Charlie's Point of View
Siraulo ang Ibarra-ng iyon. Matapos niyang sumingit sa usapan namin ni Paul, pinilit niya pa akong i-accept ang friend request niya. As in, sa harap niya. Dahil sa sobrang kulit niya, sinunod ko siya. Dahil alam kong hindi niya ako titigilan. Nakalimutan ko na nga na may atraso siya sa akin.
Pag-uwi ko ng bahay, idineactivate ko ang FB account ko. Hindi ko alam kung anong laman ng utak ng lalaking iyon pero ayokong makihalubilo sa kanya. Nabalitaan kong break na nga talaga sila ni Audrey. At bali-balita na may bago na naman itong girlfriend. Gosh. Ayoko talaga sa mga lalaking tulad niya. Tsk.
Fifteen minutes before 9 am ay nakarating ako ng mall. Magkikita kami ngayon ni Paul para mamili ng mga kailangan para sa school project namin. Kami kasi ang magkapartner.
"Sorry Charlie, medyo na-late ako. Natagalan kasi akong makasakay ng tricycle eh."
"Okay lang. Tara." Sana matapos kami agad para makabisita ako sa bahay nina Lyka pagkatapos. Niyaya niya akong mag-lunch sa kanila.
Pumunta muna kami ni Paul sa bookstore. Nagtingin-tingin kaming dalawa doon.
"Siguro pumunta din tayo sa department store. Baka mayroon doon ng wala dito." Pagyaya ko sa kanya.
"Oh sige, kaunti na lang naman ang kulang." Mabait pala si Paul. At gentleman din. Inaalalayan niya ako sa kahit saan kami pumunta.
"Siya nga pala Charlie. Yung tungkol dun sa kahapon."
"Nako, oo nga pala. Pasensiya ka na sa kahapon Paul. May sapak lang yata talaga ang Ibarra-ng iyon."
"Close ba kayo?" Usisa nito.
"Ha? Hindi ah." Sagot ko.
"Nanliligaw ba siya sa'yo?" Dahil sa tanong niya ay muntik ko ng maibuga ang buco juice na iniinom ko.
"Lalong hindi!" Mariing pagtanggi ko. Pambihira. Saan naman niya nakuha ang ideyang ganoon.
"Kung hindi, bakit kanina pa niya tayo sinusundan?" Tanong muli ni Paul.
"Ano?" Talagang nagulat ako.
"Hindi ko sigurado kung siya nga ba 'yon pero ilang beses ko na siyang nakita sa pag-iikot natin dito sa mall." Sabi pa ni Paul.
"Baka naman namamalikmata ka lang Paul. Tara na nga, bilisan na natin. May ibang lakad pa 'ko." Sabay hila ko sa kanya.
Tinext ko si Lyka na papunta na ako sa kanila. Kinulit pa ako nito na ipasusundo niya raw ako sa driver nila. Siyempre tumanggi na 'ko, nakakahiya kasi.
"Sino nga kaya ang bagong girlfriend ni Sean?" Curious na tanong ni Lyka.
"Bakit? Big deal ba talaga kung sinong girlfriend niyang bago?" Ano ba iyong Ibarra-ng iyon? Artista? Duh!
"Oo naman. Nagkakagulo na ang mga girls sa school natin eh. Nako, kung sino man 'yon, kawawa siya."
"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Hello. Si Audrey kaya ang last ni Sean. Madaming fans si Audrey noh? Kung sino man ang bagong girl ni Sean, dapat she's better than Audrey."
Ganern?
BINABASA MO ANG
A High School Love Story
ContoYou met. it just happened. You fell in love. It just happened. You parted ways. Again, it just happened. Everything happens. Sometimes, with a purpose. Sometimes, with a reason. Sometimes, they just happened.