Untitled Part 3

272 7 0
                                    

Charlie's Point of View



Hindi ako nakatulog sa nagdaang gabi. Ang walang hiyang lalaking iyon. Kinuha niya ang first kiss ko. Pero bakit ganoon? Konting inis lang ang nararamdaman ko? Bakit parang natutuwa pa yata ako?


"Anong hitsura niya bestfriend? Gwapo ba?" Kinikilig na tanong ni Lyka.


"Okay lang. Maganda ang mata. Matangos ang ilong. Well-defined ang labi at mapupula pa. Tapos.."


"So, gwapo nga? Yiee. Masayang masaya ako para sa'yo bes. Hunt-ingin natin siya, dali."


Ang daldal talaga ng babaeng ito. Hindi ko na siya napigilan sa paghila niya sa akin sa corridor. Talagang pursigido siyang mahanap namin yung lalaking nagnakaw ng first kiss ko. Kaya lamang sa kasamaang palad, hindi namin ito makita.


"Naalala ko na!" Tila biglang nagliwanag ang paligid. Excited akong tumingin kay Lyka. "Ibarra ang apelyido niya." Sa pagkaka-alala ko, iyon ang itinawag sa kanya ni Sir Bayot.


"Ibarra? Hmm. Ang daming may ganoong apelyido dito eh."


"H'wag na natin siyang hanapin. Tsk. Ang hirap maghanap sa taong wala naman tayong alam na kahit na ano." Malungkot na sabi ko. Nanghihinayang ako kasi hindi ko man lang alam ang pangalan niya.


"Sya nga pala Charlie, may hihingin sana akong pabor sa'yo eh." Pag-iiba ni Lyka ng usapan.


"Ano naman 'yon?"


"Kasi di ba, alam mo naman, malapit na tayong gumaraduate. Ilang buwan na lang. Kasi ano eh, gusto ko sanang alam mo na, maranasang magka-love life bago matapos ang ating high school lofe." Mahabang litanya niya.


"So, anong gusto mong gawin ko? Mag-hire ng magiging boyfriend mo?"


Bahagya itong tumawa. "Oo."


Napasimangot ako. Nababaliw na siya.


"Joke lang, ano ka ba. Ganito kasi 'yun, remember Ren yung crush ko?" Tumango ako. "Break na daw sila ng girlfriend niya."


"Ano ngayon?" Mataray kong tanong. Kilala kasing chickboy ang lalaking iyon dito sa school. Kay bata-bata pa eh ang dami ng naging girlfriend.


"Ibigay mo naman 'tong love letter ko para sa kanya oh." Sabi nito with matching puppy eyes pa.


"Shocks, sigurado ka? Ganyan ka na ba kadesperada? At saka, bakit ako pa? Bakit hindi na lang ikaw?"


"Ehh. Sige na bes, please? Ikaw ang mas may lakas ng loob sa 'ting dalawa eh."


"My gosh Lyka, nababaliw ka na ba?"


"Basta sige na bestfriend, please? Please?" Pangungulit nito.


"Oh sige sige, ano namang kapalit 'pag binigay ko 'to?"


"Hehe. Wala."


Shemay.


Inilaan namin ni Lyka ang free time namin sa paghahanap ng crush niya upang maibigay ang love letter. Pambihira. Di bale, sakyan ko na lang ang kagagahan ng babaeng 'to.


"Ayun si Ren." Bulong nito ng makita namin ang isang lalaking nakasandal sa pader malapit sa male restroom. Sakto, wala itong kasama.


"Akina yung sulat mo." Sabi ko Lyka pagkatapos ay mabilis na tinungo ang lalaki.


"Hi. Ikaw si Ren, di ba?" Ura-urada kong tanong sa sigang lalaki sa harap ko.


Nagsmirk ito na tila alam ang mangyayari. Feeling naman nito ang gwapo niya. Hindi ako kasali sa mga nahuhumaling sa kanya.


"Oh." Sabay abot ko ng sulat.


"Uy, ano yan? Love letter?" Biglang may nagsulputang ilang estudyante sa kung saan. Tae ng kalabaw. Wrong timing.


"Hi miss." Bati ng ilan. May isa pa ngang kumindat sa kanila. Nakakahiya. Pinalibutan nila ako.


"Ren." Isang pamilyar na tinig ang nakakuha ng aking atensyon. Kilala ko ang boses na iyon.


"Sean." Sa aking pagtunghay ay nakita ko ang lalaking nakasama ko noong isang hapon. Masama ang tingin na ipinukol nito sa akin. Wala akong ibang magawa kundi ang tumakbo papalayo sa kanila.







A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon