Alex ang kamay ng binata.

"The food is ready." Biglang wika ni Donya Leticia. Para mabalik sa katinuan si Alex. Naiisip ng matanda na hindi ito ang tamang oras kailangan muna nilang kumain para mapag-usapan ang dapat pag-usap. Nakikita niya kung gaano kasaya ang binata sa nobya nito. Nanalangin nalang siya na sana madali matanggap ng dalawa ang matutuklasan. Napabuntong hininga ang matanda.

MASAYA NILANG PINAGSALUHAN ang masarap na hapunan.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa veranda ng mga Ariola at doon nag kape at kumain ng dessert nila.

Napag-usapan na ni Donya Leticia at Alex na ngayon nila sasabihin kina Lyka at Wesley ang mga natuklasan.

MAGKATABI naman sina Lyka at Wesley na magkahawak kamay.

Nakikita ni Donya Leticia kung gaano kasaya si Wesley ngayon. Parang ayaw niyang sirain iyon.

"Ehem!" Pang-aagaw pansin ni Alex sa lahat.

"Dad? Okay ka lang ba?" tanong ni Lyka sa ama. Nakikita niya kasi na nate-tense ito sa hindi niya alam ang dahilan.

"Yes Princess I'm fine." Napatingin naman ang lahat kay Alex.

Nagsimula na silang nagkwentuhan, natuwa naman sina Lyka at Wesley nang malaman nila na magbestfriend pala ang mga Ama nila.

"Watta small world! Right baby?!" Bulalas na wika ni Wesley habang magkahawak kamay silang dalawa ni Lyka.

Nagkatinginan naman sina Donya Liticia at Alex. Hindi parin nila alam kung paano sasabihin sa dalawa.

"Mayroon pa kayong dapat malaman." Pagsisimula ni Donya Leticia.

Sabay naman napadako ang tingin nina Wesley at Lyka sa matanda.

"What more Lola? I'm excited to hear it." Tanong ni Wesley nakaplaster na ata ang ngiti sa mga labi.

"This, open it Hijo." Sabay abot ni Alex ng envelope sa binata. Nagtatakang kinuha naman ni Wesley iyon at sabay nilang binuksan ni Lyka.

"I am your Biological Father." Bigla naman nahulog ang hawak ng mga kamay ng dalawa.

"No! It can't be!" Naluluhang wika ni Lyka.

Habang si Wesley naman ay nakatulala sa kawalan.

"Hindi kami magkapatid Dad! Hindi maari!" Garalgal na wika ni Lyka.

"Yes Princess hindi kayo magkapatid anak ka ni William." Napanganga naman ang dalaga.

Doon na nag react si Wesley.
"I can't get it! Ako anak mo? Si Lyka anak ni Dad? Ano ito soup opera? Nagkapalitan ng anak? This is bullshit!" Tahimik lang si Donya Leticia nasasaktan siya sa reaksiyon ng dalawa.

"Walang may gusto nito, pare-pareho tayong mga biktima ng panahon." Malumanay na wika ni Alex.

Tumayo naman si Wesley. Tumawa ng pagak na parang nang-iinsulto. "Bestfriend ka ni Daddy right? Ano ang kailangan mo? Kailangan mo ba ang kayamanan niya?" Nabigla naman si Alex sa sinabi ng binata.

"A-apo." Tanging nasambit ni Donya Leticia kahit si Lyka kay nakatanga lang hindi parin kasi maprocess sa utak niya ang mga naririnig.

Pero nagpatuloy parin ang binata sa gustp nitong sabihin. "Plano lahat ng ito diba? Pati ang paglalapit namin ng anak mo." At tiningnan nito si Lyka. Na mas lalong napanganga sa sinabi ni Wesley.

"Si Daddy lang ang mayroon ako, tapos sasabihin niyo pang hindi ko siya Ama? This is ridiculous, paano niyo iyon ginawa?"

"La! papayag ka nalang ba na paikutin tayo ng mga ito? Who knows baka magkasabwat pa sila ng babaing iyon para makamkam ang kayamanan ni Dad." Ang tinutukoy nito ay ang kanyang ina.

Pagkatapos sabihin ni Wesley ang lahat ng iyon ay walang lingon- lingon na umalis ito.

Doon naman bumuhos ang luha ni Lyka. Nilapitan naman ito ng kanyang Ama at ni Donya Leticia.

Pinapatahan siya ng kanyang Ama, hanggang sa mga ilang minuto kahit papano nahimasmasan na din naman ito.

