Untitled Part 13

190 7 0
                                    

Charlie's Point of View



"Kailan mo ba siya sasagutin?" Tanong sa akin ni Lyka.


Ang totoo ay gusto ko na ring sagutin si Sean ngunit sa tuwing naalala ko ang sinabi sa akin ni Audrey noon, nagdadalawang-isip ako. Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon nang minsang magkasabay kami sa paggamit ng restroom. Naghuhugas ako ng kamay noon ng bigla itong lumabas mula sa isa sa mga cubicle.


'Masaya ka ba?" Tanong ni Audrey. Nag-smirk ito.


Napakunot naman ang noo ko sa kanya.


'H'wag mong isiping seryoso si Sean sa'yo. Kahit kailan hindi siya naging ganoon sa babae. Na-chachallenge lang siya sa'yo dahil alam kong hindi mo siya pinapansin dati. Kaya kung ako sa'yo,  titigilan ko na ang pakikipagkita sa kanya kung hindi masasaktan ka lang sa bandang huli.'


Bago pa ito lumabas ay may huli pa itong sinabi.


'Baka magulat ka na lang, isang araw, kami na ulit.'


"Huy bestfriend, ano ba? Kinakausap kita." Yamot na si Lyka.


"Hindi ko alam bestfriend. Natatakot ako." Malungkot na sabi ko.


"Hay heto na naman po tayo." Sabi ni Lyka. Ilang beses na niya akong tinanong kung kailan ko nga ba ibibigay kay Sean ang aking 'oo' ngunit laging iyon din ang isinasagot ko.


Kinuwento ko rin sa kanya yung sinabi ni Audrey. Ang sabi niya lang sa akin ay h'wag ko itong pansinin. Hindi ko naman mabanggit ito kay Ren dahil alam kong magpinsan sila. Baka magkagalit pa sila ng dahil sa 'kin.


"Basta sinasabi ko sa'yo Charlie, napapagod din ang mga lalaki. Kapag napapansin na nila na nasasayang ang lang ang efforts nila, bigla na lang titigil 'yon. Sige ka, ikaw rin. Baka magsisi ka sa huli." Pangongosensiya nito.


Dumating nga kaya sa puntong mapagod si Sean sa 'kin? Hay. Ang hirap pala ng mapunta sa ganitong sitwasyon. Hindi ako makapagdesisyon. Kailangan ba talaga na ngayon na? Paano kung bigla na lang siyang tumigil? Hay. Hindi ko yata kaya.


Gustung-gusto ko si Sean. Sa halos araw-araw na pagkikita at pag-uusap namin ay lalo ko siyang nakikilala. Lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nilinaw naman niya sa akin na hindi seryoso ang sa kanila noon ni Audrey. Eh paano kung ganoon din siya sa akin ngayon? Ano bang dapat kong gawin?


"Ren. Kausapin mo nga ang babaeng 'yan." Narinig kong sabi ni Lyka.


Naramdaman ko naman ang nadagdag na presensiya sa tabi ko.


"H'wag kang mag-alala. Mahal ka talaga nun." Biglang sabi ni Boyfriend.


Alam kong nagbibiro lamang siya. Dahil uso ang mga salitang 'yun ngayon. Pero seryoso kong tiningnan si Ren.


"Talaga? Mahal niya 'ko?"


"Kahit kailan hindi siya naging ganito kabaliw sa babae Girlfriend."


Dahil sa sinabi ni Ren ay nakabuo ako ng desisyon. Tama! Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito. Ite-take ko ang risk.


Dumating ang aming graduation ball. Dalawang linggo na lamang kasi ay gagraduate na kami. Ang saya lang. Mamaya ay kakausapin ko si Sean. Sasagutin ko na siya.


Nasa kalagitnaan na ang party nang itext ko si Sean. Ang sabi ko ay magkita kami sa may garden dahil may importante akong sasabihin sa kanya. Nagreply naman ito na pupunta na siya. Hindi pa kami nito nagkikita magmula kanina. Sobrang lakas ng music. Nagsasayawan ang ilang estudyante at teachers sa dance floor.


Dali-dali kong tinungo ang school garden. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Sa wakas, pagkatapos ng gabing ito ay magiging malaya na kami ni Sean. Lalo na ako. Malaya ko nang maipapakita sa kanya ang totoo kong nararamdaman.


Malapit na ako nang may narinig akong tila nag-uusap sa garden. Si Sean kaya 'yon? May kasama ba siya? Ngunit laking gulat ko ng makumpirmang si Sean nga iyon at hindi lamang iyon, kasama niya si Audrey at magkalapat ang kanilang mga labi.

A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon