Charlie's Point of View
Nagulat ako nang minsan ay nilapitan ako ni Ren, yung crush ni Lyka.
"Ikaw si Charlie?" Tanong nito. Napansin ko ang pagtingin ng ilang mga estudyanteng naroon.
"Oo, bakit?" Kinakabahan na tanong ko.
"Hindi mo ba ako naaalala Lee?" Lee? Bakit niya ako tinawag na Lee? Kunot noo ko siyang tinapunan ng tingin.
"Pambihira. Ako si Warren, yung kababata mo. Ren. As in Warren." Sabi nito with matching kumpas pa ng kamay.
"Warren? As in Warren? Boyfriend?" Gulat na gulat na tanong ko. Si Warren ay naging matalik kong kaibigan noong nasa kindergarten ako. Boyfriend at girlfriend pa nga ang tawagan namin noon dahil nangako kami sa isa't isa na magiging kami baling araw.
"Oo!" Excited na sagot nito sabay yakap sa 'kin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap na rin ako sa kanya. Ang tagal naming hindi nagkita.
"Grabe. Hindi kita nakilala Boyfriend. Sobrang laki ng ipinagbago mo." Komento ko.
"Ikaw rin. Kung hindi ko pa inalam ang buong pangalan mo, hindi ko pa malalaman na ikaw ang long lost childhood sweetheart ko. Na-miss kita."
Hinampas ko ito sa braso. "Baliw talaga 'to. Na-miss din kita. Ang dami mo ng utang na regalo sa 'kin."
Nag-catch up pa kami ni Warren. Ang dami naming napag-usapan. Nagkahiwalay kami noon dahil nag-migrate ang pamilya niya sa US. Matapos ko siyang maging knight in shining armor noong mga bata pa kami ay naging close talaga kami ng sobra na dumating pa nga sa puntong gusto na naming maging magkasintahan. Pero siyempre, mga bata pa kami noon. Iba na ngayon. Isa pa, gusto siya ng bestfriend ko.
Pagkatapos noon ay ikinuwento ko ang lahat-lahat kay Lyka. No more, no less. Natuwa pa nga ito dahil umano mapapalapit na daw siya kay Ren dahil magkakilala pala kami. Kaya isang tanghali matapos naming kumain sa canteen ay nagpasya akong ipakilala sina Ren at Lyka sa isa't isa. Tinext ako ni Ren kung nasaan siya at agad kaming nagpunta doon. Naabisuhan ko na rin si Ren na kay Lyka galing ang love letter na iniabot ko sa kanya dati.
Kumaway sa akin si Ren nang makita ako. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Pero parang may kulang. Shocks Charlie, h'wag mong isipin ang magnanakaw na 'yon.
"Ito nga pala sina Alex, Chino, Dan at Ram." Simpleng sabi ni Ren habang itinuturo ang mga kasama. "Siya naman si Charlie. Childhood bestfriend ko siya."
Ningitian at binati ko naman ang mga ito.
"Bestfriend ko, si Lyka." Baling ko kay Ren. Nagshake hands ang dalawa. May ganoon? Namula ng maigi si Lyka kaya patagong kinurot ko ito sa tagiliran. Napatawa naman si Ren.
"Ah ito pa nga pala." Muling sabi ni Ren at umayos ng pagtayo. Lahat kami ay napatingin sa paparating na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Ang magnanakaw na tipaklong.
Pero tila mas nagulat naman ang mga kasama namin dahil sa biglang paghila sa 'kin ng lalaking ito.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko!?" Galit na sigaw nito.
Pero agad na umawat si Ren sa amin.
"Bakit pare? Anong kailangan mo sa Girlfriend ko?"
At dahil doon, tila nanghina si Ibarra. Ilang minuto ng katahimikan ang lumipas at pagkatapos naglakad na siya papalayo.
BINABASA MO ANG
A High School Love Story
Short StoryYou met. it just happened. You fell in love. It just happened. You parted ways. Again, it just happened. Everything happens. Sometimes, with a purpose. Sometimes, with a reason. Sometimes, they just happened.