DUMATING na sina Alex at Wesley sa coffee shop. Hindi naman alam ng binata kung siya ba ang unang magbubukas ng usapan.
"What do you want hijo?" Tanong ni Alex kay Wesley.
"Coffee with cream." Wika naman ng binata.
Tinawag naman agad ni Alex ang waiter at nag-order na ito.
Mga ilang minuto ding tahimik silang pareho. "Kamusta Hijo?" Panimula ni Alex sa usapan.
"So far..." Hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin, yumuko ito at nagsalita ulit. "I don't know what I exactly feel, ang lakas ng infact sa akin ng rebilisasyong ito. But then, tama nga si Lola, kailangan kong buksan ang mga mata ko, kailangan kong harapin ang katotohanan, para maging buo na ang pagkatao ko."
"I'm sorry Hijo, I don't meant to hurt you, may mga bagay lang talaga sigurong hindi inaasahan mga bagay na kahit sa panaginip ay hindi natin maiisip na mangyayari iyon." Nanlulumong wika ni Alex.
"You don't need to say sorry, tama po kayo pareho tayong biktima ng pagkakataon." Sabay tingin ng diretso sa mata ni Alex.
"We can do it slowly Hijo we don't need to hurry, Okay na ako na alam mo na ako ang Ama mo, I know I can't replace your Daddy William in your heart, pero umaasa ako someday matatawag mo din akong Papa, Daddy, Tay or what ever you want to call me." Pigil iyak na wika ni Alex.
"Salamat po sa pang-unawa." Tinapik naman ito ni Alex sa balikat.
"Kung hindi kalabisan, maari ko bang itanong kung anong nangyari sa inyo ni Lyka?" tanong ni Alex kay Wesley.
He sighed deeply before he start. "I missed her." Sabay tingin ng diretso kay Alex. "But I hurt her so bad, I know I'm a stupid one, a jerk! Masyado akong nagpadala sa emosyon ko at galit ko." Wika nito na makikita ang pagsisi sa kanyang mukha.
Tinapik naman ito ni Alex. "I give you a tip about my princess." Sabay ngiti nito kay Wesley. Nakuha niya naman agad ang atensiyon ng binata.
"Lyka is a good girl since she was a kid. She have a good heart, kind hearted. She never give me a headache, she's always on top when she was studying. Siya ang perpektong nangyari sa buhay ko, until I found you, ngayon dalawa na kayo." Sabay ngiti nito kay Wesley.
"Madaling suyuin ang batang iyon, babaan mo lang ang pride mo Hijo, sigurado magiging okay ang lahat, at sigurado ako na miss na miss kana din niya." Sabay tapik nito sa balikat ni Wesley.
"Go and make my Princess smile again, lagi ko nalang kasi nakikitang malungkot iyon simula ng umuwi kami ng Mindanao." Anito sa binata.
"I will Pa." Napatulala naman si Alex sa narinig. Ngumiti naman ang binata at biglang tumayo at lumapit kay Alex.
"Did you call me Pa?" naluluhang tanong nito sabay tayo at niyakap ang anak.
"Thank you son."
"You don't need to say thank you Pa, ako dapat ang magpapasalamat sa inyo, I want also to say sorry kung pinaghinalaan ko kayo." Wika nito kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.
"Sshh.... Enough this kind of drama, eh save mo ang luha mo para kay Lyka." Sabay tawa ni Alex. "Go find your happiness with her." Pagtataboy ni Alex dito.
He mouted thank you to his father ng palabas na ito sa coffee shop. Parang may bahagi ng pagkatao niya ngayon na nabuo, he even say thank you to God sa lahat lahat na nangyari sa buhay niya.
SAMANTALA hindi naman mapalagay si Lyka. "Hija nahihilo na ako sayo." Puna ng Lola nito.
"I'm sorry La hindi lang talaga ako ma
palagay, ano kaya nangyayari sa kanila ngayon?" Hindi maiwasang tanong nito sa matanda.
"Masyado kanang nag-iisip magpahangin ka muna Hija." Suhesyon ni Donya Laticia.
"No need La." Pagtanggi ni Lyka.
"I insist Hija!" Pamimilit ni Donya Leticia.
"Lola naman eh, wala naman akong alam na puntahan dito." Pagmamaktol ni Lyka.
"Dalawin mo si Lance if you want hindi kaya mag mall ka." anito sa apo.
"Pero paano po kayo dito?"
"Andiyan naman si Manang kaya don't worry about me okay." Wala narin nagawa si Lyka kinausap nalang nito ang katulong para ihabilin ang Lola nito.
Wala naman siyang ibang pupuntahan kaya naisip niyang pumunta kay Lance.
"Manong daan muna tayo sa flower shop ha." aniya sa driver nito.
"Yes Ma'am."
Pagkatapos nilang dumaan sa flower shop ay dumiretso na sila sa Memorial Park kung saan nakalibing si Lance.
Tinulungan siya ng driver para maglinis ng puntod ni Lance.
"Thank you po Manong, pwede niyo na po akong iwan tatawag nalang po ako mamaya pag-uuwi na ako." Tumango naman ang driver bilang tugon sa dalaga.
Ilang minuto din siyang nakakatitig lang sa puntod ni Lance. "Hi Lance." Panimula nito. "I miss you." Gumagaralgal na ang boses nito sobrang miss niya na si Lance.
"I'ts been a year, na nawala ka, pero hanggang ngayon nangungulila ako sa'yo." Kausap nito sa puntod ni Lance.
"Sana pwede akong humiling kay God, para ikaw ang hihilingin ko naibalik niya. I Love You Lance, pinsan man o hindi mahal kita, kaya siguro ganon tayo ka-attach sa isa't-isa may connection pala ang buhay natin." Wika nito na hindi mapigilan ang luha. Nabigla nalang ito ng may mag-abot ng panyo sa kanya. Kaya naman napatingin siya sa gawi ng taong nag-alok sa kanya ng panyo.
Umupo naman ito sa tabi niya, at ito na mismo ang nagpunas ng luha ni Lyka. Hinayaan niya lang ang ginagawa nito hanggang sa matapos ito. Inayos nito ang upo niya at ginagap ang kamay ng dalaga. "Hi Bro, how are you? Pacensiya kana ha, kung ngayon lang ako nakadalaw."
"Ang dami kong gusto ikwento sa'yo, pero hindi ko na muna maisa-isa iyon ha. May kakausapin muna ako." Sabay tingin sa gawi ni Lyka.
Nag-iwas naman ng tingin ang dalaga. Sabay tayo nito, kaya naman kinabig ito ni Wesley.
"I'm sorry." Panimula nito.
Tumingin naman si Lyka sa binata. Alam niya namimiss niya na ito ilang linggo narin kasi silang hindi nagkikita. Alanganin itong ngumiti sa binata.
"Okay na kami ni Papa." Wika nito.
"Talaga?!" Masayang sambit nito.
"Sabi niya nga madali naman suyuin ang Prinsesa ko." Nakangiting wika ng binata sa dalaga.
Napasimangot naman ang dalaga. Kaya pinaupo ulit ito ni Wesley. "I-I'm sorry." Panimula nito.
Pero agad naman itong pinigilan ni Lyka."I understand kaya hindi mo kailangan humingi ng sorry. Ang importante okay na kayo ni Daddy."
"Bakit sobrang bait mo? Naalala ko pa ang sinabi ni Lance sa akin, tama nga siya iba ka sa lahat ng babaing nakilala namin."
Napatawa naman si Lyka. "Ay ang drama, hindi bagay sa'yo."
"Bati na tayo Please......!" Napatango naman si Lyka kaya naman niyakap ito ng binata.
Ngitngit namang nakamasid si Cindy sa dalawa, ilang araw na siyang nasa Pilipinas, Ilang araw niya na ding pinapasundan sina Lyka at Wesley. Agad niya namang kinuha ang cellpone nito.
"Tuloy ang plano." kausap nito sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
MY STUPID BOSS by: Lee Ann Pradas
RomanceLYKA SANDOVAL. Simple, maunawain, matulungin at mapagmahal. Pinalaki sa luho at itinuring na prinsesa ng ama, pero hindi siya masaya dahil ang gusto niya ay mamuhay ng simple at payapa. Nang isang lihim ang kanyang natuklasan sa ama, tumakas siya at...