Tumingin siya sa dalawang kaharap niya ngayon. Pinalaki siya ng kanyang ina na malawak ang pag-iisip iyon ang kailangan niya ngayon, ang alamin at makinig sa katotohanan kailangan nilang malaman.

"Paano po nangyari ang lahat ng ito Dad?" Tanong nito sa Ama habang tahimik na pumapatak ang mga luha niya, hindi niya iyon mapatigil-tigil. Dahil sa halo-halong sakit na nararamdaman. Sakit sa mga rebelesasyong nalaman, tampo sa inang namayapa kong bakit hindi nito sinabi sa kanya ang katotohanan, Sakit dahil ni hindi niya man lang nasilayan ang totoong Ama, at ang pinakamasakit ay ang pang-aakusa ng lalaking natutunan niya ng mahalin sa maikling panahon.

"Buntis na ang Mama mo ng pakasalan ko anak. Nakita ko lang siya sa isang park na umiiyak ni hindi kami magkaibigan o magkakakilala lang naman. Walang-wala ako noon kaya napadpad ako sa isang malayong kamag-anak ng Mama ko. To make the short, Vise-versa kailangan ko ang tulong niya para makaahon sa kahirapan at siya naman kailangan niya ng lalaking aako sa pinagbubuntis niya para maiwasan ang kahihiyan ng pamilya nila at dahil din sa'yo anak. Iniisip ng mommy mo ang magiging kapalaran mo kung itatakwil siya ng kanyang pamilya." Nakikinig lang si Lyka sa Ama nito.

"Tinuring kitang akin, sobra-sobra ang pagmamahal ko sa'yo to the point na kaya ko ng gumawa ng mali para lang mabigyan kita ng magandang buhay, Mahal na mahal kita Princess, ikaw lang ang mayroon ako at ang Mama mo ng mga panahon na nag-iisa ako, wala na akong mga magulang pati ang kayamanan nila naglaho rin na parang bula, pati ang bestfriend ko natinuturing kong kapatid ay niloko at tinalikuran ako, at nang babaing una kong minahal na bigla akong iniwan dahil nalaman nitong wala na akong kayamanan , mas pinili niyang sumama kay William dahil alam niyang may yaman ito, pinaako niya kay William ang pinagbubuntis niya." Mababakas sa mukha ni Alex ang sakit na kanyang nakaraan.

"I wan't to protect you, ayaw kong maranasan mo ang mga bagay na naranasan ko Princess, kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magiging katulad ng mga magulang ko naiiwan ang anak ko na walang wala, at isa pang rason kung bakit sobra ang pagproprotekta ko sa'yo na naging dahilan kung bakit ka lumayo ay natatakot akong makita o may makatuklas nang sekreto namin ng Mama mo. Selfish ako anak inaamin ko, pero ayaw kong mag krus ang landas ninyo ni William, dahil akin ka lang anak! anak kita." Lumuluhang kwento nito kay Lyka.

"D-Dad?" Naiintindihan niya na ngayon kung bakit ganon nalang ang Ama niya sa kanya. Kahit papano ang swerte niya dahil kay Alex Sandoval, binigyan siya ng kumpletong pamilya. Ang pagkakamali lang nito ay ang sobrang higpit nito sa kanya, pero hindi na iyon ang iniisip niya kundi ang sacrifices ng Ama-amahan para sa kanya.

Bigla siyang tumayo at niyakap ang kanyang Ama. Nakatingin lang si Donya Leticia na napapaiyak din.

"Thank you po Dad."
Humihikbing wika nito sa Ama.

"Hush Princess. Tandaan mo lagi mahal na mahal ka ni Daddy kahit hindi man tayo magkadugo." Sabay hagod nito sa likod ni Lyka na patuloy parin sa pag-iyak.

Nang mahimasmasan na siya sa kakaiyak sa bisig ng Ama ay napadako naman ang mga mata nito sa gawi niya. Kumalas siya sa bisig ng Ama at binalingan ng yakap ang matandang nakatunghay sa kanila

"A-Apo?" Tawag nito sa dalaga, kaya pala ang gaan-gaan ng loob niya dito may dugo palang nanalaytay sa mga pagkatao nila. Yumakap naman si Lyka sa matanda.

"Lola!" Ngayon niya lang naramdaman na parang nabuo ang pagkatao niya sa pamamagitan ng yakap ni Donya Leticia.

"Kaya pala parang pamilyar ang mga mata mo. Magkatulad kaya ng mata ni William." Sa sinabi ng matanda parang may tuwang naramdaman ang isang parti ng pagkatao niya.

Matapos ang pag-uusap nilang tatlo ay nagpaalam si Lyka na susundan si Wesley. Pupuntahan nito ang binata sa Condominium nito.

SAMANTALA DAHIL SA sobrang galit na nararamdaman ng binata tinapon nito ang hawak nitong baso. Bakit ganon? Parang sobra naman ata ang binigay ng diyos na pasakit sa kanya. Litong lito si Wesley hindi niya alam kung ano ang mararamdaman at kung para kanino ang galit niya.

May ina siyang walang malasakit sa kanya na naging dahilan ng trauma niya, at ngayon matutuklasan niya hindi pala siya anak ng Daddy niya. Nasaan ang hustisya diba? Para sa kanya Ama niya si William hindi magbabago iyon. Alam niyang plano lang lahat ng ito, para makamkam ang kayaman ng Ama niya, iyon ang nasa isip ni Wesley. Kaya mas lalo siyang nagpupuyos sa galit. Kasabwat pa ang babaing minahal niya.

Mga ilang minuto pa ay narinig ng binata na may nagdo-doorbell wala sa sariling tumayo ito at binuksan ang pintuan.

Laking gulat niya pa ng mabungaran si Lyka. Halos ilang oras palang silang nagkakahiwalay pero miss na miss niya na ang dalaga, gusto niyang yakapin ang dalaga pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.

"What are you doing here?!" Iyon ang namutawi sa mga labi ng binata, pasigaw niya itong tinanong.

Nakita naman nito ang pagkagulat na rumihestro sa magandang mukha ng dalaga.

"Can we talk." Namumulang wika nito sa binata.

"For what? para dagdagan ang mga kasinungalingan na inimbinto ng Ama mo para makuha ang kayaman ng Ama ko?" Bigla naman siyang sinampal ni Lyka.

Napatunganga naman ang binata. "Ano ba?! hindi ka lang naman ba makikinig kung ano ang sasabihin ko sa'yo? Bakit ang dali mong manghusga huh?! Hindi kami intresado sa kayamanan ng mga Ariola. Buksan mo sana ang mga mata mo at harapin ang katotohanan!" Wika nito sa binata.

Pero matigas ang puso ng binata nag-uumapaw ang galit nito. Kaya naman tumalikod ito sa dalaga, baka kong ano pa magawa niya dito.

Sumunod naman ang dalaga dito, paakyat ito sa hagdan. Kaya naman mas lalong binilisan ni Lyka ang paghabol sa binata.
Kailangan niyang makausap ito para maiayos na ang lahat not like this na para silang mga mortal na magkaaway.

"W-wesley Please, talk to me!" Pero parang walang may naririnig ang binata. Tuloy-tuloy lang ito sa loob ng kanyang silid. Sumunod parin ang dalaga sa binata.

Nakaupo na ito sa kama ng makapasok si Lyka sa loob ng silid nito.

"Please we need to fix all of this. H'wag naman ganito oh." Garalgal na wika nito.

"I miss you, kahit pa ilang oras palang tayong nagkakahiwalay. So please listen to me." Halos pumalakpak ang tainga ni Wesley sa saya ng marinig ang sinabi ng dalaga na namimiss siya nito. Pero nagmamatigas
parin siya.

"Hindi ito plano o kong ano pa man ito ang katutuhan na dapat nating harapin sa kasalukuyan. Hindi hangad ni Daddy ang kayamanan ninyo at mas lalo na ako. Hindi ko rin planong mahalin ka, pero kusa itong tumibok at inibig ka, sana naman h'wag mong kwesyunin ang pagmamahal ko sa'yo." Nakikinig lang ang binata pero halo-halo parin ang nararamdaman niya. Minsan na siyang nagtiwala at nag bigay ng isa pang pagkakataon sa taong mahal niya pero sakit parin ang kanyang nakuha.

Tumingin siya ng deritso sa mata ng dalaga. Nakikita niya nag lungkot ng mga mata nito, bigla niya
ng naalala ang ama niya noong mga panahon na wasak na wasak ito dahil sa kagagawan ng kanyang ina. Parang ang mata ng dalagang kaharap niya ngayon ay ang mata ng daddy niya. Bigla niya namang pinilig ang ulo niya para maibalik sa katinuan ang pag-iisip niya. Bigla nalang namutawi sa mga labi nito.

"Patunayan mo kung mahal mo nga talaga ako." Nagtataka si Lyka kung ano ang ibig sabihin ng binata. Pero unti-unting lumalapit ang binata sa kanya, hindi naman siya makagalaw sa kinakatayuan niya.

"W-what do you mean?" utal-utal na wika nito dahil sa pagkalapit ng mga mukha nila ng binata.  

MY STUPID BOSS by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon